7 (SPG)

6.2K 206 24
                                    

7 (SPG)

"Welcome to Tokyo!"

Fumi spread her arms as wide as her smile. She looked at Ivan's face and there she sees his breathtaking blue eyes and gorgeous smile.

Lumapit si Ivan sa kanya at pinaikot ang mga braso si Fumi sa kanyang baywang. "Ang ganda naman ng tour guide ko."

Yumakap na rin pabalik si Fumi. It's been a day since they've arrived in Japan, and today they went to the busy capital of Japan which is Tokyo.

Tumingala siya para makaharap ang kasama, "I hope you've had enough sleep. Marami tayong pupuntahan dito sa Tokyo."

Hinawi ni Ivan ang ilang hibla ng buhok na tumatakip sa kanang mata ni Fumi. Marami na ang napapatingin sa kanilang dalawa pero hindi nila iyon binibigyang pansin.

"You boost me up, Fumi. I'll never get tired because you're here."

Di mapigilang mapangiti ni Fumi at pisilin ang ilong ni Ivan, "Halika na nga! Nambobola ka pa."

Hinila niya si Ivan para makapunta sa una nilang destinasyon. Pumunta sila sa isa sa mga pinupuntahang lugar sa Tokyo ng mga turista.

"This is the Meiji Shrine." Nakangiting pinapanood niya si Ivan na kumukuha ng litrato sa lugar. "We should bow to offer our appreciation."

Ginaya naman ni Ivan ang ginagawang pagbibigay-galang ni Fumi sa isang entrance ng altar tapos ay pumasok na sila sa shrine.

Fumi is very happy to tell details about the shrine as they stroll on the walking paths that is indeed relaxing.

"I love the tranquility of the place." Ivan commented when they arrived at a deeper place wherein it is filled of tall trees.

Huli nilang pinuntahan sa Meiji Shrine ay ang tinatawag na Inner Garden kung saan napupuno iyon ng mga mahahalimuyak na mga bulaklak. Hindi sila matigil ni Ivan na kumuha ng mga litrato dahil sa ganda ng lugar.

"This is what they call ema." Fumi showed him a small wooden plaque. "We can write our wishes here then hang it." Next, she gave him a sharpie so he could write his wishes on the wooden plaque.

Nag-abot ng bayad si Fumi sa babaeng nag-abot sa kanila ng dalawang emas. "Ayan, isulat mo diyan yung sa'yo."

Kinuha naman ni Ivan ang isang ema at nagsimulang magsulat doon at ganun din naman si Fumi. Naunang natapos si Fumi kay Ivan, akmang sisilipin niya ang sinusulat ni Ivan pero sinamaan siya ng tingin ng lalaki at tinalikuran siya.

Umawang ang bibig ni Fumi, "Tss! Eh di wag!" Nagdadabog na nauna na siyang isabit ang kanyang ema.

Pagkasabit niya ay nakita niyang papalapit naman din si Ivan doon. Nakapinid sa dibdib ni Ivan ang hawak na wooden plaque, ayaw talagang ipakita ng lalaki sa kanya ang sinulat.

"Bakit ba ayaw mong ipakita?" Tanong ni Fumi habang hinaharang talaga ni Ivan ang likuran habang sinasabit niya ang kanyang wooden plaque na.

"Privacy, Fumi. Hindi ko rin naman tinignan ang sa'yo ah."

She just rolled her eyes, "Alright."

Humahalakhak na inakbayan siya ni Ivan, "Now, what's next?"

Ngumiti si Fumi, "Food!"

"Alright."

In their next activity, Fumi made Ivan taste delicious summer food in Japan. Gaya ng kakigori isang shaved ice dessert at cold ramen.

"Hmm, this cold ramen is not bad."

Fumi nodded, "I know right? Some find it gross, hmp."

"Bakit tuwing summer and winter ka pumunta? Hindi ba mas magandang pumunta sa Japan kapag spring?"

HRS3: Offered a Hot Romance to the GentlemanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon