Naalimpungatan naman ako sa ingay ng aking alarm
7:30am na ngayon at teka!
Mag aapply pala ako ngayon at alas otso iyon nako lagot
Agad na akong tumayo at naligo ng limang minuto
Pagkababa ko sa hapag ay naaamoy ko na agad ang masarap na luto ni Mama
"Mag almusal ka muna Iha bago mag apply" ngumiti naman ako at nagsandok na ng makakain
"Kaya mo yan anak basta huminga ka lang ng malalim okay?" tumango tango naman ako at ganadong ganado kumain
Muntikan pa ako mabulunan ng uminom ako ng mabilis ng tubig
Agad na akong umakyat para ayusin ang mga requirements na dadalhin ko
Inayos ko na muna ang itsura ko bago bumaba dala ang mga kakailanganin
"Mama aalis na po ako I love you!" sigaw ko sa kanya at mabilis ng naglakad palabas
7:47am na ngayon kaya naman kabado na akong nag aantay ng taxi dito sa may 7eleven sakto naman may dumating na agad kaya naman sinabi ko na ang address at pinamadali na si Manong
7:53am na ng makarating ako, agad na akong nagtanong sa lobby at umakyat sa sinabi ng receptionist
Kabado naman akong nag aantay sa elevator dahil ito ang una kong pagtatry sa pag aapply
Gusto ko muna magkaexperience bago ko ihandle ang company namin, eto din ang suggestion ni Mama dahil dito daw nagsimula si Papa
Pagkabukas ng elevator ay agad na akong naglakad pa punta sa tinutukoy ng receptionist
Nagulat naman ako sa haba ng pila kaya naman naupo na ako sa pang huli
"Miss kanina pa kayo nandito?" tanong ko sa katabi ko
"Ngayon lang din po ako eh sabi ni ate na nauna saken kakastart lang daw po 10minutes ago" napangiti naman ako kaya ngumiti na din siya
Nagkwentuhan naman kami habang nag aantay ng pila, base nga sa reviews maganda,daw ang company dahil mabait daw ang boss kaso mahirap maabot ang standards nila kaya naman halos magagaling ang mga nag aapply dito
"So may jowa ka na ba Dessery?" umiling iling naman siya at natawa
"Ikaw po ate Cleia may jowa ka na po, base sa itsura mo mukhang meron na"
Natawa naman ako sa sinabi niya at umiling iling din, nanlaki pa ang mata niya at parang di naniniwala
"Matagal na yung huling pag kaka boyfriend ko pa ay nung senior high palang ako"
"Sayang naman po pero bakit po kayo nagbreak?"
Nawala naman ang ngiti ko at nag iwas sa kanya ng tingin
"Nako pasens-" naputol naman siya sa sasabihin niya ng tinawag na siya ng assistant
"Miss Dessery Valenzuela" napataas naman siya ng kaliwang kamay at dali dali ng dinala,ang requirements
"Mamaya nalang po ulit ate" ngumiti naman ako sa kanya kaya pumasok na siya sa loob
Isang oras na din pala akong nandito, di ko namalayan ang oras dahil na aliw ako sa pagkwekwento ni Dessery
Lumipas pa ang ilang minuto at lumabas na din siya, napahawak pa siya sa dibdib niya saka na ako nilapitan
"Kitakits nalang ate Cleia uuwi na po ako" nagpaalam na din ako dahil nagmamadali na din siya
"Miss Cleia Danica Azumirez" tawag ng babae sa akin kaya naman agad na akong tumayo at dinala ang mga papeles
Kabado akong sumunod sa kanya at huminga ng malalim
Bumungad naman sa aking harapan ang isang lalaki na sa tingin ko ay nasa mid 50s na ito
Nakangiti naman siyang pinaupo ako kaya ngumiti na din ako at naupo
"You are hired as my secretary, start mo Iha sa lunes" nanlaki naman ang mata ko sa sinaad niya at tinuro pa ang sarili ko
"Seryoso po ba kayo mag papakilala pa nga lang po ako" natawa naman siya ng bahagya saka nagsalita muli
"No need about that, matagal na kitang Kilala, wag ka din mag isip ng kung ano ano di ako Pedhopile" natawa naman ako ng plastik at di pa din makapaniwala
Isa pa matagal na daw niya akong kilala na ipinagtaka ko pero di ko nalang ito binigyang pansin
"Sige na umuwi ka na para makapagready ka na sa trabaho mo at malalaman mo din ito sa huli"
Napatayo nalang ako ng wala sa sarili at nagpaalam na sa kanya
Hanggang pagbaba ko ay pilit kong inaaalala kung sino siya at bakit matagal na niya akong kilala
Pagdating sa pinto ay napatanong naman ako kay manong guard kung anong full name ng CEO
"Si Sir Anton Louis Gueverra po Ma'am bakit po?" tiningnan naman niya ako mula ulo hanggang paa kaya naman umiling iling lang ako
"Di ko po kasi alam hired pa naman akong secretary niya"
"Ganon po ba Ma'am congrats po sa inyo" nagpasalamat naman ako kay manong at nagpaalam na din
Pinara niya naman ako ng taxi kaya agad na akong nakabyahe pauwi
Sinearch ko naman siya sa mga social media pero madaming nalabas kaya naman sumuko na din ako sa huli
Di ko din namalayan ang byahe kaya naman pag angat ko ng tingin ay nakarating na ako agad sa aming bahay
Nagbayad na muna ako kay manong saka bumaba, sakto naman nagtapon si Mama ng basura kaya naman napagbuksan niya ako ng gate
"Anak kamusta interview?" napangiti naman ako kay Mama ng malapad at niyakap siya ng mahigpit
Nagitla pa siya nung una pero niyakap na din ako pabalik, humiwalay naman ako sa kanya at hinawakan ang kanyang dalawang kamay
"Magsisimula na ako sa Lunes Mama!" napatakip naman si Mama ng bibig at niyakap akong muli
"Congrats anak ko nako salamat sa diyos!" inaya ko naman siyang pumasok dahil mainit dito sa labas
4:30pm na pala kaya naman nandito na si Mama dahil tapos na daw ang trabaho niya sa kompanya
Kasalukuyang nagluluto ngayon si Mama ng meryenda dahil nais daw niyang magcelebrate kami sa pagkakaroon ko ng trabaho
"Pero anak parang ang bilis naman ng pagkaka hired mo diba aapprove pa yan ng ilang days?"
"Yun nga din po ang pinagtaka ko Mama eh hired na daw ako kaya di na ako nagreklamo baka bawiin pa diba"
"Hayaan na natin basta ang mahalaga meron ka ng trabaho basta wag ka magpapakapagod, ginagawa mo lang toh pang experience okay?"
"Opo Mama tara na kain na tayo namiss ko na cupcakes mo at brownies"
Masaya naman kaming nagmeryenda ni Mama at pinagusapan pa ang dapat kong gawin sa paghahanda sa pagpasok sa trabaho
Sa wakas, matutupad na din ang matagal ko ng hangarin at matutulungan na si Mama sa abot ng makakaya ko.....
BINABASA MO ANG
After We Met Again (PDS#4)
RomanceCleia was a girl who once loved her childhood friend but they ended up breaking because of there status in life, after many years she become a strong woman despite of all the pain she felt before but in a uneccesary time she met again her longtime a...