BDF 02 "Phobia"

6 2 0
                                    

Naalimpungatan ako dahil sa lakas ng ulan sumilip ako sa bintana madilim ang kalangitan pero 8:30 na ng umaga paano ako nito papasok kung ganto kalakas ang ulan. Ng biglang kumidlat na may kasamang kulog. Napahiga at nag tabon ako ng kumot, oo takot ako sa kulog at kidlat na yan. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko ngayon dahil sa takot. I wish na may kasama ako sa ganitong sitwasyon tumulo ang luha ko dahil sa naalala ko nanaman ang nakaraan na kasama ko siya niyayakap niya ako kapag alam niyang may ganitong pangyayari. "I hate myself" anas ko sa sarili ko. Di ko namalayan na nakatulog na pala ulet ako.

It's 10am in the morning ng magising muli ako ambon na lang pero wala na di na ako nakapasok. Bumaba ako sa kitchen para mag handa ng almusal ko dahil sa nagugutom na ang tiyan ko di kasi ako kumain kagabi diba. Nagluto lang ako ng bread with eggs at nag timpla ng milk. Mag isa lang ako dito sa bahay kaya sanay na sanay akong tahimik ang paligid ko. Ang mama at papa ko bata pa lang ako iniwan na nila ako dahil sa pangyayaring di inaasahan, lumubog ang yate na sinasakyan namin di namin alam na may malakas na bagyong darating nung araw na iyon. Kaya may phobia ako sa kulog at kidlat dahil dyan nag iisa ako ngayon, may isa akong kapatid na lalaki na di ko alam kung buhay pa siya kasama din namin siya noong araw na nasa yate kami. 15 years old ako noon ng mangyari ang sakuna at ang kapatid ko ay nasa 13 years old.


Simula ng mangyari ang bagay na yan ang tita alhena ko na ang umalalay sakin hindi ko siya kaano ano pero matalik na kaibigan nila papa at mama si tita alhena. Sakin lahat ipinamana ang mga ari arian ng magulang ko kaya di ako nag hihirap ngayon. Hindi ko rin iniwan ang bahay na ito na kung saan dito ako nabuhay at lumaki. Hindi ko kayang mawala sakin ang nag iisang bagay na nakapag papaalala sakin sa mga magulang ko at kapatid. Ipinangako ko sa sarili ko na kahit anung mangyari aalagaan ko ang mga iniwan nila sakin at hahanapin ko ang kapatid ko na hanggang ngayon hindi parin makita ang katawan niya,umaasa ako na buhay pa siya.


*tok* *tok* *tok*


Tumayo ako para tignan kung sino ang kumakatok. Si tita alhena , pinagbuksan ko siya ng pintuan at pinapasok.

"anak, kamusta ka na?" pagtatanong ni tita alhena. Anak tawag niya sakin kasi para na din daw niya akong anak.

"ayos naman po ako" sagot ko at ngumiti

"ito nga pala may dala akong groceries at mga pwede mong lutuin" naglakad siya papuntang kitchen para ayusin ang mga dala dala niya kaya sinundan ko siya at tinulungan.

"naku,tita! Thank you so much po" lagi niya kasing ginagawa ito na dapat ako ang gagawa at bibili ng mga ito.

Nginitian niya ko at hinawakan sa balikat

"ano ka ba zelle,diba sabi ko sayo masanay ka na sakin at saka magtatampo na talaga ako sayo bakit tita? Diba sabi ko sayo mommy na" nakangiti nitong sabi at niyakap ako.

"ah eh! Sge po ti- mommy alhena" nahihiya kong sabi sa kanya kahit na matagal na kaming mag kasama ni tita alhena di ko parin siya natatawag na mommy dahil sa nahihiya ako.

"Goodgirl, ayaw mo ba talaga na may makasama ka dito? Di ka ba natatakot o naboboring dahil wala kang kasama?" pag tatanong ni mommy alhena sakin

Umiling ako "sanay na po ako". Ngumiti na lang muli ako sa kanya.

Nag paalam na si mommy alhena dahil may susunduin pa daw siya sa airport dadating na pala yung anak niya galing south korea.





(Hello,readers! Don't forget to votes and comments💜)

Be You Do You For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon