Zelle POV
May naaamoy akong pabango na talagang nakakahumaling amuyin. Hindi ko muna minulat ang mga mata ko sapagkat ninanamnam ko muna ang bawat amoy sa unan na kayakap ko. Ang sarap naman sa pakiramdam dahil feeling ko niyayakap rin ako ng unan ko. Teka parang humihinga ang unan ko kinapa ko ito kahit na nakapikit ako bakit parang may matigas na bagay din dito sa unan ko. Hinawak hawakan ko pa ulit kasi baka nag kakamali lang ako. Iminulat ko na ang mata ko at shaaaaaaks bakit may abs ang unan ko. Kailan pa nagkaroon ng abs ang unan ko? Kinurap kurap ko pa ang mga mata ko baka panaginip lang.
Gulat akong napabalikwas sa higaan ko na napagtanto kong si...shettttt nakakahiya!
"A-ANONG GINAGAWA MO SA TABI KO?"pasigaw kong sabi saka sinipa ko siya kaya nalaglag siya sa kama ko.
"o-uch! Damn zelle! Bakit mo ginawa yon" hawak hawak niya ang pwet niya habang hinihimas himas dahil napalakas ung pagsipa ko sa kaniya.
"Anu ba kasing ginagawa mo sa tabi ko at bakit mo ko niyayakap?" inis kong sabi sa kanya.
"Hin..." naputol ang sasabihin ni sandwich dahil pumasok si kantasia na hingal.
"anu yung narinig ko sa baba na bumagsak mula dito at bakit ka sumisigaw" lumapit sakin si kantasia "kamusta naman pakiramdam mo zelle? Ayos ka na ba?" pag aalala ni kantasia kaya tumango at nginitian ko siya, maayos ayos naman na pakiramdam ko di na tulad kaninang umaga.
-------
Kumakain ako ng mainit init na ginataang bilo bilo para daw mas mapadali ang paggaling ko. Dahil special daw itong bilo bilo may halong pag mamahal. Sweet talaga ni kantasia nilutuan niya pa talaga ako ng paborito kong bilo bilo.
"anu kamusta ung lasa? Masarap ba?" excited na tanong ni kantasia sakin habang naka hawak siya sa pisnge niya at ang lapad ng ngiti.
Ngumiti ako sa kanya at tumatango tango "oo sobrang sarap syempre basta luto mo kakainin ko, ikaw pa ba" kinindatan ko siya pero nag iba aura niya naging fake ung ngiti at kumakamot kamot sa ulo na para bang marami kuto.
"An---" magsasalita na sana si kantasia ng agawin ni sandwich ang kutsara at bowl ko.
"Hmmm! masarap nga" sabi niya na tipong sarap na sarap nga habang nag papakyut kay kantasia. Tinarayan ko siya at uminom ako ng tubig nawalan na ko ng gana kumain saksak niya sa baga niya yang bilo bilo.
"bajdoapeufbaldba" tinakpan ni sandwich yung bibig ni kantasia. Napakunot noo ako at sinamaan ko siya ng tingin pero ngumisi ngisi lang si sandwich sakin.
Hinampas ni kantasia ang kamay ni sandwich " bakit mo ba tinatakpan ang bibig ko. Eh hindi ko naman sasabihin sa kanya na ikaw ang nag luto" inis niyang sabi nang marealize niya ung sinabi niya tinakpan niya ang kaniyang bibig at hinampas hampas.
What? Si si si.. Sandwich ang nag luto? Ng bilo bilo? Paano niya nakuha ang taste na gusto ko sa bilo bilo, tinignan ko si sandwich na ngayon ay malapad ang ngiti tsk mag yayabang nanaman ito... kinuha ko ulet sa kanya ung bowl na may laman na bilo bilo at kumain. Asarin ko nga hahaha.
"sa tutuusin hindi pa masyado luto ang bilo bilo" angal ko "at yung lasa ibang iba sa gusto ko" pahabol ko pa.
Nawala yung ngiti niya napalitan ng seryosong mukha. Kinuha niya agad ung bowl, nilagay sa hugasan at lumabas ng kitchen.
"uyyy! May pa walkout si keyeh hahahaha haluh ka gurl nag tampo si baby kaiser" pang aasar ni kantasia. Anung nangyari don nagtampo?tsk parang bata.
Tumaas muli ako para mag half bath, kahit papaano ay nawala na ang lagnat ko. Mabilis lang tlaga mawala ang sakit sakin pero yung sakit na binigay ng ex ko HINDI. Kahit pala sobrang mahal mo ang isang tao, dadating ka parin sa point na mapapagod ka. Pagod na ko! pagod na pagod.
(Hello,everyone! Don't forget to votes and comments💜)
BINABASA MO ANG
Be You Do You For You
Teen Fiction✨ How do you know when you are inlove? when it hurts but you still want to stay. I learn how the game of life . And now, i'll go with the flow even it's hurting the whole me. Let it hurt, Let it bleed, Let it heal and Let it go.✨ Start date: August...