6

4.9K 182 31
                                    

6

Hapong-hapo na ibinagsak ni Fumi ang kanyang katawan sa sofa pagkadating niya sa kanyang unit.

"Gosh, I'm exhausted."

Ginabi na siya ng uwi mula sa Misamis Oriental, kaya naman pagkahatid sa kanya nina Doms sa Prestige ay bagsak ang kanyang katawan.

"Bakit di kaya siya tumawag ngayon?" Malungkot na sabi niya habang nakatingin sa phone.

Ang huling tawag pa ni Ivan ay kagabi nang makarating siya sa Misamis Oriental. Habang hinihintay ang tawag ay naisipan niyang maligo muna at magpalit ng damit pantulog.

Mabilis lamang ang kanyang ginawang pagligo dahil sa inaasahan niyang baka tumawag si Ivan, pero natapos na siyang maligo ay wala pa rin.

Nagstay muna siya ng ilang minuto sa living room dahil baka tumawag pa rin si Ivan bago sila matulog. Hanggang sa marinig niya ang pagtunog ng kanyang wireless landline phone.

"Hello?"

"Hello po, Miss Centeno! Sa lobby area po 'to."

Napatingin sa relo niya si Fumi, it's past 9PM and she is really confused why the lobby area would call her. "Ah, yes?"

"Dumating na po yung delivery niyo from Yellow Cab. Paakyatin ko na po ba yung nagdedeliver?"

Nangunot ang noo niya, "Sa akin?"

"Opo."

"Baka ang manager ko ang nagpadala, sige paakyatin niyo na lang dito, please."

"Sige po."

"Thank you!"

Dali-daling pumunta sa kwarto si Fumi para kumuha ng wallet, mahirap na baka hindi pa nagbabayad si Doms, gawain na yata yun ng boss niya. Ang magpadeliver ng pagkain pero siya naman ang magbabayad.

Pagkatapos ng limang minuto ay narinig na niya ang buzz sa kanyang intercom. Lumapit siya roon at pinagbuksan ang delivery guy.

"Hi! Magkano?" Masiglang bati pa rin niya kahit medyo pagod, hindi siya nakatingin sa nagdedeliver dahil busy siya sa pagkuha ng pera sa kanyang wallet.

"Hi baby."

Natigilan siya sa pagtingin sa kanyang wallet nang marinig ang boses na iyon. Tumingala siya para masipat ang kaharap. Umawang ang kanyang bibig habang nakatitig sa lalaking may asul na mga mata!

"Oh my God." Namamanghang wika niya at pinasadahan ng tingin si Ivan.

Ivan is wearing a complete get-up of a delivery guy! Black baseball cap with the logo of a famous fast food restaurant, black and yellow sweater and black jeans! Hawak-hawak din niya sa dalawang kamay ang isang box ng pizza.

Hinila niya kaagad si Ivan papasok sa kanyang unit. Dinig niya ang paghalakhak niya habang nilalagay sa may entry table ang bitbit na pizza.

Tumili si Fumi atsaka nagtatalong niyakap si Ivan. "You're here!" Nangunyapit siya sa leeg ni Ivan habang pumaikot sa baywang niya ang mga braso ni Ivan.

"I see, my baby misses me too."

Tumango-tango si Fumi, "Super!" Nilapag niyang muli ang mga paa sa sahig at hinarap si Ivan. "Paano ka nagkaroon ng ganyan huh?"

Ngumisi si Ivan at sinipat ang sarili, "I have my ways. Payakap muna." Muli siyang hinila ni Ivan at niyakap siya nang mahigpit at inamoy-amoy ang kanyang buhok. "God, I missed smelling this hair."

Napangiti si Fumi at hinayaan lang na yakapin siya ni Ivan na tumagal ng ilang minuto.

"Ang galing mong magdisguise." Puri niya kay Ivan, habang papaupo na sila sa sofa bitbit ang pizza na totoong may laman!

HRS3: Offered a Hot Romance to the GentlemanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon