10

3.9K 144 20
                                    

10

"Ang ganda ng Haponesa na 'yan!"

Napangisi si Ivan nang madinig niya iyon mula sa kanyang bunsong kapatid na si Ivy.

If only you know Ivy, she will be your future sister-in-law.

"Oo nga, parang kakulay na ng bond paper yung skin tone niya." Dagdag naman ni Irina habang himas-himas ang maumbok niyang tiyan.

Nanatili ang ngisi sa labi ni Ivan habang nanonood sila ng live Magnitune Music Festival.

Nahuli siya ni Ivy na nakangisi habang tutok na tutok ang tingin sa telebisyon, bakit hindi? Eh nakazoom in ang mukha ni Fumi habang mahusay na naghohost sa kanilang palabas.

"Milagro nakikinood ka at di mo kami ginugulong manood ng Diagnosis?" Nakahalukipkip na tanong ng kanilang bunso.

Tumikhim si Ivan at umayos ng upo, "Well, I'm interested with music now."

Naningkit ang mata nina Ivy at Irina, "That's unusual." Bigkas ni Irina.

Nangunot ang noo ni Ivan, "Irina Harley and Ivy Harleen, huwag niyo akong pinagkakaisahan diyan."

Humalakhak lang ang dalawa niyang kapatid at muling nabaling ang tingin sa telebisyon. Muli ay tumikhim na naman si Ivan, "Who's the host?" Kunwari ay tanong niya.

Ngumiti si Ivy, "She is VJ Fumi, her full name is Fumiko Centeno. She's a Filipino-Japanese, I like her style. Marami ang may gusto sa fashion sense niya."

Napangiti naman si Ivan dahil sa narinig, "I see. She's pretty." Very pretty to be exact.

"Oo nga, gusto ko yung smile niya. Iyong kapag ngumiti siya iyong magkabilaang pisngi niya mas nagiging prominent." Singit naman ni Irina, "Lagi ko ngang panonoorin si VJ Fumi para makuha ni baby yung smile niyang nakakatunaw. Tignan mo siyang ngumiti oh!" Sambit ni Irina sabay turo sa screen.

Mas lalong lumapad ang ngiti ni Ivan. Hindi na tuloy siya makapaghintay na masabi sa pamilya niya na siya at si Fumi ay konektado.

"Tingin niyo bagay kami niyang video jockey na 'yan?" Ang tanong na iyon ni Ivan ay nagpalingon sa dalawa niyang magkapatid.

Hindi niya inaasahan ang hitsura ng dalawa, gulat na gulat at para bang tinatanong kung seryoso ba siya sa kanyang sinasabi.

"What's with that look?"

Tinuro siya ni Ivy, "Ikaw? Tapos si VJ Fumi? In your dreams! She's way too gorgeous to be with you. Hindi ka bagay ilabas sa national television o media."

"Hey, that's mean!"

Humalakhak si Irina, "Eh kasi naman Kuya, kaya mo ba? She's somehow popular you know. Eh ikaw pa naman very private at ayaw na may umuusisa sa life mo unless family and friends mo."

"Oo nga." Pagsang-ayon ni Ivy, "Atsaka mas bagay sila ni Mayor Juan Miguel Balmes. Ay!" Nagtitili silang dalawa ni Irina.

Ramdam ni Ivan ang tila pagkulo ng dulo sa narinig sa mga kapatid, pati na rin ang kilig na nadarama nila nang banggitin ang alkalde ng Dapitan City.

"Nakakakilig nga naman kasi yung picture nilang dalawa! May chemistry! May spark!" Sabi ni Irina habang hawak-hawak ang kamay ni Ivy.

"Shut up both of you. Di ko marinig si Fumi."

Humalakhak naman si Ivy, "Wow? Maka-Fumi ka naman Kuya. Close kayo?"

"Shut up! Just shut up." Asar na sabi niya at tumingin na lamang sa telebisyon, nang makita si Fumi sa screen ay nawala ang busangot niyang mukha.

HRS3: Offered a Hot Romance to the GentlemanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon