BDF 15 "Bad smell"

3 2 0
                                    

Zelle POV



Time check 8:00am


Nandito kami ngayon sa garden sa likod-bahay na may dining area kumakain ng breakfast ngunit naiilang ako kay sandwich paano ba naman ang laki ng ngiti niya simula kaninang paglabas niya ng kwarto.


"Hmm! Smell Something fishy" sabi ni kantasia kaya napatingin ako sa kanya.


Suminghot singhot ako at hinanap kung saan ung amoy na sinasabi niya na fishy fishy,wala naman ah! Mabango naman ako saka hindi malangsa yung kinakain namin,pambihirang ilong ni kantasia.


Bigla siyang humalagakhak sa tawa at sumeryoso, anu bang nangyayari sa babaeng ito.

"ZELLE"sigaw niya"Umamin ka nga anung nangyari sayo kagabi?" tanong ni kantasia ,bigla akong kinabahan tumingin ako kay sandwich na ngayon ay malapad parin ang ngiti bakit nakangiti parin ang loko!

"ah hehe a-no b-ang si-na-sa-bi mo" maang maangan ko. "s-ak-a wa-la na-man a-kong aa-min-in" sabay inom ko ng gatas.

"sooowss! Neknek mo zelle,sino yung nag hatid saiyo kagabi? At anung nangyari sa sasakyan?" sabi niya na may halong pang aasar

Wohhh! Akala ko yung ano namin ni sandwich yan lang pala nakahinga rin ng maluwag.


"Paano mo nalaman yan?" alam ko tulog na siya kagabi at si sandwich lang ang.... Tumingin ako sa kanya na ngayon ay nag whiwhistle na kunyari walang alam. Tsk!

"Di ka lang madaldal no? Chismoso ka rin" sarcastic kong sabi sa kanya!


Bigla siyang tumingin sakin "Oo,madaldal ako at maingay,pero matakot ka kapag tumahimik na ako" saka siya pumasok ng bahay dala dala ang pinggan niya.

Ano daw? O anu connect non!!! Tinignan ko si kantasia na ang lapad ng ngiti

"Gurl! Iyon na ba ang bagong nag papatibok ng puso mo?" kinikilig na sabi ni kantasia "sino siya? Pakilala mo naman samin" taas taas kilay niyang sabi.

Nginitian ko siya at sumenyas na lumapit siya sakin..."MANAHIMIK KA" sigaw ko sa tenga niya tsaka tumakbo ako papasok ng bahay.

Rinig kong sumigaw si kantasia pero di ko na lang siya pinansin! Wala nang klase at tapos ko narin nakaraan ung clearance ko next month na ako mag eenroll para sa 4th year college.

"uuwi na muna ako" gulat ko siyang nilingon.

"Ano ka ba muntik ko nang mabasag itong hawak kong baso" inis kong sabi bigla bigla na lang kasi siyang nag sasalita.

Ngumisi lang siya at tinalikuran ko siya. "Yung...nangyari pala kagabi...."saad niya kaya bigla ko siyang hinarap lumakas nanaman ang tibok ng puso ko at nahihiya ako bakit ba kailangan niyang ulitin o ipaalala ang bagay na iyon."P-wede ba wag mo nang banggitin yang halik na yan at baka marinig pa ni kantasia" anas ko kay sandwich.

Bigla siyang tumawa ng mahina kaya kumunot noo ko.

"Natatakot ka bang malaman ni kantasia yung paghalik ko sa iyo kagabi?" dahan dahan siyang lumapit sakin. Tinulak ko siya,naiinis na ako dahil ginagawa niyang biro ung bagay na yan paano na lang kung mag away kami ni kantasia? Hindi ba siya nababahala don? Bestfriend ko si kantasia at gf niya si kantasia, ayokong magkaaway kami ng dahil lang sa lalaki.

"Wag mo nang uulitin ang ginawa mo.." galit kong sabi "ayokong mag away kami ni kantasia ng dahil sayo,kalimutan mo na ung nangyari dahil wala lang sakin yon" anas ko pang uli sa kanya kaya napatigil siya sa paglapit at naging seryoso nanaman ang mukha.

Tumango tango siya "ganon ba!? Sge" saka siya tumalikod ngunit "pasensya na ha? Kung sinabi ko kay kantasia na may nag hatid sayo dito kagabi!" madiin niyang sabi saka tuluyang umalis.

Napahawak ako sa dibdib ko bakit ganito?

Ang totoo niyan nasabi ko lang yon dahil ayokong bigyan niya ng kahulugan ang ginawa niyang yon dahil makakasira ako sa relasyon nila ni kantasia. Ewan ko mayroon sa utak ko na hindi basta basta halik ang ginawa ni sandwich sakin. Hayss!!!





(Hello readers! Don't forget to votes and comments💜)

Be You Do You For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon