P-6

413 10 0
                                    

Isang taon na ang nakalipas ng mamatay si Papa mula sa Heart Attack

Mahirap pa din para samin ni Mama pero mas nag look forward nalang kami dahil sa crisis na kinakaharap namin ngayon

Di na ganon kaganda ang state ng company kaya naman pati ako ay naghahandle na din para tulungan si Mama

Pinagsasabay sabay ko ang pag aaral at pagtratrabaho sa company dahil di din na maganda ang kalusugan ni Mama

Ilang buwan din siyang nag suffer sa depression at anxiety kaya naman nagrerecover palang siya mula sa traumang iyon

Kahit mahirap alam kong ako nalang ang tanging lakas ni Mama kaya naman isinantabi ko muna ang pagluluksa ko sa pagkamatay ng aking ama para sa aking ina

Kada buwan ay nagpapatingin kami sa doktor kung ano na ang kalagayan niya

Laking pasasalamat din namin sa tulong ng mga kaibigan ni Papa at nakakaraos pa ang company

Binigyan naman ako ng oras ni Jaylen para makapag isip isip

Di din muna siya nanligaw dahil nga sa sinapit ng pamilya ko

Nakakatuwa na nirerespeto niya ang desisyon ko kahit na mag hintay pa siya ng matagal

"Kamusta na si Tita oks na ba?" saad ni Trinity nandito kami ngayon sa may milktea sa labas ng school dahil gusto niya daw ako ilibre

"Pagaling na daw sabi ni Doc grabeng trauma yun para kay Mama" ngiting saad ko ket pilit

"Nako idol na kita Cleia tingnan mo nakayanan mo lahat ng iyon"

"Salamat din sayo at nalagpasan ko lahat ng ito ang swerte ko sayo"

"Nako ayan ka nanaman basta nandito lang ako lagi para tulungan ka"

"Kamusta kayo ng bebe Ashton mo anong ganap?"

"Hay nako wala namang bago tara na ayan na order natin"

Pagkakuha ng order ay agad na din kaming lumabas para umuwi

Nagitla naman ako ng makita si Jaylen sa may gate at kumakaway saken

"Go na sa kalandian mo support naman ako go na!" saad niya habang tulak ng tulak saken kinurot ko naman siya sa bewang at tumakbo na kay Jaylen

"Kanina ka pa ba jan tsaka bakit mo ko inaantay?"

"Di naman tsaka bakit masama ba?" umiling iling naman ako kaya inaya na niya akong maglakad

Tahimik lang kami habang tinatahak ang daan, nakakagaan ng loob ang simoy ng hangin at pagaspas ng mga dahon at bulaklak

"Kamusta na pala si Tita?"

"Maayos naman malapit na din siya gumaling bakit?"

"Mabuti naman at makakatulog ka na din ng mahimbing"

"Di pa din kaya syempre yung kompanya pa tsaka yung school"

Natawa naman siya at inaya na akong maupo sa playground

"Oh ito favorite mong siomai" nagpasalamat naman ako at nagsimula ng kumain

"Nakatadhana na siguro na maging miserable ang buhay natin" saad niya at tinitigan ang papalubog na araw

"Grabe ka naman maging miserable siguro muntikan lang maging tragic diba?" napaisip din siya sa sinabi ko at napangiti ng bahagya

"Pero malungkot pa din,namiss ko na sobra yung mga kwento ni Mommy, paglalaro natin lagi sa garden, at pagkain ng binabake ni Mommy"

"Kaya nga eh parang kailan lang ang sarap maging bata ulit nakakamiss"

"Pero thankful pa din ako kahit na nasapit natin ng ganon kaagang edad yung mga kaganapang ganon"

"Bakit naman Jay?" napatawa naman siya saglit at tumitig sakin ng taimtim

"Kasi di ako magiging inlove sayo ng ganito kung di kita nakilala at kung di mo ko sinamahan sa lahat ng paghihirap ko sa buhay"

"Hala siya! pero thankful din ako dahil nanjan ka lagi sa tabi ko"

Kinabahan naman ako ng titigan nanaman niya ako ng kakaiba

Unti-unti ko din napapansin na parang nalapit siya sakin kaya naman doble doble na ang tahip ng aking dibdib

Nang isang inch nalang ang layo namin agad ko ng iniwas ang mukha ko dahil sa hiya

Napangisi naman siya at nakataas ang kilay sa akin

"Are you playing hard to get on me Miss?"

"A-anong h-hard to g-get amoy toyo kasi lips ko tsaka mabaho hininga ko" pagdedepensa ko pero tanging tawa lang ang sagot niya saken

"I like that way mas masarap yung lasa pag galing sa lips mo" taas babang kilay niyang saad kaya naman hinampas ko ang braso niya

"Napaka harot mo ano tumigil tigil ka di ka pa nga nanliligaw jan" napatakip naman ako ng bibig at umiwas ng tingin

"Stop being cute baka iuwi kita sa bahay tapos di na kita papaalisin" he uttered and smiling playfully

"Di ako nagpapacute cute na talaga ako" banat ko naman sa kanya

"You're acting to make me crazy on you" he said while staring at me seriously

"Dami mong learn ano tara na gabi na papagalitan na ako ni Mama" pambabasag ko sa kanya

"Basta sabihin mo lang kung kailan ako pwede ng manligaw ok?" he said and smiled.

Tumango naman ako ng dahan dahan at kumaripas na ng takbo

Ramdam ko ang init ng aking buong mukha habang tinatahak ang daan pauwi

Di ko namalayan na nakarating na pala ako sa tapat ng gate namin

Sa lalim ba naman ng iniisip ko buti di ako naligaw

"Tara na anak niluto ko paborito mong ulam" napangiti naman ako ng todo at agad ng naupo sa hapag

"Yey! Afritada tara na Mama kain na tayo" napangiti naman si Mama at naupo na din

Natutuwa ako dahil nag iimprove na si Mama lagi na siyang nangiti at madalas na ding nakilos sa bahay

Malungkot mang isipin pero pinauwi na ni Mama lahat ng kasambahay namin dahil di na din namin sila mapapasahod pa

Ayaw pa sana nila manang pero pinilit na sila ni Mama, wala naman lagi kami ni Mama sa bahay kaya naman madalang lang din ang dumi

Tuwing week ends natulong ako sa paglilinis at paglalaba gaya ng normal na anak

Lumaki akong may mga kasambahay na kaagapay kaya naman sa una nahirapan ako pero natuto din agad at nakahiligan na din

Dito ko na din natuon ang pagluluksa ko, nawala din ang lungkot at napalitan ng bagong saya

Kaya naman gagawin ko ang lahat para makapagtapos at maiahon muli si Mama sa pagdurusa.....

After We Met Again (PDS#4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon