"Paupuin mo na ang girlfriend mo Iho" tumango naman si Jaylen at inalalayan na akong maupo
"Cleia iha ikaw pala yan bakit ngayon mo lang sinabi samin Iho para namang di iba satin si Cleia"
"Nauna pang magkagirlfriend sa kuya niya what a rascal spoiled b-"
"Ma nasa hapag tayo and please respect her girlfriend"
Medyo naoffend naman ako dahil sa pagpaparinig ni Tita Katelyn kaya naman medyo naging intense yung atmosphere
"Sorry Jaylen my mother is not in a mood I guess but please introduce her to us"
"Yes thank you kuya, her name is Cleia and she's a childhood friend of mine also she's the daughter of my father's friend" tumango tango naman si Tito kaya naman medyo gumaan na ang loob ko at ngumiti
"So asan na ang friend mo Daniel?" tanong ni Tita Katelyn natahimik naman ang lahat kaya ako na ang nagsalita
"Patay na po an-" napahiya naman ako ng bigla siyang magsalita
"Di ikaw ang tinatanong ko Iha"
"Pasensya na po" napainom naman ako ng tubig at pinipigilan ang sarili ko na maiyak
Sa tanang ng buhay ko ngayon lang ako napagsalitaan ng ganon
"Yes sabi nga ni Cleia namatay ang tatay niya years ago" napatango naman siya at uminom ng wine
"So ano ng status ng life mo ngayon?"
"Ma please don't ask questions like that" saway sa kanya ni Kuya James
"Ayos lang po medyo nagstrutruggle pa din po kami ni Mama sa naiwang Kompanya ni Papa, ayaw po namin makaabala ng ibang tao kaya po sa ngayon nagsisikap pa din po kami ibalik ito sa dati"
"Okay may you please excuse me for a while" tumango naman kaming apat kaya naman nakahinga ako ng maluwag ng makaalis siya saglit para gumamit ng cr
"Pagpasensyahan mo na ang Tita mo ganon lang talaga yun" tumango nalang ako at kumain na
Di ko na pinatapos ang pagkain at inaya ng umuwi si Jaylen
Pumayag naman sila Tito at sila na daw bahala kay Tita Katelyn
Di ko napigilan mapaiyak sa taxi habang inaaalo naman ako ni Jaylen sa aking tabi
"Pagpasensyahan mo na si Tita ganon talaga yun" ngumiti naman ako ng pilit at nagpunas nalang ng luha
Ilang minuto pa bumaba na din kami sa taxi
Humingan naman ako ng malalim at nilasap ang sariwang hangin
Nandito kami ngayon sa tagaytay kaya naman medyo malamig at nakakarelax talaga ang hangin
"Tara na" naghawak kamay na kami ni Jaylen at nagtungo na sa una naming napagpasyahan
Ang sky ranch, susulitin na namin ang araw na ito at kakalimutan ang nangyari kanina
Alas dos palang ng hapon kaya naman madami pa kaming oras
Sobrang nag enjoy kami sa sky ranch kaya naman di pa sana namin balak umalis pero dumating na ang grab na tinawagan niya
Sunod naman ang picnic groove, nagtawanan pa nga kami dahil wala kaming dala kaya naman nag rent nalang kami at binusog ang aming mga mata sa view
Makalipas ang ilang oras na pag lilibot naisipan na din namin na maghapunan na
Di na kasi namin namalayan na alas syete na pala ng gabi
Tinawagan ko naman saglit si Mama at sinabi niya naman na ayos lang daw basta masaya kami ni Jaylen
"I'm sorry Babe" napangiti naman ako at hinaplos ang kanyang buhok
"Ayos lang iyon tsaka masaya na ako ulit nasulit natin ang second anniversary natin"
Nagpalipas pa kami ng ilang minuto saka na naisipang umuwi
Tulog na si Mama ng makarating ako sa bahay kaya naman agad na akong nag ayos at nakatulog dahil sa pagod
---
"Class dismiss" mabilis lang ang araw at grade 12 na kami ngayon eto din ang una naming buwan bilang moving upsGaya ng dati naging abala nanaman kami sa pag aaral at mas lalong dumami ang mga dapat naming gawin
Madalas lunch nalang kami nagkikita kitang tatlo dahil pati break namin ay ginagamit na namin sa pag aaral
Madalas na ding nag aaalala si Mama dahil lagi na daw ako walang maayos na tulog
Pinapakalma ko naman siya at sinasabing ayos lang ako di naman siya mapalagay kaya tuwing madaling araw lagi niya ako nilulutuan ng champorado o di kaya naman ay lugaw para daw magising ako at busog habang nag aaral
Lumipas ang ilang buwan at finals nanaman namin para sa 1st semester
Babad nanaman kaming lahat sa kakaaral bago magtake ng exam
Gaya ng dating gawi matapos ng exam balik aral nanaman muli para sa sunod na quarter
Madalas nalang din ang pag uusap namin sa cellphone ni Jaylen dahil sa lagi namin itong ginagamit para sa ibang activities ng school
Jaylen:
May free time ka ba sa weekend bisitahin natin yung parkTo Jaylen:
Sige babe btw kung tapos ka na matulog ka na busy nanaman tayo bukas goodnight loveyouJaylen:
Love you more goodnightPinatay ko na muna ang cellphone ko at tinapos na ang pagprint ng research
Di na ako nagulat sa oras dahil nakasanayan ko ng idlip nalang ang tulog ko
Alas dos ngayon kaya naman nagmamadali na akong ayusin ang mga gamit ko para makatulog na ako
Pinatay ko naman ang maingay na alarm ko, parang kanina lang papikit palang ako ngayon papasok nanaman akong muli
Friday na pala ngayon kaya naman medyo maluwag na ang sched ko bukas
"Class dismiss" nag inat na kaming lahat at pinasa na isa isa ang research papers namin
Gaya ng laging gawi inaantay na namin ang isa't isa at sabay sabay ng bababa para kumain ng lunch
Mabilis lang lumipas ang oras at sabado na ngayon alas dos palang ng hapon ay dismissed na kami kaya agad na akong pumunta ng playground gaya ng napag usapan namin ni Jaylen
Di na ako nagtaka na nandun na agad siya habang nainom ng paborito niyang iced americano
"Late ka nanaman Babe" napangiti naman ako at umupo na din sa tabi niya
"Alam mo na daming ganap" inalok naman niya ako ng favorite kong milktea at nanahimik nanaman kaming muli
Sinulit lang namin ang natitirang oras dahil sa susunod na mga araw ay di nanaman kami muling magkakasama ng ganito gaya ng umpisa ng aming relasyon...
BINABASA MO ANG
After We Met Again (PDS#4)
RomantizmCleia was a girl who once loved her childhood friend but they ended up breaking because of there status in life, after many years she become a strong woman despite of all the pain she felt before but in a uneccesary time she met again her longtime a...