BDF 11 "Mr. Stranger"

4 2 0
                                    

Kasama ko ngayon ung lalaking nakita doon sa lagi kong tinatambahayan tuwing pag tapos kong mag simba, natatandaan niyo ba yon? Ung nag dradrama ako tas bigla biglang umeeksena, yung lalaking stranger na nasa likod ng puno na sinasandalan ko! Oo siya nga. Inaya niya ko dito sa mcdo nakakahiya kasi ang daming tumitingin samin i mean sa kanya..

Saka ko nakita ng maayos yung mukha niya di ko ipagkakaila na gwapo siya at tama lang din ung kulay ng balat niya parang parehas lang kami ng kulay. Maputi pero sobrang kinis niya, nakakahiya naman sa kutis ko pero makinis din naman ako.

"anong gusto mong kainin? Treat ko" sabi niya pero nakatingin parin ako sa kanya bakit niya ko inaya dito? Close ba kami? Eh bakit naman ako pumayag? Close ba kami? Ay hahaha bang gulo ko.

"ah, burger w/sundae na lang akin"hiya kong sabi tapos ngumiti lang siya ,sinundan ko siya ng tingin papuntang counter na ngayon ay umoorder na. Mabuti naman at walang pila kaya mabilis siyang nakabalik dala dala ang order namin.

Di ko alam kung bakit magaan ang loob ko sa taong ito at mabilis niya kong na pa oo nang ayain niya kong kumain. Nakatingin parin ako sa kanya at pinag mamasdan siyang kumain.

"alam kong pogi ako" ngumisi siya pero di ko parin inaalis yung tingin ko sa kanya.. "Bakit parang matagal na kitang kilala?" sambit ko kaya napatigil siya sa pagkain niya ng burger at tumingin sakin ng deretso.

"Ha?" taka niyang tanong

"ah hehe! Wa-wala wa-wala nevermind" saka ko kinain ung inorder niya.

Napansin ko rin na same kami ng order... Napailing na lang ako baka wala na siyang ibang mapili kaya ginaya na lang niya ang order ko.

"Btw,silvran nga pala" sabay abot niya ng kamay niya sakin..

"Zelle!" at nag kamay kami.

"bakit tuwing nakikita kita umiiyak ka?" tanong niya sakin

Di ko siya sinagot nag patuloy lang akong kumain ng sundae.

"pasensya na nga rin pala kung lagi kitang naiistorbo tuwing nag momoment ka" sambit niyang muli

Oo para kang kabute na bigla biglang sumusulpot at nag sasalita. Kung maldita lang siguro ako baka namalditahan na kita.

"Ayos lang yon" saka ako ngumiti ng pilit. "ikaw bakit ka nasa sementeryo?" alangan may dinalaw yon zelle.

"Dinalaw ko lang ung kaibigan kong namatay.. Kakamatay niya lang nakaraang taon" malungkot niyang sambit

"ah ganon ba pasensya na! pwede ko bang itanong kung anong kinamatay niya?" pag uusisa ko

Di niya nasagot yung tanong ko dahil may babaeng lumapit samin.

"Kuya, pede po bang papicture?" sabi ng babae na kinikilig kilig pa.

"I'm sorry. Baka magalit ang kadate ko" sabi niya sa babae kaya yon lumungkot ung mukha ng babae at umalis.

Humarap siya sakin "Bakit mo naman tinaggihan yon, nakakaawa naman!" sabi ko sa kanya dapat pinagbigyan na lang niya yung babae kasi mukhang idol siya non.

"sa tingin mo ba kapag pinagbigyan ko yon makakaalis pa tayo dito?" ngumiti siya ng nakakaloko habang nilibot niya ung paningin niya sa paligid kaya inilibot ko rin ung paningin ko parang halos lahat nakatingin sa kanya yung tao at ang iba naman kinikilig kilig pa. Edi siya na pogi.

"Are you done eating? let's go!" saka niya ko hinila palabas ng mcdo.



--------




Di ko na pansin na mag gagabi na pala nag aya pa siyang mag lakad lakad kaya pumayag na lang ulet ako dahil wala naman akong gagawin sa bahay. Marami rin siyang naishare na bagay sakin. Di naman ako masyado dumaldal hindi ko pa siya kilala kaya di ako nag oopen sa kanya about sa life ko.

Tahimik lang kaming dalawa habang pinagmamasdan yung tanawin dito sa side river.

"hmm, Thank you nga pala sa treat mo kanina" pag basag ko ng katahimikan.

"your welcome, gusto mo araw arawin ko na yung panlilibre sayo eh" pag bibiro niya

Napangiti ako... medyo ayos din pala siyang kasama akala ko nung una hindi ko magugustuhan yung ugali niya. May pag ka joker na isip bata din. Siguro kung makikilala niya si kantasia siguradong isang oras pa lang close na close na sila.




(Hello,readers! Don't forget to cotes and comments💜)

Be You Do You For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon