P-8

402 11 0
                                    

"Congrats Cleia pati sayo Jaylen patapak naman sa inyo chos" birong saad ni Trinity

"Congrats din sayo Trin" nagbeso beso naman kami at nagpaalam na sa isa't isa

Naghanda kasi si Mama sa bahay dahil daw sa di daw siya nakapaghanda nung mga nakaraang recognition namin

Di naman makakapunta si Trin dahil naghanda na daw ang family ni Ashton

Di naman nakapunta mga parents niya dahil busy ito kaya naman si Kuya James muna ang nagsabit ng medal sa kanya

Gusto sana niya makisalo kaso may pasok daw siya kaya naman kaming tatlo lang din ang kumain

Busog na busog kami ni Jaylen dahil lahat ng luto ni Mama ay sobrang sarap

"Salamat po Tita sa pagkain sobrang nabusog po ako"

"Walang anuman Iho, nga pala idate mo muna si Cleia dahil may aasikasuhin ako sa kompanya"

"Sige po" ngumiti naman siya ng malapad gaya ko

"Wag lang gabihin sa daan okay sige na mag ingat kayo"

"Opo Mama ingat ka din" saad ko sa kanya at nagmano bago siya umalis

Nagligpit na muna kami at naglinis ng bahay bago kumilos para gumala

Makalipas ang isang oras bumalik na din sa bahay si Jaylen

Sinara ko na muna ang pinto pati gate bago kami naglakad sa bus station

"Punta tayong beach saglit lang" nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya at naexcite ng bongga

"Tara na!" natawa naman siya at sumakay na din

Ala- una palang ng hapon kaya naman mahaba haba pa ang oras namin

Nagsoundtrip naman kami habang nasa byahe

Di ko nga namalayan na nakatulog na pala ako kaya naman ginising niya nalang ako ng makarating na kami sa beach resort daw

Namangha naman ako dahil sa sariwang hangin at amoy ng dagat

Naplano namin na manonood lang ng sunset saka kakain ng hapunan sa may tabing dagat

Sa susunod nalang daw kami maligo kapag may bakante na kaming araw

"Ang ganda ng sunset ano?" tanong ko sa kanya pero tanging ngiti lang ang sagot niya sakin

"Sana ganito nalang tayo lagi" mahinang wika niya habang nakatitig sakin

"Malapit na mangyari yang lagi na yan" sabat ko naman tiningnan naman niya ako ng di makapaniwala kaya naman kinurot ko siya sa braso

"Aray! Lagi ka ng nananakit pag ako di na ka timpi buong katawan mo sasakit sakon" nagloading naman ako sa sinabi niya kaya tinawanan niya ako

Di ko nalang inisip muli at tinuon nalang ang paningin sa papalubog na araw

Lumipas pa ang ilang oras ng tuluyan ng lumubog ang araw, nanatili pa kami ng ilang minuto bago kumain ng hapunan

Nagtext naman na ako kay Mama at nagreply naman siya na ayos lang basta ibalik daw ako ni Jaylen na buo

Lumipas ang ilang linggo at naging busy naman kami pareho ni Jaylen sa pagtulong sa mga magulang namin

Nasanay na din ako sa pag aasikaso ng mga papeles kaya naman sa senior ko at college about business na talaga ang kukunin ko para mas matulungan ko pa si Mama at Jaylen sa future

Balak ko sa kalagitnaan na ng April sagutin si Jaylen dahil di na kami gaanong busy ng panahon na iyon

"Anak tara na uwi na tayo" nag opo naman ako kay Mama at inayos na ang mga papeles na tapos ko ng ireview

"Ano gusto mong ulam magluluto ako?" ngumiti naman ako kay mama at sinabing curry nalang

Mabilis lang lumipas ang araw kaya naman kabado na ako sa muling date namin ni Jaylen, ngayon ko na din kasi siya sasagutin dahil naaawa na ako sa kanya chos

Gusto ko na din kasi matapos ang paghihirap niya sa panliligaw tsaka gusto ko na din magkaroon kami ng label

Napabalikwas naman ako sa sofa ng biglang may nag doorbell agad na akong lumabas para pagbuksan si Jaylen

Naka navy polo shirt siya at simpleng maong pants at rubber shoes pero grabeng kapogian na ang hatid niya sa aming pamamahay

"Tara na by the way ang ganda mo" napangiti naman ako at kinomplement din siya

Kinikilig naman ako tuwing namumula ang tenga niya dahil sa mga salita ko na nagpapahiya sa kanya

"San mo gusto pumunta ngayon?" tanong niya sakin,muntikan na ako ma break down dahil sa kapogian niya buti nalang may baon akong magandang puntahan para sagutin siya

"Sa St. Agustin church ng Intramuros" nagtaka naman siya dahil napuntahan na namin iyon pero wala na siyang nagawa kaya sumakay na kami ng bus at nagsoundtrip

Doble doble na ang tahip ng aking dibdib, feel ko kasi ako pa yung mas kabado sa sasagutin kesa sa kanya

Makalipas ang ilang minuto sa byahe nakarating na din kami sa intramuros

Inaya ko muna siya na maglibot libot dahil nabitin kami sa una naming punta sa lugar

Nagbike ulit kami at sinubukan ang iba't ibang produkto ng mga pilipino

Tuwang tuwa naman kami ng masubukan na sumakay ng kalesa parang nasa sinaunang panahon kami at masayang naglilibot

Tumigil naman kami sa kainan kung saan hinahain ang mga iba't ibang pilipino foods sobrang nabusog naman kami lalo na sa special adobo nila

Nagpahinga na muna kami saglit sa isang bench habang nakain ng sorbetes

Pagkatapos nito ay aayayain ko na siya sa simbahan

"Jaylen" mahinang tawag ko sa kanya buti at tumingin siya

"Bakit Cleng?" napabusangot naman ako dahil tinawag nanaman nila ako sa nickname ko

"Wag na nga panget ng ugali mo" pag iinarte ko sa kanya

"Hala siya hindi na kita tatawagin ng ganon ano ba yun?"

"Tara na sa simbahan"

"Pakasal na tayo?" nagulat naman ako at hinampas siya sa braso

"Baliw magsimba naman tayo"

Tumawa naman siya saglit at nagpahatak na sakin sa simbahan

Nag sign of the cross na muna kami saka naghanap ng upuan

Sa kasal natin dito din dapat tayo ikakasal

Nanahimik na muna kami at nagdasal

Nang maramdaman ko na tapos na siya ay humarap ako dito ng bahagya

Nagtataka naman siya dahil para akong kabuti na kanina pa di mapakali sa upuan

"Sinasagot na kita Jaylen" napakunot naman siya ng noo at nag isip ng malalim

"Simula sa araw na ito tayo na" nagitla naman siya at parang di makapaniwala

"Seryoso ka ba?" napatango tango naman ako kaya niyakap niya na ako ng mahigpit

"Thank You Lord the best day ever!"

Natawa naman ako ng mahina at tumayo na

Nagsindi na muna kami ng kandila bago nagpasiya na lumabas na ng simbahan

"I love you Cleng" nagitla naman ako at libo libong boltahe ang aking naramdaman ng bigkasin niya ang katagang iyon

Nahihiya man ngunit sinikap ko pa din sabihin

"I l-love you t-too Leng".......

After We Met Again (PDS#4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon