P-3

486 13 0
                                    

"Ano Mama! ngayon na po aalis sila Zelestine pero bakit!?" napabalikwas naman ako ng bangon at agad kumaripas pababa

Narinig ko pa ang sigaw ni Mama mula sa kwarto ko

Sabado ngayon kaya wala kaming pasok, di ko inaasahan ang pag alis ni Zelestine at di ko inaasahan na ngayon yun

"Anak bakit ka nagmamadali anong meron?" saad ni Papa habang nagkakape sa kusina

"Papa totoo po ba ngayon aalis si Zelestine" nalungkot naman si Papa at napabuntong hininga

Tumango naman siya at hinaplos ang aking buhok

"Anak kung may balak kang pigilan sila wag mo na subukan" umiling iling naman ako at napaluha na

"Papa please po pumunta po tayo sa kanila gusto ko po sanang makita si Tin sa huling pagkakataon"

Nagkatitigan naman kami saglit saka siya tumango ng dahan dahan

Sakto naman lumapit si Mama at pinunasan ang luha ko

Binuhat naman na niya ako saka kami sumakay sa kotse, ilang minuto nalang daw ay aalis na si Zelestine

"Mama alam po ba ni Jaylen ito?"

"Oo anak pero di ko alam kung pupunta siya" napabuntong hininga naman ako at naaalala nanaman ang pagiging mailap ni Jaylen sa tao

Isang taon na ang nakalipas ng mawala si Tita Melissa, naging mas masipag sa trabaho si Tito pati si Jaylen ay di na niya naaasikaso, nalulong din si Tito sa alak nun pero tumigil na din siya ng minsan ng bumagsak ang kanyang negosyo

Makalipas ang ilang minuto nakarating na din kami

Naabutan namin ang pagsakay ng mga gamit nila sa van, agad ko namang hinanap si Zelestine na nakatulala sa may garden nila

"Tin!" masiglang bati ko pero di manlang siya lumingon

Lumapit naman ako at tinapik ang balikat niya, bahagya pa siyang nagulat pero bumalik din sa pagiging malungkot

"Di ka ba mag gogoodbye manlang napaka rude mo naman nahawa ka na ba kay Jaylen"

Narinig ko naman ang mumunti niyang pagsinghot kaya naman niyakap ko na siya at pilit na pinapakalma

"Ayoko magpaalam sa inyo dahil parang kinakalimutan ko na din kayo"

"Ano ba yan syempre di naman mangyayari yun ganon talaga kailangan natin magpaalam ng maayos kasi di lahat ng iniiwan natin magiging masaya kapag di ka manlang nagpaalam"

"Pero ang hirap kasi Cleng ayoko umalis gusto ko lumaki tayong tatlo magkakasama, pano na si Jaylen, wala ng Mommy sa side niya tanging tayo nalang pinanghahawakan niya"

"Nandito pa naman ako basta magpromise ka na babalik" inilahad ko naman ang daliri ko at nag pinky swear

Napangiti naman siya ng bahagya at nagpinky swear na din

"Basta lagi mong gagabayan si Jaylen tsaka wag niyo kong kakalimutan huh"

"Oo naman di ka namin kakalimutan basta bumalik ka okay ba?" napangiti naman kami sa isa't isa at pinunasan ko ang mga luha niya

"Tara na Zelestine malalate na tayo" saad ni Tita sa kanya kaya naman tumayo na siya at naglakad na papunta sa van

"Mag iingat kayo huh wag din sana niyong kalimutan tumawag samin okay ba" saad ni Mama saka niyakap sila Tita

"Behave ka lagi Cleia huh babalik kami" yumakap na din ako ng mahigpit at humalik sa pisngi nila

"Hanggang sa muli mag iingat kayo" kumaway naman na si Tita at Zelestine sa bintana

Sumunod naman ang tingin ko sa van na papaalis ng mataman ko si Jaylen na walang emosyong nakatayo habang nakatitig sa Van na papaalis

"Hala! Jaylen pano ka nakalabas sa bahay niyo?" saad ni Mama pero agad tumakbo ito, agad ko naman siyang hinabol dahil ambilis niyang tumakbo

Narinig ko pa ang sigaw nila Mama pero determinado na kong sundan si Jaylen

Napalinga linga pa ako sa paligid dahil bigla siyang nawala

Napatili naman ako ng biglang may humawak sa braso ko

"Bakit mo ko sinundan?" malamig na saad niya sa akin, payat na siya at mukhang walang maayos na tulog

"Baliw ka ba malamang bigla kang tumakbo tsaka di ka manlang nagpaalam kay Tin, ikaw kaya iniisip niya, buti ka pa nakakatampo"

"Kahit na iiwan niya pa din naman ako eh" saad niya sabay upo sa swing, di ko namalayan na dito pala kami tumigil

Dahan dahan naman akong umupo sa katabing swing at pinagmasdan ang papalubog na araw

"Ikaw ba kailan mo ko iiwan?" nagulat naman ako sa tanong niya at inirapan siya

"Boang ka ba di kita iiwan tsaka san naman kami lilipat?"

Di pa din siya naniniwala kaya naman napairap nalang ako sa hangin

"Masama ba ako Cleia para iwan ng mga mahal ko sa buhay?"

"Hala siya may tatay ka pa tsaka babalik si Zelestine kaya wag ka na malungkot alam kong mahirap pero di lang ikaw ang namamatayan sa mundo"

"Tsk pinapagalitan mo pa ako ngayon?"

"Di naman sa ganon dapat mag isip ka din, si Tito nahihirapan din pero nag sisikap pa din siya para sayo kaya wag mo naman sanang kalimutan na may ama ka pa"

"Pero siya ang dahilan bakit lalong lumala sakit ni Mommy lagi niyang inaaway si Mommy!" nagulat naman ako ng bigla niya akong sigawan

"Teka bakit sakin ka ba nagagalit ako ba tatay mo?"

"Para kasing kinakampihan mo pa si Daddy kesa sakin"

"Di naman sa kumakampi kampi ako ang akin lang dapat wag ka na ganyan isipin mo din nararamdaman ng iba"

"So sinasabi mo na selfish pa ako sa lagay na toh"

"Oo bakit papalag ka? Di sa sinasabi kong kalimutan mo na Mommy mo ang akin lang go with the flow ka na dapat kasi palaki ka palang dapat di ka magpakain sa lungkot, mag aral ka ng mabuti gaya ng gusto ni Tita gawin mo toh para sa sarili mo at kay Tita"

"Para ka ng lola kung mag salita daig mo pa si Manang"

"Eh anong gusto mong gawin ko hayaan ka nalang magkulong sa kwarto mo habang buhay bilang kaibigan dapat chinicheer up ko kayo dahil yun ang trabaho ko"

"Tsk kaibigan" napatungo naman siya at nilaro laro ang mga bato

"Anong sabi mo?" umiling iling naman siya at tumingin sa langit

"Oh siya susubukan ko para sa sarili ko at kay Mommy" napangiti naman ako ng malapad at niyakap siya, nagitla naman siya pero yumakap na din pabalik

"Basta tulungan mo ko" tumango tango naman ako at nagswing

Sakto naman dumating na sila Mama na hinahanap pala kami

"Nako talaga muntikan na kami atakihin sa puso ng makalabas si Iho jusko kang bata ka malalagot kami sa tatay mo" saad ni manang

"Ako na po bahala manang sasabihin namin na isinama namin sa bahay si Jaylen"

"Nako salamat po Ma'am baka matanggal pa ako sa trabaho di oras"

Nagsimula naman na kami maglakad papunta sa kotse napagpasiyahan nila Mama na dun na paghapunan sila Jaylen dahil gabi na din

Kinabukasan nagsimula na din si Jaylen na magsimula muli gaya ng payo ko sa kanya ngunit dapat daw  tulungan ko siya kaya naman wala na akong nagawa at tinulungan na din siyang magbago.....

After We Met Again (PDS#4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon