BDF 13 "Inlove"

4 2 0
                                    

Naiilang ako dahil iba ang naging pakikitungo sakin ngayon ni sandwich hindi siya kumain kasi inaantay niya akong dumating, hinintay niya ako kahit na gabi na, akala ko naman nag bonding sila ni kantasia hindi rin pala kasi tinamad daw siya bigla.


Nahihiya ako kasi pinagluto niya pa ako. Ibang iba na talaga ngayon ang sandwich na nakilala ko noon. 10pm na pero nandito parin kami sa kitchen sinilip ko sa kwarto kanina si kantasia ang himbing ng tulog. Kaya di ko na inistorbo pa.

"Here!"abot sakin ni sandwich yung niluto niyang special champorado kaya inabot ko naman agad ito. Kumuha siya ng breads nilagyan niya ng palaman na cheese. Teka puro paborito kong pagkain ang inihahanda niya ngayon.


Nilagay niya sa plato at nilapag sa harapan ko. "kainin mo lahat yan"malamig na tono niyang sabi. "Hindi naman ako masyadong gutom kasi kumain naman kami kanina sa mcdo" sabi ko

Tumingin siya sakin "kami?" madiin niyang sabi pero mahinahon lang. Kukunin niya sana yung inihanda niya sakin pero pinigilan ko siya , nakakahiya naman kung hindi ko kakainin pinag handa niya ako eh! Tumingin siya sakin na blanko ang mukha tapos kumain ng champorado.


Nabalot ng katahimikan ang kitchen, sanay ako sa tahimik pero bat ngayon parang gusto ko mag ingay siya..gusto ko daldalin niya ko.Pumasok sa isip ko na manghihingi nga pala ako ng sorry sa ginagawa ko noong nakaraan, diba! hindi natuloy yon kasi nagkaroon ng aminan sa pagitan nila ni kantasia.


"sandwich,sorry nga pala noong nakaraang gabi sa sinabi ko" patuloy parin siya sa pag kain na para bang walang narinig. "sa totoo lang..masarap talaga ung pagkakaluto mo ng bilo bilo"dagdag ko pa saka siya tumingin sakin "hehehe, peace na tayo nag bibiro lang naman ako non sineryoso mo" sabi ko pa habang tumatawa ako ng peke.


Kumunot yung noo niya saka kumain ulet ng champorado. Tsk choosy ka pa di ka naman yummy ano bang problema mong sandwich ka nanghihingi na nga ng pasensya tapos ganyan lang ipapakita mo dapat di na lang ako nag sorry, napakaisip bata talaga.

Pagtapos namin kumain kinuha na niya yung bowl at huhugasan. Anu bang problema nitong lalaking to hindi na kasi niya ko kinakausap.

"Ako na mag huhugas" kinuha ko sa kanya yung bowl pero muli niya ulet kinuha ito." Ako na lang mag lilinis dito" kumuha ako ng pamunas pero hinablot niya ito sa kamay ko na para bang ayaw niya kong tumulong."Ano bang problema mo?" inis kong sabi pero di niya parin ako pinansin. Wala na akong nagawa kundi lumayas na sa harap niya. Pumunta na lang akong sala at nanuod ng tv.


Nang matapos siyang maghugas at maglinis ng kitchen lumabas siya, nakita niya kong nandito pa sa sala.


Naglakad siya papunta sakin, Tsk! Tapos ngayon lalapit lapit ka sakin bala ka jan di ko siya pinansin at tinuon ko sa tv ung paningin ko. Nagulat ako kasi kinuha niya sa tabi ko ung remote ng tv saka pinatay then naglakad siya palabas ng bahay.Naiinis na ako sayo sandwich ka ah! Bago siyang tuluyang makalabas umangal na ako.

"Ano bang problema mo?Huh? Nag sorry na nga ako sayo tapos ganyan ipapakita mo sakin?"anas ko kaya napahinto siya. Nakailang minuto siyang nakatayo at saka siya humarap sakin nakita ko naman na nagbuntong hininga siya.

"Aalis na ako matulog ka na" Mahinahon niyang sabi saka ngumiti "Tsaka ayaw ko muna ikaw kausapin o makita..."dagdag niya pa na kinabigla ko ganon na ba talaga kalala ung nagawa kong kasalanan sa kanya? Para di niya na akong kausapin o makita? Tinignan ko siya na may pagtataka saka siya tumalikod at nag salita "kasi alam ko....."dagdag niya pa "jqurodndjal"

anu daw? Di ko narinig yung huli niyang sinabi kasi biglang kumulog kaya napasigaw ako at napatabon ng unan sa mukha ko sa sobrang takot.

Ang lakas ng tibok ng puso ko nanginginig na ako na naiiyak muling bumalik sa ala ala ko yung nangyari sa akin nung bata ako.

"MAMA,PAPA" Sigaw ko habang umiiyak.. Unti unting nilalamon ng tubig ang yate na sinasakyan namin kasabay pa nito ang malakas na kulog at kidlat....






KAISER POV




"Aalis na ako matulog ka na" mahinahon kong sabi sa kanya..Natuwa ako ng sabihin niya sakin na masarap yung bilo bilong niluto ko sa kanya, alam ko naman na biro niya lang yon sakin..Sinakyan ko naman biro niya eh! Kunyari akong nagtampo sa kanya may pawalk out walk out pa akong nalalaman di naman pala niya ako hahabulin. Hehehe sorry na readers kung pabebe ako ah. Gusto ko lang naman mag palambing hahaha kayo ba gusto niyo ba akong lambingin (kumindat).

Hindi ko siya pinapansin kasi natatakot ako na baka hayss ewan ko naiinis ako sa sarili ko. "Tsaka ayaw ko muna ikaw kausapin o makita..." sabi ko "Kasi alam ko...maiinlove ako uli sayo" dagdag ko pa na kinahiya ko naman.




AN: Hello,readers! I hope naenjoy niyo yung pagbabasa nitong story ko😊Anu masasabe niyo? Bet niyo ba si Kaiser? O si silvran? Ano kayang role ni silvran sa buhay ni zelle?! Don't forget to votes and comments!💜

Be You Do You For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon