BDF 19 "Rest in peace"

3 2 0
                                    

Silvran POV


Naaawa ako kay zelle dahil bata pa lang nadanas na niya ang pagsubok na hindi naman dapat niyang madanas. Nawalan ng magulang at kapatid this time boyfriend,kung ako lang tlaga masusunod sinabi ko na sa kanya noon pa dahil karapatan niyang malaman yon kasi girlfriend siya ni erion at mahal na mahal nila ang isa't isa.

Btw matalik akong kaibigan ni erion sa america nung nalaman kong may sakit si erion ay agad akong lumipad dito sa pinas.. Kaya ko nakilala si zelle dahil kay erion tuwing nag vivideocall kami lagi niyang bukang bibig si zelle.

Hindi ako kilala ni zelle kasi never niya pa akong nakitang kasama si erion kasi nga nasa america ako. Simula nung namatay si erion hinabilin niya sakin si zelle na alagaan ko at wag pababayaan. Un ang huling pakiusap niya sakin at may iniwan siyang sulat para kay zelle , oras daw na mawala siya at malaman ni zelle ang lahat ibibigay ko iyon.

Kaya nung nalaman kong may sakit siya hindi ko alam ang gagawin ko dahil sa hindi ko rin kayang mawala ang matalik kong kaibigan nasanay kasi ako na lagi siyang nakikinig sa mga problems ko lalo na sa babae hehehe hoy di ako babaero ah.

Noong araw ng una naming pagkikita sa personal ni zelle ay yun ang araw na gusto kong mag relax at makalanghap ng sariwang hangin kaya nandon ako sa likod ng puno nang makarinig ako ng babaeng umiiyak na di ko aakalain na ang babaeng iyon ay si zelle pala small world,umalis ako agad non dahil alam ko na kailangan niyang mapag-isa at makapag isip isip. Yung araw naman na nagkita kami sa sementeryo ay aksidente din pinuntahan ko si erion di ko inaasahan na makikita ko si zelle doon. Di naman kalayuan ang puntod ni erion sa puntod ng mama at papa niya kaya agad ko siyang nakita. Kinabahan ako dahil baka malaman niya kung sino ang dinalaw ko hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya ang lahat kung sakaling nangyari yun kasi tiyak na masasaktan siya ng sobra pero wala ganon parin naman ang nangyari nasaktan parin siya. At ang usapan si kantasia ang mag sasabi sa kanya ng bagay na yon kaya hindi ako nangealam pa.

Tulad ng sabi ni erion sakin ay gagawin at tutuparin ko sa abot ng aking makakaya humahanga ako sa ugali ni zelle kaya hindi imposibleng magkagusto ako sa kanya.

Tumingala ako sa langit "Bro! Promise gagawin ko lahat ng sinabi mo, aalagaan ko ang babaeng mahal mo..mamahalin ko rin siya higit pa sa pagmamahal mo sa kanya, Pangako erion".



----------


Susunduin ko si zelle sa kanila dahil usapan namin ngayong araw ay dadalhin ko siya sa puntod ni erion.

Nagdoorbell ako at may lumabas na lalaki mula sa bahay ni zelle. Nang makita niya ako agad ko naman siyang binati.

"magandang umaga, si zelle?" nakangiting bati ko sa kanya.

Tumingin siya sakin na para bang gusto niya akong suntukin at hindi niya ako pinagbuksan ng gate pumasok siya sa loob na para bang walang nakita.Sino ba yon?

Mag dodoorbell pa sana ako kaso lumabas na si zelle kasunod niya sa likod yung lalaki. Bakas parin sa mukha ni zelle ang kalungkutan.

"Good morning, zelle!" ngiti kong bati sa kanya nginitian niya lang din ako.

Tinignan ko yung lalaki ansama parin ng tingin sakin ano bang ginawa ko sa kanya bakit ganyan siya makatingin.

"Zelle, ako na lang ang maghahatid sayo kunin ko lang sasakyan ko" sabi nya kay zelle akmang aalis na siya pero pinigilan siya ni zelle.

"Hindi na! hindi mo naman alam kung saan kami pupunta,samahan mo na lang girlfriend mo sa loob" sabi ni zelle sa lalaki.

"WHAT?" reklamo niya

Di na siya pinansin pa ni zelle dahil pumasok na ito sa sasakyan ko.

Tinignan ko lang ulet yung lalaki "Ako nang bahala sa pinsan mo,pre!" then tinap ko yung balikat niya. Masyado naman ata siyang protective sa pinsan niya, hindi ko na siya inantay pa magsalita pumasok nako sa sasakyan ko at nagsimula nang magmaneho.

Napansin kong balisa si zelle gusto ko siyang yakapin at saluhin na lang ang lahat ng sakit na nararamdaman niya kung pwede lang talaga.

Pinark ko na ang sasakyan ko dahil nandito na kami sa labas ng sementeryo bumaba ako at pinagbuksan ko siya ng pinto pero hindi siya lumabas agad.

Tinignan ko siya nakayuko lang siya na parang ang lalim ng inisiip at bakas sa mukha na pinipigilan niyang umiyak.

"Zelle!" tawag ko sa kanya

Tumingin siya sakin tsaka lumabas ng sasakyan at agad naman kaming nagtungo sa puntod ni erion.

Alam kong kanina niya pa pinipigilan yung luha niya kaya iniwan ko muna siya sa puntod ni erion para mabigyan ko siya ng pagkakataon na mapag isa lalo na sa nararamdaman niya. Naiintindihan ko naman siya kung gusto niyang mapag isa ayos lang naman sakin basta nandito lang ako aalalayan siya kung anuman ang mangyari.



"Hello,readers! Don't forget to votes and comments💜)

Be You Do You For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon