P-22

455 9 0
                                    

Naalimpungatan naman ako at napahawak sa ulo ko

Napakurap kurap pa ako ng ilang beses at tama nga, nasa kwarto ko na ako 

Agad naman akong tumayo at bumaba sa kusina, ngunit agad din akong nagitla ng may lalaking nagluluto sa kusina namin

Umakyat naman ako agad para tingnan si Mama pero tulog na ito

Kaya naman dahan dahan akong bumaba muli dala ang baseball bat ni Papa at handa na sanang paluin siya ng bigla siyang humarap sa akin

"You're awake, eat this to lessen your hang over" saad ni Lucas at inalalayan ako umupo sa upuan

Titig na titig naman ako sa kanya at pilit inaaalala kung paano niya nalaman ang bahay ko,nilapag naman niya sa gilid ang hawak kong baseball bat at nilapag ang mainit na sabaw

"Bakit ka nandito, asan si Trin?" tumingin naman siya saken at naupo sa harapan ko

"Kumain ka muna bago ka mag alala sa kaibigan mo"

"Mainit pa tsaka kailangan kong malaman dahil papatayin ako ng asawa nun"

Napatawa naman siya saglit at nagsalita ng muli

"I was gonna have a drink with my friends then I so you na walang malay, agad naman kitang sinakay sa kotse at dinala dito, nagising din si Mama mo at nag alala sa kalagayan mo pero sabi ko magpahinga na siya at ako na bahala sayo"

Napasabunot naman ako sa sarili ko at tumingin sa kanya

"Dapat sinabi mo friend lang kita nako kung ano ano nanaman siguro iniisip ni Mama" saad ko at kinagat ang kuko ko

Natawa naman siya at umiling iling nalang

"Nga pala asan si Trin?" naging seryoso naman siyang muli at nagsalita

"Wala kang kasama kaya naman nag alala ako baka nanakawan ka na pero chineck ko naman bag mo at wala namang nawala"

"Si Trin! Kailangan natin siyang hanapin tara na!" saad ko sa kanya at hinila na siya sa kanyang kotse, wala na siyang nagawa kaya naman sumakay na siya sa kotse at pinaandar ito

Agad naman akong bumaba sa kotse at papasok na sana sa bar kaso hinarangan ako ng mga bouncer dahil sa suot ko

Sinamaan ko naman siya ng tingin na di niya napansin dahil kinakausap niya ang mga bouncer

"May kasama pong lalaki yung kasama netong si ma'am kaya po di na namin sila ginulo akala po namin asawa o boyfriend"

"Nakita niyo ba saan sila pumunta" singit ko sa usapan pero tanging iling lang ang sagot ni manong, nagpasalamat naman si Lucas sa kanila samantalang napasabunot naman ako sa aking sarili at pumasok na ulit ng kotse

Piniga ko ang utak ko kakaisip kung saan pwedeng pumunta si Trin maliban sa bahay nila ni Ashton

Pagkapasok ni Lucas agad ko naman siyang pinapaandar ng kotse at tinuro ang address nila tita

Pagkadating kila Tita ay ganon nalang ang pagkagulat ko sa kwinento ni Tita

Agad agad naman akong nagpaalam kay Tita na pupunta kila Ashton baka sakaling nandun na si Trinity

Nag aaalala din ako sa maaaring mangyari dahil minsan na siyang na pagmalupitan ni Ashton

Pagkadating ko ay kitang kita na ang galit sa mga mata ni Ashton, nagulat din ako dahil si Alice ay kasama niya

Napadako naman ang tingin ni Ashton saken at agad lumapit sa akin

"Ikaw! Kasama ka ng asawa ko diba asan siya?! Ang kapal ng mukha mong magpakita dito matapos niyo akong lokohin ng kaibigan mo!" sigaw niya saken na agad kong ikinatakot dahil baka saktan niya din ako

After We Met Again (PDS#4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon