P-15

407 9 0
                                    

"Goodluck sa exam anak" saad ni Mama at hinalikan na ako sa pisngi

5 buwan na ang nakalipas ng iwan ako ng walang dahilan ni Jaylen

Nagmamadali na kami ngayon ni Trin dahil exam na namin

Di pa din ako tulad ng dati na masiyahin at masigla sa buhay

Lagi pa din ako ginagabayan ni Trin at laging pinapayuhan na mag move on na

Mahirap dahil matagal ko na siyang gusto pero nakakasawa din na paulit ulit kang iiyak sa taong iniwan ka nalang bigla

"30minutes left answer properly nakasalalay mga buhay niyo sa pagsasagot"

Tahimik ang buong school at tanging ingay lang sa kalsada ang maririnig

Lahat ay kabado dahil malapit na matapos ang 1st yr maaari ka kasing umulit kapag di ka nakapasa sa itinakda nilang result

Una distracted pa ako at wala sa sarili kaya naman muntikan pa akong umulit buti nalang at tinulungan ako ni Trin kaya naman nagising na ako na dapat di ko pabayaan ang pag aaral ko dahil lang sa kalungkutan

"Results will be posted next week, Use your precious time in things that is important, Enjoy"

Napatalon naman sa tuwa ang mga kaklase ko dahil may one week break nanaman kami

Laging puyatan at busy ang lahat ng estudyante kaya naman sobrang saya kapag may break kami

"Anong balak mo sa break natin?" sabat ni Trin at inayos na ang gamit niya

"Stay ulit sa inyo o gusto mo samin naman?" tanong ko sa kanya at zinipper na ang bag

"Sa inyo naman tayo nakakasawa na sa bahay lagi nalang nila binabanggit si Ashton"

"Sabagay malapit na din kasal niyo tutuloy mo ba talaga?"

"Para din naman ito sa kanya kahit eto nalang maitulong ko"

"Ang swerte na ni Ashton sayo ang arte niya lang talaga sarap saktan"

"Nako pabayaan mo na yun tara na"

"Babe teka lang naman bakit mo ko iiwan ng ganito akala ko ba" saad ng babae na gumawa ng eksena

Galit si kuya na jowa niya siguro, nilagpasan nalang namin sila dahil naaalala ko nanaman

"Uy umiiyak ka nanaman kulang nalang bilhin ko na lahat ng tissue sa mundo"

Napangiti naman ako ng konti at tinanggap ang tissue, nagpunas na muna ako ng luha saka siya hinarap

"Pasensiya ka na sadyang masakit pa din"

"Naiintindihan kita tara na ikain nalang natin iyan"

Nagpahila naman na ako sa kanya at pumunta sa malapit na mall

"Magbake kaya tayo namiss ko na gumawa ng cupcakes"

"Diba favorite mo yung cupcakes"

"Oo naman lalo na yung bake ni Tita Melissa"

"Sabihin mo lang pag nagcacrave ka bibilhin ko lahat ng cupcakes sa pilipinas"

"Gaga! Kanina pa ako nagdadaldal ano na break down ka nanaman?"

"May naalala lang ako sige gawa tayo cupcakes tsaka brownies namiss ko na mga pagkain na yun"

"Sige sige tara na!" maligaya naman kaming nagtulak ng cart at namili na ng mga kailangan

Nung unang mga buwan nasanay akong gigising na tatawag siya

Minsan sabay pa kami pumasok o di kaya mag aalmusal muna sa may tapsilugan

Pero tuwing gigising ako sa katotohanan nasasampal ko nalang sarili at sinasabing iniwan ka nga move on nalang tanga

Nalungkot din si Mama sa nalaman niya kaya naman medyo naapektuhan din ang trabaho niya buti nalang nanjan si Trin para pasayahin kami

Kada araw lagi siyang nanjan para pagaanin loob namin kaya sobrang nagpapasalamat ako na nanjan siya sa tabi namin ni Mama

Pagkatapos mamili, agad na kami nagtungo ng bahay at nagsimula ng mag bake

Nanoood muna kami ng mga easy tutorials saka nagsimula

Para ko namang nakalimutan ang sakit na iniinda ko dahil sa pagbabake

Napangiti din ako magdamag ni Trin kaya naman gumaan na ang loob ko

Saktong alas kwatro ng hapon dumating na din si Mama inalok agad namin siya magmeryenda kaya naman tuwang tuwa siya

"Ang ganda naman ng mga gawa niyo Iha, nag set pa kayo ng picnic dito o siya kain na tayo mukhang masarap binake niyo"

Napangiti naman ng malapad si Mama ng matikman na niya ang cupcakes

"Ang sarap natalo niyo na ata si Tita Melissa mo anak"

Ngumiti nalang ako ng pilit at kumain na din

"Tita asan na po yung Melissa na tinutukoy niyo lagi?" Inosenteng tanong ni Trin at ngumiti kay Mama

Natahimik naman si Mama kaya ako nalang ang nagsalita

"Mama siya ni J-jaylen matagal na siyang patay" nanlaki naman ang mata niya at nag peace sign

"Mukhang close kayo masyado ng family nila" tumango tango naman kami sa kanya at kumain na muli

Nagkwentuhan naman sila Mama at Trin tungkol sa negosyo at buhay ni Trin

Nagulat pa si Mama dahil ikakasal na siya after ng college, medyo nadismaya din si Mama para kay Trin dahil ikakasal daw ito sa di naman siya mahal

"Buti nalang di namin naisipan ng asawa ko kailanman na iarrange ang aking anak, kahit mag hirap pa kami di ko didiktahan ang magiging kaligayahan ng anak ko habang buhay"

"Sana ganyan din po ang parents ko kaso wala na po ako magagawa" hinagod naman ni Mama ang likod niya at hinaplos ang kanyang buhok

"Basta maging mabuti ka lang na asawa anak mamahalin ka din niya"

"Sana nga po" niyakap naman kami ni Mama at hinalikan sa ulo

"Ang mga dalaga ko, basta kung saan kayo masaya susuportahan ko kayo"

Napangiti naman ako at humilig na kay Mama, namiss ko na yung mga panahon na puro laro lang ang problema ko at walang ibang alalahanin

Natutunan ko sa buhay na habang lumalaki tayo dumadami din ang problemang kinakaharap natin kaya naman ito ang nagiging susi para tayo ay maging matatag at magtiwala ng buo sa sarili

Buo linggo ay lagi lang kaming nasa bahay ni Trin, sumubok din kaming magluto ng mga putahe sa tulong ni Mama

Tuwang-tuwa naman siya dahil mabilis lang daw kami matuto at pwede na daw mag asawa

Paminsan minsan din ay tinutulungan namin si Mama sa pag sasa ayos ng mga papeles

Balak na din niya ipasara ang kompanya sa oras na makapagtapos na daw ako ng pag aaral

Di pa ako sang ayon nung una pero tinanggap ko nalang din ang desisyon ni Mama, ayoko na din siyang pahirapan pa sa di naman niya gustong gawin

Kaya simula sa araw na ito sisikapin ko ng makalimutan ang nakaraan at abutin ang aking mga pangarap.....

After We Met Again (PDS#4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon