P-25

473 9 0
                                    

Ilang minuto na ang nakalipas ng makaalis si Zelestine, nag aalala naman ako dahil baka kung ano ang mangyari sa kanya

Samantala kanina pa kami tahimik na nakaupo ni Jaylen at tila naghahanap ng sasabihin

"So about our past" panimula niya kaya naman nabaling na sa kanya ang atensyon ko

"Bakit mo ko biglang iniwan" saad ko at tinaasan siya ng kilay

"It's already planned that I will go to Australia to major my business course but suddenly Tita said I need to Broke up with you or else she will took your company"

"And?" tanong ko sa kanya kaya naman napaubo siya saglit at nagpatuloy

"And I didn't say to her that we broke up I just left you, sorry" mahinang saad niya sa huli niyang sinabi

"So ilang taon na kayong engaged ni Zelestine?" I asked again. I still have many questions but I just save it

"Since college, I always making excuses every year just to postpone our wedding, its not I don't like her but she's to much to me and she doesn't deserve a man like me"

"I already became a coward once I don't want to repeat that mistake again that's why I'm back to make things right"

"What about your engagement then?"

"I'm sure susunod na din sila dito may pagka masunurin kasi si Zelestine kaya ayoko sa kanya, she's so a good daughter and a friend"

"Kaya nga sana mahanap na din niya ang deserve niyang mapapangasawa at ikaw naman magsorry sa kanya babae din siya gaya ko"

Tumango tango naman siya at nilapit ang mukha niya saken

"So tayo na ulit?" tinulak ko naman siya at inirapan

"Baliw ka ba matapos mo kong iwan iwanan ganon nalang iyon who you ka ba?"

"What's the matter I already explained my self"

"Kahit na tsaka confused pa ako sa ngayon" nalungkot naman kunwari ang mukha niya at humarap nalang sa bintana

Di ko namalayan ang oras at alas kwatro nanaman ng hapon

Lagi namin pinanonood ang sunset dahil parang nawawala lahat ng problema namin dahil dito

Napatingin naman siya saken kaya tumingin na din ako sa kanya

"Di ka pa din nagbago, maganda ka pa din" nakangiting saad niya

"Nako di mo ko madadaan sa mga pambobola mo" irap ko sa kanya at tumingin na muli sa langit

"Di kita binobola, tsaka namiss kaya kita ng sobra, napaka harsh mo naman sakin nasaktan din naman ako" naaawa naman ako sa kanya dahil alam kong di lang naman ako nahirapan ng mga panahon na iyon

Ngunit di ko pa siya mabibigyan ng pagkakataon sa ngayon dahil di pa ako sure sa nararamdaman ko

Nag aya naman na siya ng dinner dahil alas sais na pala ng hapon, ayaw ko sana pero pilit siya ng pilit kaya naman wala na akong nagawa at sumama nalang sa kanya

Nagseatbelt naman na ako kaagad dahil ayoko na maulit ang nangyari kanina, narining ko naman ang munting tawa niya kaya naman napairap nanaman ako sa hangin

Binuksan naman niya ang radyo saka na pinaandar ang sasakyan

Dami pang gustong sabihin
Ngunit 'wag na lang muna
Hintayin na lang ang hanging
Tangayin ang salita

'Wag mo akong sisihin
Mahirap ang tumaya
Dagat ay sisisirin
Kahit walang mapala

'Pag nilahad ang damdamin
Sana 'di magbago ang pagtingin
Aminin ang mga lihim
Sana 'di magbago ang pagtingin

Nagbago ba talaga ang damdamin ko oh sadyang ayaw ko lang aminin sa sarili ko?

Bakit laging ganito?
Kailangang magka-ilangan
Ako ay nalilito, ooh-ooh-ooh
Ooh-ooh-ooh, ooh

Litong lito na ako talaga pagbibigyan ko ba siya o hindi pero sasaya ba ako kung pipiliin ko ang hindi?

'Wag mo akong sisihin
Mahirap ang tumaya
Dagat ay sisisirin
Kahit walang mapala

'Pag nilahad ang damdamin
Sana 'di magbago ang pagtingin
Aminin ang mga lihim
Sana 'di magbago ang pagtingin

Ano nga ba ang mga lihim ko na ayaw kong malaman mismo ng sarili ko?

Pahiwatig
Sana 'di magbago ang pagtingin
Pahiwatig
Sana 'di magbago ang pagtingin

Iibig lang kapag handa na
Hindi na lang kung trip-trip lang naman
Iibig lang kapag handa na
Hindi na lang kung trip-trip lang naman

'Pag nilahad ang damdamin
Sana 'di magbago ang pagtingin
Aminin ang mga lihim
Sana 'di magbago ang pagtingin

Subukan ang manalangin
Sana 'di magbago ang pagtingin
Baka bukas, ika'y akin
Sana 'di magbago ang pagtingin

Pahiwatig
Sana 'di magbago ang pagtingin
Pahiwatig
Sana 'di magbago ang pagtingin

-Pagtingin by Ben&Ben

Lumipas pa ang ilang mga tugtog at nakarating na kami sa restaurant na gusto niya

Di ko naalala ang lugar na ito makalipas ang ilang taon, simula kasi ng iniwan niya ako ay tumigil na din ako sa pag gala at madalas nalang nasa bahay ni Trin

Agad na kaming naupo sa lagi naming pwesto at umorder na ng pagkain

Para kaming binabalik sa nakaraan pero ang pinagkaiba nga lang hindi na kami ngayon

Matapos kumain, nanatili muna kami sa mini garden saka pinanood ang nang niningning na langit

Nag aya na din ako umuwi dahil madami nanamang trabaho bukas, tumango naman na siya at inalalayan na ako papuntang sasakyan

Gaya kanina nagpatugtog lang kami habang bumabyahe
--


Ilang oras na akong nakaupo sa kama at di pa din nakakatulog kakaisip kung pagbibigyan ko na ba si Jaylen o Hindi kaya naman, bumaba ako saglit at uminom ng gatas baka sakaling makatulog na ako

Nagitla naman ako dahil nakaupo si mama sa salas habang may kausap, pinatay naman na niya ang tawag at nagulat din sa presensya ko

"Anak gising ka pa" saad niya, lumapit naman ako sa kanya at niyakap siya

"Mama pagbigyan ko na ba si Jaylen" ngumiti naman siya at hinarap niya ako sa kanya

"Kung mahal mo pa siya edi go wala namang mawawala anak lalo na kung mahal ka talaga ng tao"

Nakita na kasi ni mama si Jaylen matapos niya akong hinatid, nagkamustahan lang sila saglit saka umalis na din si Jaylen

Napagdesisyunan ko na ang sagot sa katanungan ni Jaylen

At yun ang susubukan kong muli maging kami na panghabang buhay.......

After We Met Again (PDS#4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon