P-27

443 13 0
                                    

"C-cleia" nagitla naman ako at napatingin sa tumawag sa akin

Napatayo naman ako dahil si Zelestine ito

"Hi Tin maupo ka muna" saad ko at ngumiti sa kanya

Mugto ang kanyang mga mata at halatang walang maayos na tulog, naaawa naman ako sa kalagayan niya at tila nakokonsensya dahil mas pinili ko ang pansarili kong damdamin

"Gusto ko lang sana ibigay ang basbas sa inyong dalawa ni J-jaylen" mahinahong saad niya at tinitigan ako

"Pero paano ka na, di kasi sinabi ni Jaylen ang pinag-usapan niyong tatlo"

"Ako ng bahala magsabi kila Mommy sa ngayon maging masaya na sana kayo, at humihingi ako ng patawad dahil sa aking kagustuhan, naghiwalay kayo"

"Di naman dapat ikaw lang ang sisihin tsaka nagmahal ka lang din naman, patawad kung mahal ko din si Jaylen at di ko siya kayang bitawan pa"

"Ayos lang iyon tsaka kayo naman talaga una palang sadyang pinipilit ko lang ang sarili ko" naluluhang saad niya kaya naman niyakap ko na siya

Naramdaman ko naman muli ang pagkakaibigan namin na matagal ng nawalay dahil sa iba naming lokasyon

"Mahahanap mo din ang para sayo Tin basta kung kailangan mo ng kausap nandito lang ako sayo diba nga bestfriends tayo" napangiti naman siya at nagpunas ng luha

"Di ko deserve maging kaibigan mo dahil sakin nag hirap ka ng ganito at dumoble ang sakit sa puso mo, nawala na si Tito, nawala pa si Jaylen kaya naman bibigay ko na siya sayo at wag niyo na ako alalahanin"

"Pero saan ka naman na ngayon kung ganon?"

"Uuwi na ako ulit at tutulungan sila Mommy"

Inalo ko naman siya at kinausap pa tungkol sa buhay niya sa Australia nang dumating si Jaylen at agad lumapit sa amin

"Alagaan mo si Cleia, Jay at wag mo na ulit siyang bibitawan"

"I know but where are you going now and how about our plan?"

"Ako na kakausap sa kanila just wait to Tito to come home again here, I be going now the plane will be arriving soon"

Niyakap naman namin siya at agad na din siyang nagpaalam

Ilang minuto pa ang nakalipas dumating naman si Kuya James na hinahanap si Tin

"Where is she, is she already at the airport?" nagmamadaling saad niya

Tumango naman agad si Jaylen kaya agad na itong umalis

Nagtaka naman ako samantalang nakangisi lang si Jaylen

"Anong meron?" umiling iling nalang siya at inaya na akong mag dinner

Lumipas na ang ilang buwan at nakauwi na sa pinas sila Trin

Naging kami na din muli ni Jaylen at nagpaplano ng ipaalam ito sa kanyang pamilya at kay Mama

Ngunit di muna namin ito tinuloy dahil tinutulungan ko din si Trin sa kaso niya samantala inaayos naman ni Jaylen ang mga papeles niya at koneksyon ng company nila sa Australia

Naging madalas ang pagbisita ko sa kanila Trin at laging nilalaro si Caeser

"Buti naman nagkaayos na kayo ni Jaylen, sabi sayo eh babalikan ka din nun" natatawang saad ni Trin habang nagluluto

"Ikaw kailan ka babalik sa asawa mo?" ngisi ko namang banat sa kanya

"Sino nagsabing babalikan ko pa siya kung tatanggapin man niya si Caeser o hindi wala na akong pake basta nagsabi na ako ng totoo"

"Nako kakainin mo din yang sinasabi mo ngayon Trin, kung ako sayo lunukin mo na agad bago ka pa mabulunan"

"Ikaw kumain teh" banat niya at ipapasubo pa sana saken ang hilaw na manok

Nag irapan naman kami sa isa't isa at pinagpatuloy na niya ang pagluluto

"Tita let's watch anime please" pagmamakaawa niya saken wala naman na akong nagawa kaya naman

Sumama na ako sa kanya at nagdala ng chips

Isang taon na din ang lumipas at nabalitaan ko nalang kay Killian na nagkita na daw muli sila Ashton

At matapos nga ng press conference ay agad na din inalok ni Ashton na pakasalan muli si Trin

Tuwang tuwa naman ang lahat at binigay na ang basbas sa engagement nilang muli

"Babe!" gulat saken ni Jaylen, agad ko naman siyang hinampas at umayos na ng upo

"Bakit ka ba nang gugulat?"

"Tara na mag ayos ka nandito na sila Dad sa manila" nagulat naman ako sa balita niya at magproprotesta pa sana pero kumilos na din sa huli

Simpleng light blue cocktail dress lang ang sinuot ko at kabado nang sumama kay Jaylen

Pagkadating sa restaurant, ay agad ko ng nakita ang magkakausap na sila Kuya James

Habang papalapit kami ng papalit ay doble doble naman ang tahip ng aking dibdib

Napalingon naman sila agad ng makita na kami ni Jaylen

"Good Evening po sa inyo" saad ko sa kanila, napangiti naman si Tito na ngayon ko nalang muli nakita

"Kamusta Iha, Ang tagal na din nung huli kitang nakita, I'm sorry also about your father's death"

"No it's okay Tito and Dad is happy now where he is it's been years too"

"Let's eat first" kalmadong saad ni Tita kaya naman nagsimula na din kaming kumain

Kinamusta naman ako ni Tito pati si Mama kaya naman nawala na din ang kaba ko at gumaan ang loob

Nakisali na din si Kuya James samantala tahimik lang si Tita at tila malalim ang iniisip

Nag excuse naman ako na gagamit ng comfort room saglit kaya naman tumango sila

Nagulat naman ako paglabas dahil naghuhugas si Tita ng kamay sa sink

"Follow me Iha I want to talk with you" ngumiti naman ako ng bahagya at sumunod na din sa kanya

Naupo naman kami sa mini garden at nilanghap ang sariwang hangin

"I just want to apologize first" panimula niya at hinawakan ang aking kamay

"I'm sorry for ruining your relationship, I just want to become a good mother to him, I thought arranging him will be good for him in the future but I was wrong and still pursued what I want" napaluha naman siya kaya nagpunas muna siya saka nagpatuloy

"I'm sorry Iha for everything also I'm really sorry for Zelestine because her feelings got involved too, I was just thinking only what I want for him but not realizing that I already hurt so many people that he loves the most"

Tuluyan na siyang naiyak kaya naman dahan dahan ko siyang niyakap at inalo

"Okay lang po iyon, matagal ka na po naming napatawad, gusto niyo lang po maging maganda ang buhay ni Jaylen kahit di ikaw po ang tunay niyang Mommy"

"Yes and I hope wala ng sisira pa sa inyo, Zelestine's family got disappointed about what happened but they give there blessings to the vote of you"

"Thank you po kamo" ngiting saad ko kaya naman napangiti na din siya

"I'm really sorry Iha" niyakap ko naman siyang muli at pinapunas ng luha

Nanatili pa kami ng ilang minuto at naisipan na ding bumalik

Napangiti naman si Tito samin pati si Kuya James samantala nag aalala naman si Jaylen

"Mom are you ok? What happened" tanong niya saken

Gulat na ekspresyon naman ang pinakita nila Tito dahil ito ang unang beses na tinawag niyang Mom si Tita

Niyakap naman siya ng mahigpit ni Tita at paulit ulit na sinambit ang salitang sorry

Makalipas ang ilang taon na paghihinagpis ni Jaylen dahil sa kanyang ina ay tuluyan na niyang natanggap ito pati si Tita......

After We Met Again (PDS#4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon