P-2

580 17 0
                                    

"Ready na ba yung bag ni Cleia, manang?" saad ni Mama habang binibihisan ako

First day na namin ngayon kaya naman aga aga palang ay gising na gising na ako

Naeexcite na din ako sa magiging itsura nila Jaylen kaya naman gusto ko sabay sabay na kaming papasok

"Mama di po ba nakakatakot magiging teacher namin" natawa naman si Mama at umiling

"Di naman bad mga teachers anak so don't,worry okay?" ngumiti naman ako at tumango tango

Pagkatapos akong bihisan ni Mama ay agad na kami bumaba para kumain

Sinalubong naman ako ng yakap ni Papa at kinurot ang pisngi ko

"Ang ganda naman ng princess namin excited ka na ba?" tumango tango naman ako at umupo na sa hapag

Mabilis naman akong kumain kaya naman pinagsabihan ako nila Mama na maghinay hinay dahil masyado pa daw maaga

"Nako hon masyadong excited ang anak natin nakakatuwa siya big girl na"

"Pero ako pa rin po ang princess niyo diba" tumango tango naman sila Mama at nagpatuloy na din kumain

Naupo muna ako sa salas dahil maaga pa daw masyado, inayos muna nila Mama ang gagawin nila bago ako ihatid sa kila Zelestine

Nilaan ko sa pagpapractice ng pagpapakilala ang oras, tinuruan naman ako ni Manang kaya di ako nahirapan

Mas nangingibabaw ang excitement ko kesa sa kaba kaya naman di ako napanghihinaan ng loob na mabubulol ako mamaya

"Tara na anak" napatayo naman ako agad at muntikan na maiwan ang bag ko buti nalang agad itong iniabot ni manang at hinalikan ako sa pisngi

"Galingan mo"wika niya at nagfighting sign pa, kumaway naman na ako saka sumakay sa kotse

Makalipas ang ilang minuto nakarating na din kami sa bahay nila Zelestine, gaya nila Jaylen malaki din ito at may garden

Nakita ko naman kaagad sila Tita Melissa at Jaylen sa may garden habang kumakain ng brownies

Bumaba na kami sa kotse at agad na lumapit sa kanila

"Ang ganda naman Cleia bagay na bagay sayo pakiss nga sa cheeks"lumapit naman ako kay tita at nagpahalik sa pisngi

"Bagay na bagay po kay Jaylen yung uniform"

"Alam ko" maikling saad niya at kumain na uli ng brownies

"Jaylen you're so rude" bantang saad ni Tita pero kumain lang ng kumain si Jaylen

"Hayaan niyo na po bipolar po kasi yan"

Natawa naman si Tita at kinausap na muna si Mama, nagdala naman ng brownies sila manang dahil kakagising lang daw ni Zelestine

"Aga aga init ng ulo mo ano ba problema mo?" saad ko kay Jaylen na kanina pa lamon ng lamon

Napatingin naman siya saken pero umiwas din agad, nakita ko naman ang pasimpleng pagpunas niya ng luha

Lumapit naman ako at bumulong sa kanya

"Okay ka lang ba di ka naman kakainin ng teacher natin"

"Di kasi yun ang problema ko Cleng"

"Wag mo nga akong tawaging Cleng nakakasira kaya ng araw, de bale ano ba kasi iniiyak mo? Nabali ba crayons mo n-"

"Basta mamaya sasabihin ko ang ingay mo kasi nakakabadtrip ka lalo"

Na offend naman ako kaya kumain nalang din ako ng brownies

After We Met Again (PDS#4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon