BDF 08 "Teasing"

4 2 0
                                    

Alhena POV

"what? no! dyan ka na lang wait me there! ako na ang bibili ng gamot" pag aalalang tonong sabi ni kaiser sa kausap niya sa phone

Pagod sya kahapon galing byahe pero hindi ko alam kung saan siya pumunta at inumaga na ng uwi tapos ngayon aalis nanaman siya. Ang batang ito ang tigas talaga ng ulo.

Sinundo ko sya sa airport galing siya sa south korea, ilang taon din siyang namalagi doon dahil sa tinutulungan niya ang kanyang daddy mag manage ng business. Dalawa ang anak ko bunso si kaiser, ang kuya niya ay bihira lang umuwi dito sa bahay dahil may sarili na iyong pamilya. Bumibisita bisita naman minsan dito dala ang apo ko. Ang kasama ko lang dito ang mga kasambahay ko kaya hindi ako nag iisa. At ang asawa ko hindi ko alam kung bakit mas gusto niyang manatili don sa korea kaysa dito. Pero hindi kami hiwalay.


"where are you going sandir? Aalis ka nanaman kakauwi mo lang kaninang umaga." Tanong ko sa kanya kasi nag mamadali syang umalis

"Mom,i need to hurry up and i need to buy a medicine for zelle" pagmamadali niya

"What? What happened to zelle?wait for me i'll go with you" pag aalala kong tanong kinuha ko ang bag ko at lumabas na kami ng bahay.

"sabi ni kantasia inaapoy daw ng lagnat si zelle" taranta niyang sabi habang nag mamaneho.


Mabilis kaming nakapunta sa mercury drug upang bumili ng gamot at saka nag tungo sa bahay ni kantasia. Nag aalala ako para sa batang iyon dahil sa mga naranasan niyang masasakit na nakaraan. Nawala ang mga importanteng tao sa buhay niya.Close friends and family is the most important source of a person's happiness. Pero simula ng nawala ang pamilya niya nawala ang salitang happiness sa kanya napapasaya naman siya ni kantasia pero hindi na tulad ng dati. Kaya ako na rin ang tumayong nanay nanayan niya at itinuturing ko siya na para ko nang anak.


At hindi ko alam kung bakit pag dating kay zelle napakabilis ng anak kong si kaiser. Minsan nga tinutukso ko siya kay zelle mas okay sakin kung maging sila atleast kilala ko na ang babaeng mamahalin ng anak ko. Hindi ko maiwasan ngumiti habang papasok kami ng bahay ni zelle. Kailangan kong gumawa ng paraan para mag kagustuhan sila sa isa't isa.


Dumeretso si kaiser sa taas pupuntahan niya na siguro si zelle.Nagulat si kantasia ng makita niya ako "Hi,po tita alhena!" bati niya sakin "Hello,kantasia how are you?"habang nag bebeso beso kami "I'm fine po" sabay ngiti niya kaya ginantihan ko rin siya ng ngiti

Inaya ako ni kantasia na umakyat sa kwarto ni zelle para tignan ang kalagayan niya.

"Oh! What Happened to you zelle" pag aalala ko at kinapa ko ang noo niya.Mabuti na lang at nandito si kantasia dahil hindi siya nag sasabi kapag ganitong may sakit siya. Nag iisa at walang kasama ang batang ito. Kung ako lang masusunod doon ko na siya sa bahay papatirahin kaso ayaw niya.Ayaw niyang maiwan ang bahay na ito naiintindihan ko naman siya.

Hinalikan ko siya sa noo at sinabi na mag pagaling kahit papaano humupa ang init ng katawan niya dahil sa pinainom na siya ni kaiser ng gamot. Kaya di na namin siya inistorbo pa bumaba na kaming tatlo ayaw pa nga sanang bumaba nitong anak kong si kaiser babantayan niya daw si zelle. Nginitan ko siya ng nakakaloko,Ayaw na ayaw niya kasing inaasar ko siya kay zelle hahaha nakakatawa talaga tuwing nakikita ko reaksyon niya.

Nakita kong dumeretso si kantasia sa labas kaya sinundan ko siya naiwan naman sa sala si kaiser.

I know na may gusto siya kay kaiser halata naman sa kilos niya. Naabutan ko siyang hawak ang pandilig ng mga halaman at bulaklak. Nilapitan ko siya.... yumuko siya na para bang nahihiya sakin. Napangiti ako.

"I know you like kaiser,right?" nagulat siya sa sinabi ko

"So-rr-y p-o" nauutal niyang sabi habang nakayuko

"Ano ka ba kantasia ayos lang naman sakin yon wag ka nang mahiya,alam na ba ng anak ko?" sabi ko na mas lalo niyang ikinahiya, umiling lang siya. Bakit naman matagal na silang mag kababata at hanggang ngayon alam kong pinaparamdam ni kantasia kay kaiser na gusto siya nito. Napakamanhid talaga ng anak ko.

"kantasia,hija alam kong matagal mo nang gusto ang anak ko pero..." nagulat ako kasi hinawakan niya ang kamay ko

"tita"tumingin siya sakin"sa totoo  po niyan gusto ko po kayong makausap.." ngumiti siya ng pilit. Hinaplos ko ang buhok niya saka niyakap. Alam kong pinipilit niya lang na hindi umiyak sa harap ko.





(Hello,readers! Don't forget to votes and comments💜)

Be You Do You For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon