Ilang linggo na ang nakalipas ng sinabi niya ang katagang paulit ulit kumakalikot sa isip at puso ko
Di nananaman kami nagkikita kaya parang walang saysay nanaman buhay ko
Malapit nanaman ang recognition kaya naman medyo busy nanaman kami
"Teh ano nanamang kagagahan iyan nangiti ka nanaman mag isa" saad ni Trinity habang kumakain ng kwek-kwek
"Mas tanga ka di ka nga napapansin ng crush mo"
"Wow nagsalita si tanga din"
"Alam mo ang pangit ng ugali natin tara na nga malalate nanaman tayo kakalamon mo"
Tumakbo na kami sa corridor dahil 2minutes nalang bell nanaman
Makalipas ang ilang oras dismissal na din kaya naman nagpaalam na kami sa teacher bago nagligpit ng gamit
Napatingin naman ako sa aking cellphone ng biglang umilaw dito at isinaad na nagtext si Jaylen mabilis ko naman itong dinampot at napangiti ng todo
Jaylen:
playground after ng dismissal mo"Ano nanamang kahindutan iyan iiwan mo nanaman ako?"
"Ganon na nga una na ako magiging kayo din ni Ashton tiwala lang sa kulangot mo!" sigaw ko sa kanya at kumaripas na ng takbo
Patalon talon pa akong naglalakad ng makita ko na si Jaylen na nakaupo sa swing ay agad na akong umayos at kunwaring natingin sa paligid
"Kumain ka na ba? Eto may binili akong siomai kain tayo" nakangiting saad niya sabay tapik ng katabing swing
"Salamat, pasensya ka na wala akong dala biglaan ka naman kasi nag aya"
"Hayaan mo na yan pagkain lang yan tara na gutom na ako"
Ngumiti naman ako at nagsimula na din kumain
Nakakabinging katahimikan ang nammayani ngayon kaya naman medyo di ako komportable
Lagi kasi kaming nag uusap kaya naman naninibago ako ngayon
"Cleia" napalingon naman ako sa kanya dahil sa pagiging seryoso niya
"Ano yun?" takang tanong ko sa kanya pero nagkamot lang siya ng batok at parang nahihiya
"Alam ko parang mabilis pero matagal na tayong magkaibigan at matagal na din kasing gusto ko sabihin ito sayo"
"Ano nga matagal mo na pala gusto sabihin" saad ko ket kinakabahan na talaga ako
"Gusto kita kasi tulad ni Mommy pinaramdam mo saken na di ako nag iisa sa mundo di ako dapat pang hinaaan ng loob di dapat ako makasarili at higit sa lahat dapat matuto akong tumingin sa kapwa"
"So nagustuhan mo ko kasi parang si Tita ako?"
"Parang oo na hindi basta di ko maipaliwanag, sana di ka ma awkward sakin" kagat labi niyang saad at umiiwas ng tingin
"So?" curious niyang tanong sa akin
"So ano? A-" napatigil naman ako ng biglang mag ring ang cellphone ko
"Hello Ma ano po nangyayari?"
"Si P-papa mo a-anak, p-pumunta ka dito sa o-ospital sisend ko sa yung a-address
"Hello Ma! Bakit kayo nanjan eto na pupumunta na ako wag ka na umiyak Ma kalma lang"
Binaba ko na muna ang tawag saka sinabi kay Jaylen ang nangyari agad naman kami tumawag ng taxi at pinapunta sa address na tinutukoy ni Mama
Di ko na napigilan ang sarili ko na maiyak dahil sa binalita ni Mama todo na din ang dasal ko na sana ayos lang ang lahat
Makalipas ang ilang minuto nakarating na din kami, agad naming hinanap ang room ni Papa
Sakto nakita ko naman si Mama pero natigilan ako sa nadatnan ko
Nagmamakaawa si Mama sa harap ni Doc kaya naman agad namin siyang tinulungang tumayo
"Please Doc! Buhayin niyo ang asawa ko! Please babayaran namin kayo kahit magkano please lang!" hagulhol na pagpupumilit ni Mama
Di ko na din napigilan na bumuhos ang luha ko at di pa din makapaniwala sa nangyari lalo na sa sinabi ni Doc
"I'm sorry po pero di na niya kinaya condolence po" napaupo naman sa sahig si Mama kaya naman ganon na din ang nangyari sa akin
Tila bumagal lahat at tanging balita lang ni Doc ang namamayani sa akin
Niyakap naman kami ni Jaylen at pilit itinatayo
Makalipas ang ilang minuto pilit na naming pinapakalma ang sarili at nais ng tingnan ang kalagayan ni Papa
Masakit mang isipin ngunit wala na kaming magagawa pa
Dati pa iniinda ni Papa ang paninikip ng dibdib niya ngunit ayaw niya magpatingin sa doktor
Minsan na ding nag away sila ni Mama pero di pa din siya nag iba ng isip at tanging pahinga nalang ang nais niya
Ngayon di na niya iiinda pa ang sakit dahil pati siya ay wala na
Masakit man sa parte ng aking ina pilit pa din niyang inaasikaso ang burol ng aking ama
Kusa ding tinulungan ni Jaylen ang pamilya ko kaya naman medyo napagaan ang nais ng aking ina
Unang araw ngayon ng burol ni Papa masyadong madaming nalungkot dahil sa biglaang pagkawala ng aking ama
Madami lagi ang bumibisita at nagpapaabot ng pakikiramay pansamantala munang hinahawakan ng Papa ni Jaylen ang company dahil nagluluksa pa din si Mama
Lagi siyang nakatingin lang sa kabaong ni Papa at madalas malipasan ng gutom
Lagi din siyang naiyak mag isa sa kwarto nila ni Papa at tinatanong anong pagkukulang niya bilang asawa
Masakit masilayan ang sariling ina ko na nagluluksa kaya naman pilit kong pinapatatag ang sarili ko para sa kanya
Di ako iniwan mag isa ni Jaylen kaya naman naging magaan din ang loob ko
Di ko naman nakitang bumisita si Tita Katelyn ang sabi busy din daw ito kaya di ko nalang inabala pa
Makalipas ang isang linggo ito na ang araw ng paglibing sa aking ama
Di naman maawat si Mama kakaiyak hanggang sa nawalan siya ng malay matapos ang libing
Buong araw lang akong nasa kwarto niya at binabantayan siyang maigi
Sabi ng doktor stress at kulang sa tulog daw si Mama pwede daw siyang madalas hilohin kung di siya agad kikilos para sa kalusugan niya
"Anak magpapakatatag ka sorry kung nagkakaganito si Mama, hindi ko na alam anong gagawin ko" muling hagulhol niya sa akin
"Ma wag ka ngang ganyan sa tingin mo ba matutuwa si Papa kung susuko ka na agad?"
"Pero bakit siya sumuko agad kulang pa ba yung pag aalaga ko sa kanya?"
"Mama wag mo na sisihin ang sarili mo sa ngayon kailangan muna natin magsimulang muli at tumingin nalang sa hinaharap"
"Sana nga ganon kadali iyon anak sana nga mahal na mahal kita anak"
"Mahal na mahal din kita Mama"
Ikaw din Pa, gabayan mo nalang kami ni Mama lagi We love You!.....
BINABASA MO ANG
After We Met Again (PDS#4)
RomanceCleia was a girl who once loved her childhood friend but they ended up breaking because of there status in life, after many years she become a strong woman despite of all the pain she felt before but in a uneccesary time she met again her longtime a...