14
Tatlong buwan.
Tatlong buwan na siyang tila isang stalker na nagkukubli para lang matapos ang araw niya na masilayan ang kanyang mukha.
Napatingin siya sa kanyang orasan, "It's time." Umupo siya nang tuwid atsaka inayos ang suot-suot na baseball cap na itim.
Ilang minuto pa ay lumabas ang dalawang pamilyar na tao, pero isa lang naman ang sadya niya. "Hi, baby." Mahina at sobrang lungkot na usal niya.
Pinagmamasdan niya sina Fumi at Doms na masayang nag-uusap habang papasok sa isang coffee shop. Nang makita niya ang pagngiti ni Fumi ay nahawa na rin si Ivan.
"That should be me baby, making you smile and laugh." Naalala na naman niya ang mga kristal na luha ni Fumi ng gabing iyon.
Inayos niya ang suot niyang jacket at baseball cap atsaka bumaba sa sasakyan para pumunta sa coffee shop. Eksakto bakante ang upuan sa likuran mismo ni Fumi kaya doon siya pumuwesto pagkatapos niyang makaorder ng inumin.
"Malapit na Christmas, Fumi. Do you want to join us in Christmas Eve this year?"
Humigpit ang kapit ni Ivan sa kanyang iced americano nang marinig iyon kay Doms.
No, she won't Dominic. My baby won't join you. How he wish he could say that.
"Aww, thanks Doms but I have plans already."
Hindi alam ni Ivan kung matutuwa ba siya na tinanggihan ni Fumi si Doms o hindi dahil, nabanggit niyang may plano na raw siya.
"Uy, issue ka! May Christmas date ka?"
Nadinig niya ang halakhak ni Fumi, "Secret."
Nalungkot naman si Ivan. Naisip niya kung paano nagagawa ni Fumi ang maging masaya habang wala siya sa tabi niya? Habang siya ay gabi-gabing nagmumukmok dahil wala siyang Fumi na inuuwian o binibisita.
"Hindi naman si ..." Napaupo ng tuwid si Ivan at mas nagpokus sa sasabihin ni Doms, naroong kinakabahan at naeexcite siya. "Juan Miguel Balmes yan ah?"
What the fuck?! The mayor?
"Huh? Si JM?"
Tss, nickname basis. That is so wrong baby.
"Bakit? May iba pa bang JM tayong kilala aber?" Asar na tanong ni Doms.
"Duh, bakit naman siya naisip mo? I haven't talked to that guy since we met him here in the coffee shop." Napangisi at napatango pa si Ivan bago sumimsim sa kanyang iced americano.
"Eh anong plano mo sa Pasko?"
"Wala! Walang plano, okay?" Nakukulitan na sagot ni Fumi.
"Then join me in Tagaytay. Mom wants to have you there." Pagpupumilit ni Doms.
"Fine!"
What?! Fumiko Centeno, that's not the right answer! Nagimbal ang buong kalooban ni Ivan dahil sa sinagot ni Fumi.
Parang gusto nang magpakita ni Ivan doon at kontrahin ang sinabi ni Fumi. Pero ayaw niyang ipahamak si Fumi, baka mamaya may kung ano-anong report o chismis ang lumabas mas lalong magagalit ang dalaga sa kanya.
Pinakinggan niya ang pag-uusap ng dalawa.
"I'll go to the restroom first, Doms."
Nataranta si Ivan nang marinig at maramdaman ang pagtayo ni Fumi kaya dali-dali siyang yumuko at hinintay na lagpasan siya ni Fumi na patungo na sa comfort room.
![](https://img.wattpad.com/cover/238470434-288-k442579.jpg)
BINABASA MO ANG
HRS3: Offered a Hot Romance to the Gentleman
Fiction généraleWARNING: This story contains chapters that are not suitable for young minds. Reader discretion is advised. Meet, Fumiko Centeno, the bubbliest and loveliest video jockey in Asia. She is known for her very charming and heart-leaping smile. Kapag ngum...