P-23

459 10 0
                                    

Jaylen's POV

"Seniorito Jaylen kumain na po kayo" saad ni manang sa labas, nanatili naman ako sa aking kama at di pa din natigil sa pag iyak

Nagpromise ka Mommy na dadalhin mo kami sa wonderland pero ngayon iniwan mo na ako

Buong linggo akong nagkulong lang sa kwarto at di nakaramdam ng gutom dahil siguro wala na din akong nararamdaman na kahit ano

Mas lalo naman akong naghinagpis ng umalis din si Zelestine, tulala akong nakatitig sa kanilang van na papaalis habang tinatawag ako ni Cleia

Tumakbo naman ako para di niya ako maabutan ngunit nakarating pa din siya sa playground, nagtago naman ako saglit dahil paikot ikot siya kakahanap sa akin

Napatili naman siya ng bigla ko siyang hawakan

"Bakit mo ko sinundan?" malamig na saad ko sa kanya, nakita ko naman ang pagkaawa sa kanya kaya mas lalo akong nainis

"Baliw ka ba malamang bigla kang tumakbo tsaka di ka manlang nagpaalam kay Tin, ikaw kaya iniisip niya, buti ka pa nakakatampo"

"Tsk, kahit na iiwan niya pa din naman ako eh" saad ko sabay upo sa swing, natigil naman siya saglit at umupo na din sa tabi ko 

Napatitig naman kami ng sabay sa papalubog na araw at tinitigan ito

"Ikaw ba kailan mo ko iiwan?" wala sa sariling saad ko at nanatili ang titig sa langit

"Boang ka ba di kita iiwan noh tsaka san naman kami lilipat?" napatingin naman ako sa kanya ng di naniniwala kaya napairap siya sa hangin

"Masama ba ako Cleia para iwan ng mga mahal ko sa buhay?" naiiyak kong saad, napairap naman siya bago magsalita

"Hala siya oh may tatay ka pa tsaka babalik si Zelestine kaya wag ka na malungkot alam kong mahirap pero di lang ikaw ang namamatayan sa mundo"

"Tsk pinapagalitan mo pa ako ngayon?" pinipigilan ko naman tumawa dahil sa reaksyon niya

"Di naman sa ganon dapat mag isip ka din, si Tito nahihirapan din pero nag sisikap pa din siya para sayo kaua wag mo naman sanang kalimutan na may ama ka pa"

"Pero siya ang dahilan bakit lalong lumala sakit ni Mommy lagi niyang inaaway si Mommy!" nagulat naman siya dahil sa bigla kong pagsigaw

"Teka bakit sakin ka ba nagagalit ako ba tatay mo?" ako naman ngayon ang umirap at nagsalita muli

"Para kasing kinakampihan mo pa si Daddy kesa sakin"

"Di naman sa kumakampi kampi ako ang akin lang dapat wag ka na ganyan isipin mo din nararamdaman ng iba"

"So sinasabi mo na selfish pa ako sa lagay na ito"

"Oo bakit papalag ka? Di sa sinasabi kong kalimutan mo na Mommy mo ang akin lang go with the flow ka na dapat kasi palaki ka palang dapat di ka magpakain sa lungkot, mag aral ka ng mabuti gaya ng gusto ni Tita gawin mo toh para sa sarili mo at kay Tita"

"Para ka ng lola kung mag salita daig mo pa si Manang"

"Eh anong gusto mong gawin ko hayaan ka nalang magkulong sa kwarto mo habang buhay bilang kaibigan dapat chinicheer up ko kayo dahil yun ang trabaho ko"

"Tsk kaibigan" napatungo naman ako at nilaro laro ang mga bato

"Anong sabi mo?" umiling iling naman ako at tumingin na muli sa langit

"Siya susubukan ko para sa sarili ko at kay Mommy" napangiti naman siya ng malapad at niyakap ako, nagitla naman ako pero yumakap na din pabalik

"Basta tulungan mo ko" tumango tango naman siya at nagswing na din gaya ko

After We Met Again (PDS#4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon