Nag paalam nang umuwi si kaiser dahil baka nag aalala narin ang mama niya sa kanya. Kaya naiwan ako mag isang nanunuod dito sa sala.
Magtatanghalian na kaya nag decide akong magluto ng makakain namin ni zelle. Gising na kaya si zelle baka nagugutom na iyon tinikman ko ang tinolang manok na niluluto ko.. Hmm perpect pwede na ito sa panlasa ni zelle hindi naman iyon maarte saka sabi niya sakin masarap daw ako magluto. Syempre proud ako kasi kahit na mayaman kami hindi ako umaasa mga nakapaligid sakin kailangan ko kaya maipakita kila mom and dad na independent akong anak para maging proud sila sakin.
Inaral ko talaga ang mag bake at magluto ng kahit ano para kapag mag kaasawa ako hindi na namin kailangan pang kumuha ng maid. Mas gusto ko kasing ako ang mag luluto sa asawa ko tulad na lang pagdumating siya galing work malalasap niya ng luto ko o diba para sweet hahaha tas mawawala yung pagod niya sa sobrang sarap.
Hinatiran ko ng pagkain sa kwarto si zelle at inilapag ko sa tabi ng kama niya kasi mayroong maliit na lamesa. Mahimbing parin ang tulog niya tinignan ko ang oras 11:30am hindi pa kaya ito nagugutom. Pinagmasdan ko ang mukha niya bakas parin sa kanya ang lungkot. Minsan mas espesyal ang luha kaysa sa ngiti kasi kahit sino pwedeng mong ngitian pero ang luha tutulo lang sa taong di mo kayang iwan. Kaya napakaswerte ng ex niya dahil may nagmahal sa kanya ng tulad ni zelle.
Ginising ko si zelle para makakain na siya nagdala narin ako ng gamot para sa sakit ng ulo. Ipapainom ko ito sa kanya ayaw niya man o sa gusto. Si zelle lang ata ang nakilala ko na hate ang pag inom ng gamot kailangan mo pang ipilit saka siya papayag minsan hindi mo talaga siya mapapapayag matigas ang ulo. Ang katwiran niya hindi naman daw kailangan laging uminom ng gamot tuwing may sakit pahinga lang daw ang katapat gagaling na.
"zelle,You need to eat baka mas lalong sumakit ulo mo kapag hindi ka kumain!" sabi ko sa kanya habang ginigising iminulat niya yung mata niya nagulat ako kasi namumula at matamlay. Agad kong hinimas ang ulo niya . Mainit siya anu bang ginagawa ng babaeng ito sa sarili niya at bakit nag kakasakit. Kanina lang masakit ang ulo ngayon naman may lagnat na.
Tinulungan ko siyang umupo kasi nanghihina siya. Inabot ko naman sa kanya ang dala kong nakatrey na pagkain buti na lang mainit init pa itong tinola ko.
"Kumain ka na muna, bibili lang akong gamot mo para sa lagnat" sabi ko at akmang tatayo na sana ako ng hawakan niya ko.
"Wag na,ipapahinga ko lang ito ulet mawawala rin ito" sabi niya kahit namamarag na boses niya.
"No! Wag nang matigas ulo zelle ,pag aawayan nanaman ba natin tong pag papainom sayo ng gamot?" pagalit kong sabi sa kanya ganyan ugali niyan kabisado ko na pero di ko parin magawang magalit kahit noong mga bata pa kami. Hindi na siya umimik kaya kumuha na muna ako ng towel at plangganang maliit na may laman na tubig para ipunas sa kanya para kahit papaano bumaba ang lagnat niya.
Pinatapos ko muna siyang kumain at saka bumili ng gamot.
Zelle POV
Nakaramdam ako ng pananakit ng ulo nanghihina ako kaya di ko nagawang makatayo para bumaba. Hindi ko alam pero ang sama ng timpla ng katawan ko ngayon. Nakapikit lang ako ng maramdaman kong bumukas ang pinto at may umupo sa kama ko.
Si kantasia may dalang pagkain sakto nagugutom na ako. Buti na lang may dala siyang pagkain dahil hindi ko talaga kayang tumayo para bumaba dahil sa bigat ng pakiramdam ko.
Alam kong naiinis nanaman sakin yung babaeng yon dahil sa matigas ang ulo ko ayoko kasing umiinom ng gamot kapag may sakit. Basta ayoko lang. Pinunasan niya ako ng basang towel at guminhawa onti ang pakiramdam ko. Nagpaalam sya para bumili ng gamot ko.
Maya maya lang bumukas muli ang pinto ng kwarto ko ambilis naman atang bumili ni kantasia ng gamot.
"Dito na lang daw ako" wika ni kantasia "bantayan na lang daw kita at siya na ang bibili ng gamot mo" ani niya pang muli. Sino si sandwich? Asan na nga pala iyon.
"Umuwi si kaiser kaninang umaga at babalik siya ngayon kasi tinawagan ko siya para sana bumili kami ng gamot mo kaso sabi niya wag na daw akong umalis siya na lang daw bibili" nakapout na sabi ni kantasia "kamusta naman ang pakiramdam mo? Naging ayos ba kahit onti? " pag tatanong niya
Tumango lang ako bilang pagsang ayon medyo masakit din lalamunan ko.
(Hello, readers! Don't forget to votes and comments💜)
BINABASA MO ANG
Be You Do You For You
Genç Kurgu✨ How do you know when you are inlove? when it hurts but you still want to stay. I learn how the game of life . And now, i'll go with the flow even it's hurting the whole me. Let it hurt, Let it bleed, Let it heal and Let it go.✨ Start date: August...