P-17

381 11 0
                                    

"Please answer the quiz patiently" taimtim naman akong nag iisip ng sagot dahil medyo mahirap ang quiz ngayon ng Prof namin

Nakahinga naman ako ng maluwag ng mapasa ko on time ang aking papel

Nag aalinlangan pa ako sa mga sagot ko dahil feel ko di ko nareview ang mga iyon

Stressed na stressed naman si Trin dahil naprepressure na daw siya sa family niya at kay Ashton

Lagi na daw kasi binabanggit ng mga pamilya nila ang nalalapit na kasal kaya naman kinakabahan na siya at nais na sanang umurong pero di niya pwedeng gawin yun dahil itatakwil siya nila Tita

"Cleia help ano na gagawin ko?" napakunot naman ako ng noo sa kanya at pinapakalma siya

"Kalma basta payo ko sayo gawin mo nalang lahat" tumango tango naman siya at nagpalakad lakad nanaman

"Tara na nga sa library nakakainis talaga sila Mommy botong boto sa walang puso na yun" napangiti nalang ako sa kanya at naglakad na din

Buong araw lagi lang kaming nag aaral dahil pahirap na ng pahirap ang bawat major subjects lalo na at graduating na kami

Naging abala naman si Mama sa kompanya dahil may maliit daw na problema

Tutulong sana ako kaso pinilit na ako ni Mama na mag pokus nalang sa pag aaral para ako na daw hahawak nito sa susunod

Nanghinayang din kasi siya sa pinaghirapan ni Papa ng ilang taon kaya naman sisikapin daw niyang mapalago ito bago pa daw ako makagraduate

Ayaw daw niya ako makitang nagdudusa sa pagkayod na maibalik ang kompanya dahil sila daw ang obligadong gawin ito

"Kain na muna tayo" napatingin naman ako sa oras at tumango sa kanya

Napili naman namin na sa malapit na fastfood nalang kumain dahil may tatapusin pa kaming computation bago umuwi

"Ano na palang ganap niyo ni Paul?" napakunot naman ang noo ko dahil sa biglang pag open up niya ng topic

Si Paul ang matagal ko ng manliligaw, matagal ko na din siya pinapatigil pero di pa din siya tumitigil dahil feel niya daw gusto ko din siya sadyang pakipot lang daw ako

"Nakakainis kaya siya mapilit, ayaw ko nga diba kahit sino namang babae magagalit pag ganon yung lalaki" napatango tango naman siya at napaisip

"Pero pogi naman siya Cleia at mayaman pa, Dean lister din" umiling iling pa din ako at uminom ng coke

"Nako still Jaylen pa din, Bessy talaga kita" napairap naman ako dahil binanggit nanaman niya ang impaktong iyon

"Lumamon ka na nga alam mo namang limitado lang oras natin"

"Eto naman di mabiro, affected pa din naman tsk"

Nung nakaraang buwan lang tumigil na din si Paul sa panliligaw kaya naman guminhawa na din ang buhay ko, pero akala ko lang yun dahil madami akong naging basher dahil sa pang rereject ko sa kanya

Mabilis lang din naman humupa ang bashers ko dahil bali balita daw na naging sila na nung espasol na bully ni Paul makalipas ang dalawang buwan

Di ko nalang siya pinansin at tinapos na ang pagkain

Nag open naman ako saglit ng social media dahil matagal tagal na ng huli akong nakapag open ng mga accounts

Nanlaki naman ang mata ko sa dami ng nag aadd saken galing sa iba't ibang school

Madami din mga messages na buwan na ang nakalipas ng isend nila ito

Inoff ko naman agad ito dahil baka makita pa nila akong online at mag dagsaan ang mga texters

"Anong itsura yan teh tinext ka ni J-"

"Ang daming spam na messages tapos dami din nag aadd kaya nagulat ako"

"Di ka na nasanay daming patay na patay sa beauty mo ghorl"

Umirap naman ako at hinila na siya, uminom pa siya ng unting coke saka na tuluyang lumabas kasama ko

Pagkadating sa campus balik math nanaman kami kaya naman naging tahimik muli kami

Alas otso na ng matapos kami kaya naman nagmadali na kami magligpit dahil rush hour nanaman at mahirap nanamang sumakay

Inabot pa kami ng 30minutos ni Trin bago kami nakasakay sa bus

Di na niya pinasundo yung driver nila dahil gusto daw niya magpahinga na muna ito

Kahit mayaman si Trin, di siya matapobre at laging matulungin sa kanyang kapwa kaya naman siya ang napili kong maging kaibigan ng ganto katagal ng panahon

Pagkauwi ng bahay agad na akong humiga para matulog na

Tulog na si Mama lagi pag dadating ako kaya naman sa almusal nalang kami madalas magkausap

Lumipas ang ilang linggo at nagsimula nanaman ang finals para sa 2nd semester

Gaya ng laging gawi busy nanaman ang lahat at todo aral na dahil sa pahirap na pahirap na mga aralin

Hanga nga ako kay Ashton dahil madali lang siya matuto, sabagay matalino naman siya samantala masipag lang kami mag aral ni Trin kaya naman nakakapasa kami kahit sobrang hirap

"Pass the answer sheets, you may now take your break" agad na kami kumilos matapos sabihin iyon ng aming proctor

"Tara samgyup" nagmadali naman ako agad ng ayain ako ni Trin

Patalon talon pa kaming naglalakad sa hallway dahil sa saya

Pagkalabas ng campus ay agad na kami pumara ng taxi at nagpunta sa malapit na samgyup

Lumipas nanaman ang ilang linggo at balik aral nanaman kami

Sanay naman na kami sa puyatan at kapaguran kaya naman parang basic nalang ito para sa amin

Ang tanging kasiyahan nalang namin ay ang salitang break o di kaya naman ay walang pasok dahil ito lang din ang araw na may maayos kaming tulog at pakiramdam

"Congrats sating lahat!" sigaw ng president namin kaya naman napangiti na kami ng malapad at nagyakapan sa isa't isa

Agad na kaming naupo at nagsimula ng kumain

Inimbitahan kasi kami ng isang kaklase namin sa kanilang restaurant, first time ko din etong matitikman kaya naman malaki ang expectation ng lahat na sobrang sarap nito

Di nga kami nagkamali dahil halos lahat kami ay naka ilang kain dahil sa sarap ng luto

Napangiti naman ng malapad ang mga magulang niya at kinongratulate kaming lahat

Sa wakas malapit ng magbago ang lahat ng paghihirap ni Mama sa mga nakalipas na taon, antayin mo lang Mama gagraduate na din po ako....

After We Met Again (PDS#4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon