P-14

377 12 0
                                    

"Absent nanaman siya Cleia" paupong saad ni Trin sa aking tabi

2nd day na ngayon ng 1st yr namin sa college pero di pa din napasok si Jaylen

Nakakapagtaka nga, di rin siya macontact sa cellphone kaya naman alalang alala na ako sa kanya

"Kung pumunta na kaya tayo sa bahay nila?"

Balak ko talaga iyon pero wala akong free time kahapon kaya naman sumang ayon na ako kay Trin na after class ay pupuntahan ko na siya

Baka may sakit o kaya naman problema sa company nila

"Baka may babae na siya kasi di natin macontact lahat diba malay mo nagta-"

Binatukan ko naman siya kaya nanahimik siya, di naman magagawa yun ni Jaylen kasi nagpromise siya

"Gaga tara na nag bell na lagot tayo" nabalik naman ako sa ulirat at tumakbo na din

"Class dismiss don't forget the research" paalala ni Prof Sanchez bago umalis

Agad na kaming nagpaalam at nag inat na, makalipas ang ilang oras na nakaupo lang ay uwian na din

Hinatak ko na si Trin na di pa tapos sa pag aayos, sumakay na kami ng bus papunta sa bahay nila Jaylen

"Nako sis kabahan ka na baka pagkatok natin yung babae niya magbubukas tapos magsasampalan kayo"

"Ang oa mo alam mo yun baka may sakit lang" pambobola ko sa sarili ko kahit na nag ooverthink na ako dahil sa mga pinagsasabi ni Trinity

"Ikaw bahala basta ako may hinala ako" pangsusulsol niya pa kaya naman napasinghap nalang ako

Inirapan ko nalang siya at nanahimik nalang buong byahe

Makalipas ang ilang minuto bumaba na din kami sa bus station at naglakad na papasok sa subdivision

"Malapit na ba tayo" hingal na hingal na saad ni Trin

Unti-unti ng parang nadudurog ang puso ko dahil sa nakikita ko ngayon

Nakakandado lahat ng bintana at pintuan ng bahay nila

Wala ka ring makikitang ni isang tao man lang

At higit sa lahat iniwan ako ni Jaylen sa di malamang dahilan

Tuluyan na akong napabagsak sa sahig at humagulhol

"Cleia! Tumayo ka jan malay mo maling bahay lang ito"

Umiling iling ako at pinanghihinaan na ng loob

Inalalayan niya naman ako tumayo at pinunasan ang mga luha ko

"Kumalma ka muna baka lumipat lang sila ng bahay, magtanong tanong nalang tayo sa mga kapitbahay nila"

Walang gana akong sumama sa kanya at umaaasang lumipat lang sila

"Ate" saad ni Trin sa isang ale na nagwawalis sa kanilang bakuran

"Ano yun iha hala! Bakit naiyak yang kaibigan mo ayos lang ba kayo?"

"Opo ako na po bahala sa kanya, tanong lang po sana asan na po yung pamilya dito?"

"Ay kaano ano kayo?" tinabi muna ng ale ang walis at hinarap kami ng maayos

"Mildred pakisuyo naman ng tubig kawawang dalaga namumutla"

"Opo madam wait lang po!" sigaw ng kasambahay ng ale at inalalayan din ako

"Umalis na sila jan sabi sabi pupunta daw ng states ang pamilya ni Daniel"

Parang durog na durog na ngayon ang puso ko dahil sa nalaman muntikan pa akong mawalan ng malay buti nalang nakarating agad yung tubig

"Ikaw ba yung girlfriend ni Jaylen?" mahinahong tanong niya sakin habang hinahagod ang aking likod

"Nako kawawa ka naman kalimutan mo nalang siya Iha mahirap makasundo ang madrasta niya lalo na mukhang may kaya ka lang sa buhay bali-balita kasi matapobre daw iyon"

"Kaya nga tita nako kung ako yan sinagot sagot ko na yan" sinamaan ko naman ng tingin si Trin at pinilit na tumayo

"Maraming salamat po aalis na kami"

"Sige mag ingat kayo mag move on ka nalang anak" payo ng babae sa akin at nginitian nalang ako

Di ko namalayan nakasakay na pala kami ng bus, kanina ko pa di mapigilan ang luha ko

Kaya pala nung huli naming pagkikita umiiyak siya dahil iiwan niya na pala ako. Sinusumpa ko na lahat ng lalaki sa mundo iwan sana kayo ng mga jowa niyo

"Hoy ano yan ang sama ng tingin mo natakot tuloy yung magjowa sayo" saad ni Trinity sa tabi ko

"Maghihiwalay din sila manloloko lahat ng lalaki" wala sa sarili kong saad habang nakatitig sa mag jowa

"Uy! Wag ka nga ganyan mamaya mabash pa tayo dito ganyan ba talaga pag broken?"

Sinamaan ko naman siya ng tingin kaya nanahimik nalang siya

Tulala lang ako sa kawalan at pilit na iniisip anong mali sa akin, sa amin at bakit niya ginawa yun

Maayos naman ang lahat, 3yrs na din kami kaya ang sakit sakit lang isipin na sa isang iglap iniwan niya na lang ako ng walang paaalam

"Cleia baba muna tayo 7eleven bili kita ng comfort foods" wala naman ako naging reaksyon kaya naman bumuntong hininga nalang siya at hinatak na ako bumaba sa tapat ng 7eleven

Nakatulala lang ako sa mga pagkain habang nakaupo sa upuan

Paikot ikot naman siya at halos lahat na ata ng paninda dito ay bibilhin na niya

Lumipas pa ang mga minuto ay bumalik na din siya dala ang maraming plastik

Tinulungan ko naman siya at pumara na ng taxi

Pagkababa namin akala ko ay iuuwi na niya ako pero dinala niya ako sa Moa para daw medyo mabawas bawasan alalahanin ko

Para akong zombie kung maglakad at tingin ko ay parang wala ng sigla ang buhay ko

Samantala si Trin matiwasay lang na naglilibot libot ng tingin at minsan ay napapangiti pa

"Dito na muna tayo maupo ka na" tinapik niya naman ang tabi niya at nilapag na ang mga biniling pagkain at inumin

"Kumain ka lang ng kumain, ubusin mo lahat ng coke basta maging maayos lang pakiramdam mo kahit saglit di kita dadaldalin promise"

Tumingin lang ako sa kanya at nagbukas na ng pagkain at inumin

Di ko nanaman napigilan ang sarili ko na mapaiyak dahil sa nalaman kanina

Tanging paghagod lang ng likod ko ni Trin ang nagpapatigil sa akin

Naubos ko na din ang ilang box ng tissue niya kaya naman nahihiya na ako sa kanya

Alam ko ginagawa niya ang lahat para mapagaan ang loob ko pero di ko pa talaga kaya sa ngayon

Kung kailan mahal na mahal ko na siya

Kung kailan nangako na kami sa isa't isa na hanggang kamatayan magsasama kami

Kung kailan lahat ay nakaayon na tanging tadhana pa din ang nasusunod

At yun ang iwan niya ako ng walang paalam.....

After We Met Again (PDS#4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon