BDF 14 "The kiss"

4 2 0
                                    

Nagulat ako dahil sa pagsigaw niya kaya napalingon ako sa kanya. Agad ko siyang nilapitan.

"bakit? Anong problema?" pag aalala ko nakita ko siyang umiiyak at takot na takot kaya niyakap ko siya. Nahihirapan akong makita sya na umiiyak. Nagulat ako sa ginawa niya dahil sa bigla niya rin akong niyakap ng mahigpit.

Natatakot ako kasi sobrang lapit namin sa isa't isa baka di ko na mapigilan pa sarili ko at mahulog na ako ng tuluyan sa kanya. At hindi pwede mangyari yan dahil KAIBIGAN lang turing niya sakin at alam ko rin na inis siya sakin bata pa lang kasi kami lagi ko na siyang dinadaldal at inaasar.

Nanatili lang kami sa ganoong lagay hanggang sa humupa na ang iyak niya saka siya kumalas ng yakap sakin.

"okay ka na ba?" pagtatanong ko sa kanya tumango naman siya.

"s-o-rry" sambit niya kahit namamarag boses niya. May pumatak na luha sa mata niya

"ayos lang" ngumiti ako saka pinunasan ang luha niya. Wala na naging marupok nanaman ako.

"Dito ka na matulog" sabi niya You mean tabi tayo matutulog? Hindi pwede baka di ko mapigilan sarili ko at gawin na kitang asawa ko! Joke hahaha! "sa guest room ka na matulog" tumango ako saka siya umalis at umakyat na.

Malakas parin ang ulan kaya buti na lang dito na niya ako pinatulog tinatamad narin akong umuwi itetext ko na lang si mommy pero hindi niya pwede malaman na dito ako matutulog kay vaeril dahil baka asarin nanaman ako non. Nahihiya ako syempre tuwing ginagawa niya yon, buti na lang di niya pa nagagawa na asarin ako sa harapan ni vaeril.

Umakyat narin ako at tumungo sa guest room teka wala pala akong dalang damit pamalit! Bumukas ung pinto at pumasok si vaeril.

"Ito,suotin mo" saktong may inabot siyang damit kaya tinignan ko,bakit meron siyang damit ng lalaki? Isang pares ng pantulog na kulay blue at di lang yon partner kami, pinagkaiba lang kulay pink sa kanya. Wag niyang sabihin binili niya ito para couple kami! Napangiti ako sa iniisip ko, imposible kaya na may gusto rin siya sakin? Di lang niya pinaparamdam kasi nahihiya din?

"couple?" ngiti ko sa kanya tapos tinignan niya suot niya.
"sa ex ko yan" napatigil ako sa pagngiti ko. Ex? May ex na siya? At dito natutulog yon dati? Biglang akong nakaramdam ng inis kaya sinauli ko sa kanya yung damit di bale na lang na di ako makapag palit mabango parin naman ako at malinis kaysa sa suotin ko yang damit ng ex niya na feeling ko madudumihan ako kapag sinuot ko.

"wag kang maarte hindi ka pogi" tinapon niya sa mukha ko ung damit at ANO? hindi ako POGI?

"Anong sabi mo?" tumayo ako sa harapan niya "wag kang maarte hindi ka POGI" ulet niya

Hinawakan ko ang dalawa niyang balikat na kinagulat niya, lagot ka sakin ngayon tignan natin kung sino ang tinatawag mong hindi pogi.

Pinantayan ko ang mukha niya at seryosong tumingin sa mga mata niya"a-no-ng ga-ga-w-in m-o?" tanong niya kaya mas lalo akong ginanahan asarin alam kong naiilang na siya sa tingin ko. Pilit siyang pumipiglas ngunit hindi ko hahayaang makawala ka pa sakin.

"ahhhhhhh" sigaw naming dalawa dahil sa kakulitan niya natumba kami sa kama kaya mas lalo akong natuwa sapagkat kay ganda ng posisyon namin good timing. Nakapatong siya sakin at ako ang nasa baba.

Mas lalo siyang nagulat dahil sa niyakap ko siya at inikot.. Ngayon ako naman ang nasa ibabaw niya kitang kita sa mukha niya ang pag kabigla hindi na siya makakilos.

Ngumiti ako sakanya at nilapit ang mukha ko sa mukha niya. "Ano? Sino nga ulet ang hindi pogi?"tanong ko sa kanya na may pagyayabang pero nakatitig lang siya sakin. "i-ik-aw" nabigla ako sa sagot niya.

Tumingin ako sa labi niya at sa mga mata niya bakit parang nasasabik akong tikman ang labi mo shett hindi pede ito kailangan kong mag pigil.

Pumikit ako at muli siyang tinignan sa mata mas lalo akong nahuhulog sa tingin mo vaeril paano ko ba mapipigilan ang puso ko kung ikaw lagi ang hinahanap hanap nito? Hinalikan ko siya at sa halik na ito ay rinig ko ang pagbilis ng tibok ng puso niya.




(An:sorry na hahaha di ako marunong mag pakilig pero itatry ko sa mga susunod ko pang updates wag niyo lang kakalimutan mag votes and comments para mas lalo akong ganahan gumawa😊💜)

Be You Do You For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon