P-20

454 11 0
                                    

"Cleia please bring me the reviews of last year marketing" tumango naman ako at sinunod na kaagad ang utos ni Sir Gueverra

"Good Morning Cleia" bati ng iilang mga katrabaho ko habang tinatahak ko ang daan papunta sa marketing team

"Hi Sandra pwede paki bigay yung last year marketing papers" agad naman siya napalingon saken at ngumiti

"Sige po Miss Cleia wait lang po" tumayo na siya agad at may kinausap na kasama din niya sa team

Dalawang buwan na ang nakalipas ng makapasok ako sa kompanyang ito, madami din akong natutunan makalipas ang panahon

Di rin madali ang gawain ng secretary kaya naman pinag igihan ko talagang matutunan toh ng madaling paraan

"Eto na po ma'am" saad ni Sandra sabay abot ng mga papel, nagpasalamat naman ako saglit sa kanya saka na bumalik sa opisina si Sir

Mabait siya at parang anak na din ang turing sa akin, sabi ng mga matatagal na dito ay wala daw itong anak kaya naman mabait ito sa lahat ng empleyado niya at di ito tinuturing na ibang tao

Limang taon, ako daw ang pinaka mahabang taon sa kontrata dahil pwede na din akong personal assistant ng CEO

Wala namang sinabi si Mama ng malaman niya ito,mababagot din daw siya sa bahay kung di na niya aasikasuhin ang company kaya naman pumirma na din ako

Halos lahat na sila ay nagiging close ko dahil mababait silang lahat gaya ng pinaka Boss namin kaya naman gusto ko din tumagal dito

"Eto na po Sir" napa angat naman siya ng tingin sa akin at ngumiti, pinalapag naman niya sa mesa ang mga papel at sinabing tapusin ko na ang ginagawang portfolio

Agad naman na ako nagpaalam at bumalik na sa aking opisina

Pagkaupo ay agad na din ako nagtipa sa aking computer at nag focus na sa aking trabaho

"Ma'am Cleia break po muna alas singko na ng hapon" saad ni Vanessa sabay lapag ng kape sa aking table

"Nako salamat Vanessa di ko na din namalayan ang oras"

"Nako dadaigin mo na ata si Sir eh, sige na ma'am may tatapusin pa din po kasi ako enjoy po, nga pala may extra cake pa po sa baba kunin niyo nalang po nakalimutan ko kasi, sorry"
saad niya at nagpeace sign pa, natawa naman ako ng bahagya sa kanya

"Nako ayos lang iyon sige na ako nalang kukuha, ilang oras na din ako nakaupo eh"

Agad naman na siyang tumungo at lumabas, nag inat inat naman ako ng katawan saka prinint na ang ginawa

Habang nag aantay na matapos ang print nakaramdam naman ako ng gutom kaya tumayo na muna ako saka bumaba para kuhain ang sinasabi niyang cake

Napangiti naman ako dahil nakita ko ito agad sa mini ref, kumuha naman ako ng kutsara at kinain na ito habang pabalik ako sa aking opisina

Matapos kong mastapler ang ginawang portfolio ay agad ko na itong iniwan sa opisina ni Sir

Maaga daw itong umuwi dahil nagka emergency daw bigla

Umuwi na din ako agad matapos masara ang aming mga opisina

Mabilis lang lumipas ang buwan at malapit na matapos ang taon

Gaya ng laging gawi ay ganon pa din ang ganap ko sa kompanya

"Hija halika dito" napa angat naman ako ng tingin kay Sir at naupo sa kanyang harapan

"Mawawala ako ng ilang buwan" napakunot naman ako ng noo sa sinabi ni Sir at nagtanong bakit

"Malala na ang lagay ng asawa ko kailangan na niyang ipaopera sa states" nanlaki naman ang mata ko at napatakip din ng bibig

Kaya pala laging maaga si Sir nauwi dahil inaalagaan niya sa ospital ang asawa niya

"Pero pano na po ang kompanya?" hinawakan niya naman ang kamay kl at ngumiti ng tipid

"Yung pamangkin ko muna ang hahawak nito kaya sana di ka mahirapan sa kanya at wag mo na ako alalahanin okay ba?" nag alinlangan naman ako pero tumango nalang din sa huli

"Kailan po kayo aalis?" nag aaalalang tanong ko at may bahid ng lungkot

"Sa linggo ng umaga na Iha madami pa kasi kami aasikasuhin sa states dahil matagal na ng huli naming bisita doon"

Biyernes na ngayon kaya naman 2 araw nalang aalis na si Sir na pangalawang tatay ko na din

Kinakabahan din ako sa magiging  substitute niya dahil baka masungit ito at tapunan ako ng papel gaya ng napapanood ko sa mga drama

Naalala ko naman bigla ang bestfriend ko kaya naman aayain ko siya sa linggo na mag bar

Sabado ngayon at eto na ang huling araw na makakasama ko si Sir Anton

Tamad na tamad naman akong bumangon at walang balak pumasok, kung napapabagal ko lang ang oras ginawa ko na sana

Di ko pa din tanggap na mag iiba na ang boss ko kaya naman nagpagulong gulong pa muna ako sa kama saka kumilos

"Almusal na anak kamusta trabaho? Teka parang tamad na tamad ka ngayon may sakit ka ba?" saad ni Mama sabay hipo ng noo ko

Umiling iling naman siya at naupo na din sa mesa

"Aalis na siya Mama pamangkin na niya pagsisilbihan ko" malungkot na saad ko at tinusok tusok lang ang pagkain

"Bakit daw?" kuryosong saad ni Mama at kumain na

"Mas sakit daw kasi si Ma'am Ashiana malala na daw kaya mag iistay muna sila sa states"

Tumango tango naman si Mama at uminom ng tubig

"Pogi daw?" nang aasar na saad ni Mama sa akin kaya naman nawala unti ang lungkot ko

"Mama parang ewan ano ba nainom mo ngayon?" tumawa naman si Mama dahil sa reaksyon ko 

"Anak oras na, malapit na din ako tumanda isa pa matagal ng wala kayo ni Jaylen di ka pa din ba nakakamove on? Pambihira"

Bigla naman sumagi sa isip ko si Jaylen ngunit agad ko din itong ikinailing at kumain nalang

"Nako ang anak ko marupok, umaasa pa din sa wala"

"Mama naman eh, ayoko pa nga muna kasi nakakainis ka" tinawanan lang ako ni Mama kaya naman tinapos ko na ang pagkain at nagtoothbrush saglit

Kahit sa pag alis ko inaasar pa din niya ako kaya naman nakabusangot ako pagdating sa opisina

Nagitla naman ako at napatingin sa mga kababaihan na parang mga high school kung mag chikahan about sa poging nilalang na nalaglag daw sa lupa

"Nakaka lungkot ang biglang pag alis ni Sir pero blessing naman ang pumalit!" tilian ng mga katrabaho ko kaya naman nanlaki ang mata ko at agad ng sumakay ng elevator

"Where is she, sabi ni Tito responsible ang secretary niya pero eto late na siya ng 10mi-" napadako naman ang tingin nila sakin ng buksan ko ang pinto

"You are late Miss Azumirez" said by a man with a cold tone. His gaze is so imidating so as his posture and every movements he do....

After We Met Again (PDS#4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon