P-26

427 10 0
                                    

"I'll just go to the Board Meeting, finish your work" bilin niya saken saka na pumunta sa kanyang board meeting

Palakad lakad naman ako at kanina pa nag iisip kung sasabihin ko na ba sa kanya na pwede na naming subukan ulit

Naupo nalang ako muli sa upuan at nagsimula na muling magtipa sa aking computer baka sakaling mawala ang aking kaba

Nakalimutan ko naman kumukha ng ink sa baba kaya naman tumayo na ako at naglakad palabas

Ngunit agad din akong nagitla ng bumungad sa akin si Tita kasama si Zelestine

"Nandito ka nanamang babae ka akala ko ba nagbreak na kayo ni Jaylen" mataray na saad nito kaya naman napatungo nalang ako at dadaan na sana pero hinarangan niya ako

"Nasaan ang anak ko?" saad niya at tiningnan ako ng matalim

"He is currently at the Board Meeting ma'am, maupo po muna kayo sa sofa while waiting for him" magalang na saad ko at ngumiti ng bahagya

"And where do you think you're going, you will sit down with us cause we will talk" nagitla naman ako pero sumunod nalang din sa kanya

Nakatungo din si Zelestine at parang malalim ang iniisip nito

"What are you doing here?" tanong niya pagkaupo palang namin

"I'm working here Ma'am for almost 5yrs now and it is my last year"

"Good cause I don't want to see your face again with my son, and by the way did you already know that this woman is already engaged to your boss?" nakangisi niyang saad, ngumiti naman ako sa kanila at nagsalitang muli

"Yes ma'am, that's why don't bother anymore, there's nothing between us with your son"

"Good girl,I don't want any headaches anymore a-" naputol naman siya ng dumating na si Jaylen, nawala naman ang ngiti niya at agad tumabi sa akin kaharap sila Zelestine

"What are you doing here?" tanong niya at tila sasabog na ngayon sa galit

"Are you kidding me I just want to teach this woman a lesson that you ar-"

"I will cancel the wedding and I'm sorry Zelestine but I already planned this"

"What!? You are disrespecting me Jaylen, how dare you! Cancel this important thing" sigaw ni Tita kaya naman agad siyang hinawakan ni Zelestine at pinapahinahon ito

"Tita calm down first please"

"This is not gonna happen and you!" turo niya saken sabay lapit, agad naman siyang hinawakan ni Zelestine at hinarangan naman siya ni Jaylen

"How dare you came back again after all this time" saad niya habang pinipigilan siya ni Zelestine at Jaylen

"Tita please don't make a scandal let's just talk about it without her" pakiusap ni Zelestine, sumenyas naman siya na lumabas muna ako kaya naman agad na akong lumabas at napahawak sa aking dibdib

"Ma'am okay lang po ba kayo?, may narinig po kasi kaming sumisigaw sa loob" saad ni Dessery at inalalayan ako

"Umalis muna tayo dito" tumango naman siya at dinala ako sa opisina niya

Naubos ko naman ang dalawang bote ng tubig dahil di pa din nawawala ang kaba ko

Di ko inaasahan ang araw na ito at ang pag sigaw ni Tita, kahit kailan di ako nasigawan ng nino man maski si Mama kaya naman parang trauma ito sa akin

"Ma'am Cleia pinapatawag po kayo ni Sir Jaylen" saad ni Trish kaya naman tumayo na ako at nagpasalamat kay Dessery

"Nandoon pa yung Mama niya?" tanong ko kay Trish kaya napalingon ito sa akin

"Wala na po ma'am nakakatakot nga po eh kasi kanina nasigawan niya yung isang cleaner natin dahil may putik yung sahig"

Napairap naman kami pareho at natawa dahil sa kaartehan ng step mother ni Jaylen

"Salamat Trish" tumango naman siya at agad ng umalis

Nakita ko namang nakatitig sa labas si Jaylen habang papalubog na muli ang araw, unti-unti naman akong tumabi sa kanya at ginaya na din siya

"Anong nangyari?" pagbasag ko sa katahimikan at tumingin sa kanya

"Let's get married" nakangiti niyang saad na ikinagulat ko naman

"Grabe ka naman agad agad talaga, di pa nga ako nag Oo sayo" saad ko sa kanya dahil nabigla ako sa desisyon niya

Di ko naman napigilan ngumiti kaya naman nagtakip ako ng mukha

"Ok fine, I'll court you again but you are already engaged to me okay?" teka parang ang daya naman ng offer niya

Nagitla naman ako ng bigla niya akong nakawan ng halik at ngumiti ng malapad

"Hoy! Madaya ka" saad ko at inirapan siya

"Edi halikan mo din ako" ngising saad niya at nilapit ang mukha niya. Tinulak ko naman ang nguso niya

"Ano naman mapapala ko kung pakakasalan kita? Baka maging sanhi pa yan para maaga akong mamatay"

"At isa pa di pa tayo nagkakabalikan kaya wala akong rason para pakasalan ka"

"Thats why we are going to a dinner date today" magdadalawang isip pa sana ako pero nahila na niya ako

"Uuwi na ako" pagbibiro ko sa kanya, hinila naman niya ako agad at sinakay na sa kotse, siya na din ang nagsuot ng seatbelt ko at ninakawan nanaman ako ng halik

"Sasapakin na talaga kita isa nalang" pagbabanta ko sa kanya na ikinatuwa naman niya

"Sapakin ng halik?" di ko nalang siya pinansin at inopen nalang ang car window

Ilang minuto lang ang byahe at nakarating kami agad sa restaurant na pinareserve niya

Susulitin ko na ang pagkakataong ito habang di pa siya natatali kay Zelestine

Alam ko namang imposible na magkabalikan pa kami dahil di titigil ang step mom niya hanggang di natutupad ang mga plano niya

Tahimik lang kaming kumain ni Jaylen at nagpahinga sa rooftop ng restaurant

Naaliw naman siya habang kwenekwento ko ang lahat ng nangyari kay Trinity

Lumipas pa ang ilang minuto, inaya niya na akong umuwi kaya naman sumakay na kami sa kotse

Napagod din ako sa maghapong trabaho kaya naman tahimik nalang kami buong byahe

Natapos naman ang araw namin ng puno ng ngiti at pagkakuntento sa mga nalaman namin mula sa isa't-isa

May kaunting pag-asa pa din saken na sana sa pagkakataong ito tuluyan na sana kaming magsama habang buhay pero di ko na bubulagin pa ang sarili ko dahil imposible na itong mangyari pa......

After We Met Again (PDS#4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon