P-29

489 10 1
                                    

Warning: R-100 char
Read at your own risk

"Himala Trin inaya mo ako ngayon magshopping at agang aga pa talaga" ngumiti naman siya habang hawak si Caeser sa tabi niya

"Hi Tita good morning" ngiting saad niya saken kaya naman kinurot ko naman ang pisngi niya at pinapasok muna sila

"Antayin kita dito sa salas niyo, bilisan mo na" tumango naman ako at umakyat na

Narinig ko pa ang pag ka excite ni Mama dahil nandito si Caeser

Simpleng crop topped polo ang pang taas ko at tinernohan ito ng square pants at black pumps

"Ganda naman talaga ng kaibigan ko fresh na fresh" pambobola ni Trin sa akin samantala siya nga naka dress pa at parang aattend ng meeting

"Nambola ka pa tara na" nagpaalam naman na kami kay Mama

Iniwan namin si Caeser kay Mama dahil gusto daw niya ako makabonding mag isa

Busy naman ang asawa niya pati si Jaylen kaya naman libre kami ngayong araw

Sumakay na kami sa kotse niya at nag soundtrip habang nasa byahe

Pagkadating sa mall ay agad na kaming pumasok at nagsimulang maglibot libot

Nagkwentuhan din kami tungkol sa pagsisimula nilang muli ni Ashton

"Grabe nakakapanibago na kasama na namin si Ashton, nakakatampo nga kasi laging nasa Papa niya pero pinagbibigyan ko nalang kasi naman matagal din siyang nawalay sa totoo niyang ama"

"Sabagay tara tingin tayo bago ng Forever21" hinila ko naman siya agad at tiningnan ang mga dress

"Sukatin mo nga toh" pakita niya sa vintage dress, napangiti naman ako sa galing niyang pumili at agad na itong sinukat

"Ang ganda wag mo na hubarin ako na magbabayad" aayaw pa sana ako pero na swipe na ang credit card niya kaya naman ililibre ko nalang siya mamaya ng bag

"Tara sa mga bag libre kita" natawa naman siya dahil ayoko talaga na ako lang ang nililibre

Isa din yun sa natutunan ko habang lumalaki ako

"Mga alas kwatro may pupuntahan tayo kaya sulitin na natin toh" saad niya at pinakita na saken ang gusto niyang bag

"Saan naman?" di naman siya nagsalita kaya naman kinulit kulit ko pa siya pero hanggang kumain na kami ay di pa rin niya ito sinagot

Nagpasalon naman kami matapos kumain at pinilit niya akong ipaikot na tirintas ang buhok ko

Nagtataka na ako sa mga kilos niya kaya naman pinipilit ko pa din kung saan kami pupunta

Hanggang sa nag alas kwatro na at inaya na niya ako sa pupuntahan daw namin

Nagulat naman ako ng piringan niya ang mata ko, pinatahimik niya naman ako at antayin nalang na makarating sa pupuntahan namin

Kinakabahan naman na ako dahil parang mapapaiyak ako nito di oras

Naramdaman ko naman na ang pagtigil ng kotse at pagbukas ni Trin ng pinto

Inalalayan naman niya ako sa paglalakad kaya naman kinakabahan na ako dahil sa kaemehan na ito

Naramdaman ko naman ang malamig na simoy ng hangin at pagaspas ng mga dahon

Kaya naman napaisip ako kung nasa malapit kaming beach o picnic ground

Tumigil naman kami sa paglalakad at pinabuksan na nila ang piring ko

After We Met Again (PDS#4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon