P-13

380 8 0
                                    

"Congrats sayo ulit Jaylen" saad ni Trin sa kanya

Sa wakas matapos ang dalawang taong puyatan college na din kami

Naghahanda na din kami dahil alam kong mas mahirap pa ito kesa sa senior

Isa pa course na ang kukunin namin kaya naman doble dobleng pagtyatyaga na talaga ang kailangan para makapagtapos na kami ng tuluyan sa pag aaral 

"Tara na mga anak nag handa ako ng munting salo salo sa bahay tara na!" napangiti naman kami kay Mama at sumama na sa kanya

"Punta tayo Intramuros?" napalingon naman ako kay Jaylen dahil sa binulong niya

Tumango naman ako kaya napangiti siya ng malapad

Kumain na muna kami at nagpasalamat sa mga inihanda ni Mama

"Sige iho basta wag magpapagabi" nagpaalam naman na kami ng maayos bago umalis papunta sa manila

Malapit na din ang third anniversary namin kaya naman nilulubos na namin ang paglabas labas ng isang buwan dahil magiging busy na kami buong taon kakaaral

Maaari na din na once in a blue moon na kami magkita or worse never

Gaya ng dating ginising nanaman niya ako dahil nakatulog nanaman ako

Una naming pinuntahan ang simbahan at nagdasal

Sunod naman ang fort santiago na bagong bukas lang para sa publiko

Nagrenta naman kami muli ng bike at nilibot ang paikot ng intramuros

Makalipas ang ilang oras kumain muli kami sa paborito naming pilipino restaurant

Alas singko palang ay napasyahan na naming umuwi para makapagpahinga na dahil tuloy tuloy na ang mga lakad namin

Pinahintulutan naman siya ni Tito na isang linggong pahinga dahil di na daw niya nakikitang ngumiti muli ang kanyang anak dahil madalang nalang daw kami magsama

Buong isa linggo gala lang kami ng gala ni Jaylen sa kung saan saan

Foodtrip dito lakad doon picture dito ride doon

Matapos ang isang linggong laging pag gala ay napagpasyahan namin na magpahinga muna at magdate nalang sa mga restaurant

Gaya ng dating bakasyon nandito nanaman ako kila Trin ng isang linggo  at nagpapatulong ng pwedeng iregalo kay Jaylen

"Mukha ba akong giftshop teh, tao ako teh tao" tinuro turo niya pa ang sarili niya at nagdrama na kunwaring naiiyak

"Mag susuggest ka ba o hindi?" pagbanat ko naman sa kanya dahil nagiging madrama nanaman siya

"Sabi ko nga couple bracelet naman para perfect na diba" napaisip naman ako sa suggestion niya at sa huli ay yun nalang din ang napagpasyahan kong bilhin

Tinulungan naman niya ako maghanap sa internet at sakto may makakapagdeliver agad this week agad ko naman na itong pina set up at inorder

Nag apir naman kami ni Trin at nagkwentuhan nang muli tungkol sa mga buhay namin

Lumipas nanaman ang linggo at anniversary nanaman namin, nagtaka naman ako dahil sabi niya manonood lang kami ng movies ngayon kaya naman inayos ko nalang ang guest room namin at nag handa ng snacks

Saktong pagtapos ko mag ayos ay pagdating na din niya

Napansin ko naman na parang matamlay siya kaya naman nag alala ako sa kanya pero sabi niya napuyat lang daw siya dahil nag away daw si Kuya James at Tita Katelyn

Tinanong ko pa siya ano ang dahilan pero di na siya nag atubili na magsalita pa

Maaga naman umalis si Mama kaya naman kami lang ang tao sa bahay

Nagsimula naman na ang pelikula kaya naman nanood na kami ng taimtim

Naalala ko naman ang regalo ko kaya naman tumayo ako saglit sa kalagitnaan ng panonood namin

Napalingon naman siya sakin at napangiti ng mapansin ang maliit na paper bag

"Babe nakalimutan ko yung regalo ko sayo bibigay ko nalang bukas"

"Ayos lang tara suotin na natin bagay sayo may necklace na may bracelet pa" malapad na ngiti ko sa kanya

Napansin ko naman na parang pilit lang siyang ngumingiti kaya naman tinanong ko siyang muli kung ayos lang ba siya

"Yep don't worry ienjoy nalang natin tong movie marathon natin, sorry di tayo pwedeng lumabas ngayon"

"Bakit naman?" I asked with curiousity and doubts

"Basta may medyo problema lang pero wag mo na abalahin sarili mo"

Kinuha niya naman ang kanang kamay ko at nilagay ang bracelet

Inilagay ko naman ang kanya sa kanyang kaliwang kamay

Napangiti naman ako ng todo kaya naman ginaya na din niya ako

Hinalikan naman niya ang aking noo at niyakap ako ng mahigpit

Nakaramdam naman ako ng lungkot dahil sa yakap niya pero pinabayaan ko nalang iyon

Makalipas ang isang oras bagong pelikula nanaman ang pinanonood namin ngayon

Nakakaiyak dahil sa huli di pa din sila nagkatuluyan dahil nag sawa na ang babae kakapatawad sa lalaki

Nagitla naman ako ng maramdaman na umiiyak si Jaylen

"Okay ka lang ba?" inabot ko naman ang tissue at pinunasan ang mukha niya

Ngumiti naman siya ng bahagya at tinitigan ako

"Habang buhay mo ba akong mamahalin at tanging magiging mahal Cleia?" seryosong saad niya at tila may pinahihiwatig sa akin

"Ano ka ba Babe okay ka lang syempre oo tsaka bakit pa ako maghahanap ng iba kung nandito ka na diba" nagitla naman ako ng yakapin niya ako ng mahigpit at humagulhol sa aking balikat

"I love you so much My Cleia" naiiyak niyang saad

"I love you too Leng, wag ka na umiyak masyado ka namang nadala dun sa pelikula" pang-aasar ko sa kanya para malighten up yung mood niya

Ngumiti naman siya kahit na lumuluha pa din siya kaya naman hinagod ko ang likod niya at pinapatahan na siya

"Pinky swear?"

"Yes pinky swear" tumawa naman kami ng bahagya at nagtitigan na muli

Napapansin ko naman na unti unting naglalapit ang aming mga mukha

Di na niya pinatagal pa at nilapat na niya ang aming mga labi

Milyon milyong boltahe ang nararamdaman ko ngayon dahil sa kilig na hatid ng kanyang halik sa akin

Isang oras na ang nakalipas ng umuwi na si Jaylen dahil sa biglaang pag tawag ni Tito sa kanya

Di ko pa din makalimutan ang labi niya na parang hanggang ngayon ay nakalapat pa din sa akin

Ngunit di ko alam iyon na pala ang una at huli naming halik dahil sa di ko  inaasahang paglisan niya sa aking tabi....

After We Met Again (PDS#4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon