"Stay looking on your paper don't look anywhere or else I will throw your answer sheet in this trash, now start!" kabado na ang lahat dahil ito na ang pangatlo naming take ng exam
Malapit nanaman ang recognition kaya sobrang busy nanaman namin
Nakasanayan na namin ang pagpupuyat at laging tambak ng assignments at projects
Minsan nalang din kami kung lumabas ni Jaylen dahil nga sa hectic na schedule ng senior high
"30minutes left please answer the questions properly, paaalala lang malapit na ang finals wag niyo sirain buhay niyo"
Halos lahat takot kay Sir dahil sa pagiging strikto niya bilang proctor at prof sa subject niyang statistics
Ito din ang subject na lagi naming pinagpupuyatan dahil sa dami ng dapat aralin
Walang nakakalampas sa kanya kung anong sinabi niya dapat dun lang walang extension walang maaga
Nakahinga naman kaming lahat ng maluwag ng matapos na kami sa subject niya
Sunod naman ang Math kaya di din nawala ang sakit ng ulo namin
Guminhawa na ng matapos na lahat ng major subjects at nakapag break na kami ng mas maaga sa lagi naming gawi tuwing exam
"Kumain tayo ng madami may next exam pa" saad ni Jaylen na nagpairap nanaman kay Trin
"Babe okay ka lang ba diba masakit ulo mo" ngumiti naman ako at sinabing ayos lang ako
Matapos ang panandaliang oras ay bumalik na kami para kunin ang last exam
Makalipas ang isang linggo naging okay naman ang results at lahat pasado
Naging mas doble busy pa kami at halos wala ng tulog dahil papalapit nanaman ang finals at ito na daw ang pinaka matindi na itatake namin
"Tapusin mo na din yan sige sige goodnight babe" paalam ko at pinatay na ang tawag
5 research pa bago ko matapos ang ginagawa ko pero ala una na ng madaling araw
Di ko din napansin na nakalimang kape na pala ako kakababad sa laptop ko at cellphone
Eto na din ang ikalawang gabi ko na walang tulog dahil sa mga assignments at requirements na kailangan sa school
Madalas din sa cellphone nalang kami ni Jaylen nagkakausap ng maayos dahil pati sa school di kami palagi nakakapag usap tuwing break lang o may kailangan
"Congrats sa inyo lahat ay pasado" masayang bati samin ng aming prof at nagpalakpakan ang lahat
"Sa wakas makakatulog na din tayo ng mahimbing" masayang saad ni Trin sa akin at napayakap pa sakin ng mahigpit
"Kaya make sure to use your time in sleeping and resting, class dismiss" napatayo naman ang lahat at nagyakapan
Next week pa daw iaannounce ang mga honors kaya naman mag aantay pa kami para sa results ng grade namin
Napagpasiyahan muna namin ni Jaylen na magpahinga muna ng isang linggo bago kami mag date ng mag date muli
Agad naman ako inaya ni Trin na magstay ng isang week sa kanila, pumayag naman si Mama kaya naman di na ako nakahindi
Nag aaalala pa nga ako kay Mama pero sabi niya ayos lang din daw siya at maaari din niya daw akong bisitahin dito
Lumabas na din ang results at gaya ng dati nagkakatalo nanaman si Jaylen at Ashton sa 1st honor
Sobrang tuwa naman ni Mama dahil di daw niya ineexpect na kaya ko pang maabot ang ganon kataas na grade
Di rin ako makapaniwala na nakakuha ako ng 96 na grade kaya naman sobrang saya ko din dahil malaking achievement ito para sa akin
Malapit nanaman ang anniversary namin kaya naman di ko nanaman alam kung anong ireregalo sa kanya
"Ang hirap naman walang napasok sa utak ko kung anong pwedeng iregalo"
"Couple necklace maganda" saad ni Trin sa akin nandito kami ngayon sa kwarto niya at pangalawang araw ko na ngayon dito
"Sige yun nalang, Teka! saan naman tayo bibili?" nakapamewang kong saad sa kanya
Tinuro naman niya yung magazine na kanina pa niya tinitingnan kaya agad ko itong tiningnan, nagustuhan ko naman ito agad at kaya naman ng ipon ko kaya naman agad ko na ito inorder at pina set up
Sakto lang din ang dating nila dahil kinabukasan ay anniversary na namin pagdating ng delivery
"Talino mo talaga bes"
"Yes I know kasi nga ako lang toh"
Lumipas ang ilang araw at lagi lang kami sa phone nag uusap ni Jaylen
Pinatulong din kasi siya sa company nila kaya naman medyo busy siya ngayon
Araw na ngayon ng second anniversary namin kaya naman nagmamadali na akong mag ayos
Nalate kasi ako ng gising dahil may pinareview si Mama saken na files kagabi
"Wait lang Jaylen, wag mo na ako sunduin ako nalang pupunta jan, Oo wag ka mag alala sige bye loveyou!"
Nagmadali na akong mag make up at mag suot ng napili ni Trin na dress sinuot ko na din ang 2inch stilletos saka na umalis
Di na ako nakapag paalam ng maayos kay Mama dahil sa pagmamadali
Agad na akong pumara ng taxi at sinaad ang address na sinabi ni Jaylen
Kinabahan pa ako dahil akala ko naiwan ko ang regalo ko pero hawak ko pala sa kaliwang kamay
Medyo kinakabahan ako ngayon na di ko maipaliwanag kung bakit
Tingin ng tingin naman ako sa wrist watch ko dahil late na ako sa napag usapang oras
Traffic kasi ngayon at mukhang may naaksidente pa ata sa unahang kalsada
Nagtext naman na ako kay Jaylen na malalate dahil traffic pa, nagreply naman siya na mag ingat daw ako at mag aantay daw siya
Ilang minuto pa ang lumipas umayos na din ang daloy ng traffic kaya naman napabilis na din ang takbo ng taxi at nakarating na din ako sa restaurant na tinutukoy ni Jaylen
Nag ayos na muna ako saglit saka siya hinarap
"Sorry Jaylen" ngumiti naman siya at kinurot ang pisngi ko ng bahagya
"It's not your fault babe, let's go" ngumiti naman ako sa kanya ng bahagya at kumapit na sa kanya
Nagitla naman ako dahil di ko inaasahan na may makakasama namin sa hapag
Di ko inaasahan na ngayon na pala niya ako ipapakilala kila Tito at kay Tita Katelyn...
BINABASA MO ANG
After We Met Again (PDS#4)
RomanceCleia was a girl who once loved her childhood friend but they ended up breaking because of there status in life, after many years she become a strong woman despite of all the pain she felt before but in a uneccesary time she met again her longtime a...