Nag uuwian na ang lahat pero si kantasia hindi parin bumabalik! Asan na ba ang babaeng yon sabi niya babalik siya? Nyare?
Si silvran naman parang bula na nawala may tumawag lang sa phone niya tas di na rin bumalik. Wala pa naman akong kilala dito.
Lumabas na ako para hanapin si kantasia, naisipan kong puntahan yung sasakyan kung saan pinark ni kantasia kanina baka sakaling nandon siya wag niya lang akong iiwanan dahil ayokong mag commute nang ganitong oras.
Habang nag lalakad ako nakarinig ako na nag aaway di ko na lang pinansin di ako chismosa para alamin kung ano at sino sila ngunit napahinto ako dahil narinig ko ang pangalan ko.
"Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay zelle,natatakot ako!" wika nito kaya nagtago ako at tinignan kung sino ung babae.
Laking gulat ko na si kantasia iyon at si.....silvran? Magkakilala sila?
Niyakap ni silvran si kantasia, anong relasyon nila?
"maiintindihan ka niya mabait si zelle hindi siya tulad ng ibang tao" sabi ni silvran habang yakap yakap si kantasia na umiiyak.
Anu ang dapat kong malaman?
"nangako ako sa kanya na hindi na ako magtatago pa ng lihim paano ko sasabihin sa kanya na tinago ko ang katotohanan about kay erion hindi ko kayang magalit ulet sakin si zelle" nagulat ako sa sinabi niya ERION? Bumilis bigla ang tibok ng puso ko. Ano ang dapat kong malaman kay erion na ex ko?
Lumabas ako sa pagkakatago at hinarap sila.
"Ano ang dapat kong malaman about kay erion" wika ko at bigla silang nagulat sakin.
Lumapit sakin si kantasia "zelle" sabi ni kantasia habang hinahawakan niya ang kamay ko.
"Ito na ang panahon para malaman niya kantasia magtiwala ka lang kay zelle" sabi ni silvran
Tumingin ako kay kantasia at nakatingin na din siya sakin ngayon ngunit may luha na nangingilid sa mga mata niya.
"Zelle,please forgive me" wika ni kantasia lalo siyang umiyak sa harapan ko,bigla naman akong nakaramdam inis "Please tell me, ano ang dapat kong malaman about kay erion" mahinahon kong sabi.
Pinunasan niya ang luha sa mata niya at huminga muna ng malalim"zelle, hindi namin gustong itago ito saiyo kasi...gusto ka lang niya palayuin para hindi ka na mahirapan pa...."pumikit ako hindi ko na kayang itago pa ang inis ko
"ANO BA KANTASIA DERETSUHIN MO NA AKO! ANO BA ANG DAPAT KONG MALAMAN?" Sigaw kong sabi sa kanya na kinabigla niya binitawan niya ang kamay ko at yumuko, Pasensya na kantasia pero halo halo na ang katanungan sa isip ko at naguguluhan na ako.
"Zelle,wala talagang ibang babae na minahal si erion bukod saiyo" tinignan ko siya na may pagtatanong "may sakit si erion"bigla akong nanghina sa narinig ko " ayaw niyang ipaalam saiyo na may sakit siya unti unti na siyang nabubulag at hindi ka na niya makikita pa at maalagaan kaya mas minabuti niya na saktan ka niya sa ibang paraan kaysa makita mo siyang nagkakaganon" ngumilid ang luha ko sa nalaman ko, may sakit? Ano? Bakit? Paano?
"Anong sakit niya?" tanong ko kay kantasia habang unti unti nang pumapatak ang luha ko.
"Cancer sa mata nakuha niya yon noong naaksidente siya sa motor" sabat ni silvran.
Humagulgol ako ng iyak bakit niya kailangang itago sakin ang ganong bagay? Bakit erion?
"Hindi ka niya gusto pang masaktan,zelle" sabi pa ni silvran.
Hindi gustong masaktan? Bakit sa pagtatago niya ng sekreto hindi ba ako nasaktan? Mas masakit yon dahil wala siyang tiwala sakin dapat naalagaan ko siya at napagsilbihan. At ang masakit pa don napagsalitaan ko pa siya ng kung anu ano na ganoon na pala ang sitwasyon niya.
"BAKIT HINDI MO SINABI SAKIN AGAD" tanong ko kay kantasia. "HA?,BAKIT KA NAG TAGO SAKIN KANTASIA NG GANONG BAGAY?" sigaw ko kay kantasia sabi niya sakin dati hindi na siya maglilihim pa.
"AKALA KO BA HINDI KA NA MAGLILIHIM SAKIN?" sigaw ko muli sa kanya naglihim siya sakin nung una at pinagbigyan ko siya at nangako siya na hindi na mauulit pero ano? Ang sakit sobra dahil importante sakin ang bagay na inilihim niya napakaimportante ang bagay na ito dahil boyfriend ko ang nakasalalay dito. Ipinagkait nila sakin ang karapatan ko bilang girlfriend.
"Please forgive me gustong gusto kong sabihin sayo pero pinipigilan ako ni erion" Sabi niya habang humagulgol ng iyak.
"At nag papigil ka naman? Ang daming paraan para sabihin mo sakin yon kantasia! nag kakasama tayo na wala sa tabi ko si erion pero di mo sinabi kaya pala lagi ka sakin nanghihingi ng sorry sa hindi ko malaman ang dahilan" sabi ko sa kanya kaya mas lalo siyang humagulgol.
"Sobrang hirap,zelle! Sobrang hirap para sakin ang itago yon" mahinahon niyang sabi habang humihikbi.
Wala na akong masabi pa kundi ang umiyak at masaktan hindi ko dapat sisihin si kantasia sa mga nangyayari dahil una sa lahat ako dapat ang nakakaramdam na may iniindang sakit ang boyfriend ko pero hindi ko manlang naramdaman. Ang tanga tanga ko namang girlfriend.
"Asan si erion?" baling ko kay silvran hindi ko alam kung anung relasyon meron sila ni erion kasi hindi ko pa nakikita si silvran na nakakasama ni erion dati.
Nakatingin lang siya sakin na para bang nag aalanganin niyang sabihin kung nasaan si silvran.
(Hello readers! Dont forget to Votes and Comments💜)
BINABASA MO ANG
Be You Do You For You
Teen Fiction✨ How do you know when you are inlove? when it hurts but you still want to stay. I learn how the game of life . And now, i'll go with the flow even it's hurting the whole me. Let it hurt, Let it bleed, Let it heal and Let it go.✨ Start date: August...