19
Ang pamilyar na tunog ng alarm sa kanyang phone ang nagpadilat sa medyo mainit at mabibigat na mga mata ni Fumi.
Mas bumigat yata ang dinaramdam niya kinaumagahan.
Kinapkap niya nang kinapkap ang kama para patigilin iyon pero sadyang masama ang kanyang pakiramdam hanggang sa muli niyang ipinikit ang kanyang mga mata, kasunod niyon ay tumigil sa pagtunog ang kanyang alarm.
Nakalipas ang dalawang oras ulit na pagtulog ay biglang dilat na lamang ni Fumi sa kanyang mga mata.
"I-I'm late." Nanghihinang sabi niya, dapat ngayon ang simula niya sa Accord Today! Kapag morning show pa naman ay dapat maagang-maaga sila.
Dahan-dahan siyang bumangon at doon ay ramdam niya ang matinding pamimigat ng katawan, ramdam din niya ang init na sumisingaw mula sa kanyang balat.
Nadinig niya ang pagtunog ng kanyang phone. Kinapkap niya ang kanyang kama, pero nainis siya dahil hindi niya mahanap-hanap iyong hanggang sa mapagtanto niyang nasa may night stand table lang pala iyon.
"Baka, Fumi." Sa sobrang bigat ng katawan ay pahirapan si Fumi sa pag-abot sa phone. "Hello?"
Napahawak siya kanyang lalamunan dahil ramdam niya ang matinding panunuyo roon.
"Fumiko!"
Nailayo niya ang phone sa kanyang tenga, "D-Doms."
"Alas otso na ng umaga. Where are you?"
"I'm sorry. Hahabol ako? I'm on my—what the!" Hindi namamalayan ni Fumi na merong taong pumasok pala sa kanyang kwarto at ang taong iyon ay hinablot sa kanya ang phone.
Tinangka niyang abutin iyon pero lumayo lang si Ivan atsaka inilagay ang phone sa kanyang tenga, "Hello. This is Ivan."
Nangunot ang noo ni Fumi, akmang babangon siya pero hindi niya magawa dahil nanlalambot talaga ang buo niyang katawan kaya nanatili siya sa kama.
"Yes, Dominic. She cannot make it."
Nagkatinginan silang dalawa, matatalim ang titig ni Fumi habang si Ivan ay bored lamang ang titig sa kanya habang kausap si Doms, "She's unwell. She needs complete rest today. Yes, thank you."
Nang ibalik sa kanya ni Ivan ang phone ay pahablot niyang kinuha iyon, "Ivan, ano ba? Papasok ako." Inilapag niya ang mga paa sa sahig.
"Oh yeah? With that kind of state? You look like a zombie, Fumiko."
Masama niyang tinitigan si Ivan, "Why are you here again? Hindi ba umalis ka na?" Pinagmasdan niya ang kabuuan ni Ivan, nangunot ang kanyang noo nang mapagtantong iyong suot ni Ivan kagabi ang suot pa rin niya. "H-Hindi ka umuwi?"
Imbes na sumagot ay lumapit si Ivan sa kanya at idinampi ang likuran ng palad sa kanyang leeg.
"Mainit ka pa."
"Lagnat lang 'to."
"You're experiencing flu, not just a mere symptom like fever."
Tumayo si Fumi at humakbang papunta sa kanyang walk-in closet, "Paracetamol lang 'to."
Nakakadalawang hakbang pa lamang siya nang mapasigaw dahil sa biglang buhatin siya ni Ivan.
"Ang kulit mo." Mariing sambit ni Ivan.
"Ivan, bitawan mo 'ko!" Kahit anong pagpupumiglas ay di siya binitawan ni Ivan hanggang sa maihiga siya ulit ng binata sa kama.
"Stop being so stubborn. You damn stay there."
BINABASA MO ANG
HRS3: Offered a Hot Romance to the Gentleman
Genel KurguWARNING: This story contains chapters that are not suitable for young minds. Reader discretion is advised. Meet, Fumiko Centeno, the bubbliest and loveliest video jockey in Asia. She is known for her very charming and heart-leaping smile. Kapag ngum...