Simula

1.2K 50 3
                                    

"Sige sir papunta na po ako matatapos na po yung pinapagawa ni Ms. Reyes, thank you po" binaba ko na agad ang tawag at tinapos na ang appointment

"Thank you so much po See you again Sir and Ma'am" nagbow naman kami sa isa't isa at agad na akong naunang lumabas

Eto na rin kasi ang huling araw ko sa company ni Sir Gueverra dahil sa ibang bansa na daw siya mamamahala ng kompanya niya kaya naman ipapakilala niya na daw ako sa bagong mamahala nito para maging maganda na daw agad ang pagsasama namin sa Kompanya

Kahapon pa ako kabado at may masamang kutob na di ko maipaliwanag, di ko din maiwasan na mag isip ng kung ano ano dahil eto palang ang unang beses ko siyang makikita

Mag aalas diyes na ng umaga kaya naman grabe na ang init dito sa pila ng taxi

Nasiraan kasi akong ng kotse at kasalukuyan ko pa itong pinapaayos kaya naman nag cocommute muna ako ngayon

Kabado naman na ako dahil baka di na ako makaabot at maaari pa akong mawalan ng trabaho

Pawis na pawis na ako at uhaw na uhaw na dahil nakalimutan ko magdala ng bimpo at tubig

"Miss, eto oh bimpo pawis na pawis ka na kasi eh" nagitla naman ako sa malalim na pag iisip ng may mag abot sa akin ng pamunas

Inangat ko ang tingin ko sa kanya at binigyan siya ng nakakahiyang tingin

"Nako salamat kuya, kinakabahan kasi ako eh tsaka late na ata ako" di ko naman siya matitigan ng matagal dahil nasisilaw ako sa ngiti niya 

"Ganon ba ako naman na sunod sa pila eh ikaw na muna sumakay"

"Ayt wag na nagmamadali ka din siguro ikaw na" umiling iling naman siya kaya naman pinilit ko din siya

Nagpilitan naman kami ng ilang minuto hanggang sa dumating na ang taxi, nagalit pa nga yung nagpapasakay kaya naman sumakay na ako, nakangiti naman si kuya pogi hanggang sa mawala na siya sa paningin ko

"Crush mo siya miss?" saad ni manong driver at nakangiti sakin ng nakakaloko

"Medyo manong ang bait niya kasi sana walang jowa, kilala mo ba yun manong?"natawa naman si manong at nagsalita muli

"Lagi yan napila sa taxi miss, sa malapit na subdivision ata siya nakatira" napatango tango naman ako at di pa din nakakamove on sa kilig

"Wala naman sigurong jowa yun iha kasi kung meron dapat kasama niya lagi"

"Nako kung wala kuya ako na manliligaw"natatawang saad ko sa kanya

"Dapat lalaki pa din unang kikilos di magandang tingnan"

"Biro lang naman manong"

Nagkwentuhan pa kami ni manong hanggang sa nakarating na ako sa restaurant na sinasabi ni Sir

"Goodluck Cleia Iha kaya mo yan" nagpasalamat naman ako at naglakad na papasok

Saka lang din bumalik ang kaba ko ng pumasok na ako sa restaurant, agad naman kumaway si Sir

Likod lang ang nakikita ko dahil si Sir ang nakaharap sakin, medyo bumagal din ang lakad ko dahil grabe na ang tahip ng dibdib ko

Parang ayaw ko siyang makilala dahil baka di ko na mapigilan pa ang sarili ko

Madaming konklusyon ang napasok ngayon sa isipan ko ngunit baka di siya ang naiisip ko ngayon

"Iha maupo ka na, late ka n-"

Medyo nagulat ako ng bigla siyang magsalita

"So ayan ang gusto mong maging secretary ko tito, late and irresponsible tsk"

Nanlaki naman ang mata ko ng makumpira ko na kung sino ang arroganteng nang mamaliit saken 

Mula sa makapangyarihan niyang awra hanggang sa perpekto niyang mukha, malalaman mong pinanganak nga siyang mula sa marangyang pamilya

Di pa din nagbabago ugali niya mas lumala nga lang ngayon
Ang titig niya mas matalas pa sa agila kayang kaya ka niyang patayin

Tinaasan ko naman siya ng kilay at tinitigan din siya ng masama

Makalipas ang ilang taon di ko naisip na maari ko siyang makita ulit
Pagkatapos niya akong iwan iwanan babalik balik pa siya dito

"Pasensya na iho may pinaasikaso pa kasi ako kay Cleia wag na mainit ulo huh kalma" tinap naman ni Sir ang balikat niya pero di siya natinag

"Ehem! Medyo parang intense kayo huh magkakilala ba kayo o m-"

Nagulat naman si Sir ng sabay kaming nag hindi

"Ok ok so ano na iho?"

Jaylen Treyton......

After We Met Again (PDS#4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon