13 (SPG)
Nagmamadaling isinara nina Fumi at Ivan ang mga bintana upang hindi tuluyang mapasok ang tubig-ulan sa kanilang tinutuluyan.
"Ang lakas ng ulan." Sambit ni Ivan.
Nilapitan ni Fumi si Ivan, "Makakauwi ba tayo bukas niyan?"
Napailing si Ivan, "Hindi safe ang bumaba, madulas masyado." Marahan siyang hinila ni Ivan para yakapin. "Nilalamig ka ba? It's kinda chilly.
"I'm okay."
"I'm sorry, alam ni Doms bukas ang balik mo sa Manila?" Alalang tanong ni Ivan.
"Yeah, pero it's a weekend anyway. Monday pa balik ko sa trabaho." Sagot naman niya at mas yumakap nang mahigpit kay Ivan dahil dama niya ang init na nagmumula sa kanyang katawan.
"Dito ka muna, I'm going to ask for hot coffee." Hinaplos-haplos ni Ivan ang magkabilaang braso ni Fumi para uminit iyon.
"Okay."
Bumalik na muna sa may kwarto si Fumi para kumuha ng kanyang suot na cardigan dahil masyadong malamig ang panahon ngayon.
Mag-aalas singko pa lang ng hapon sa nayon pero parang alas siete na ng gabi dahil sa sobrang kulimlim, iyon pala ay biglang bubuhos ang malakas na pag-ulan.
Mabuti na lang pala at natapos na ni Ivan and dapat tapusin para sa huling araw nila sa lugar, iyon lang ay mukhang hindi sila matutuloy na umuwi bukas pabalik ng Manila dahil sa delikadong sitwasyon ng kanilang dadaanan pababa at marahil ng daan.
"Ma'am Fumi?"
Napatayo sa pagkakaupo sa kama si Fumi atsaka lumabas nang marinig ang boses ni Lyka. "Lyka."
Nakita niyang bitbit ni Lyka ang isang tasa ng kape at napatong roon ang isang sandwich. "Pinadala po ni Dr. Marco."
"Ah salamat." Tinanggap naman niya ang kape pati ang tinapay. "Nasaan siya?"
"Nasa may sakahan po, tinutulungan po niya sina Mang Ferdie. Kaya po pinadala na lang po niya 'to sa inyo."
"Salamat, Lyka. Maupo ka muna."
Tumango naman si Lyka atsaka sila umupo sa may maliit na sala. "Napakaswerte po ninyo kay Dr. Marco. Matulungin po at gentleman."
Napangiti si Fumi habang sumisimsim sa mainit na kape, "Oo nga, marami ngang nagsasabi."
"Swerte din naman po siya sa inyo. Malambing, maganda at maalaga. Bagay na bagay po kayo."
Pabirong hinampas niya sa balikat si Lyka, "Lyka, hah! Kinikilig naman ako."
Natawa naman si Lyka sa kanyang reaksyon, "Marami pong mga matatanda ang natutuwa sa pagsasama ninyo. Sana nga ho ay magkaroon ng kayo ng supling, paniguradong gwapo at magaganda sila."
Tipid na ngumiti si Fumi at kumagat sa sandwich na binigay ni Lyka. Nagpatuloy sila sa pagkukuwentuhan ni Lyka habang patuloy ang buhos ng ulan.
Mukhang natagalan sina Ivan at Mang Ferdie kaya umabot din ng dalawang oras bago bumalik si Ivan sa kubo.
"Ivan, basang-basa ka na. Magpalit ka na ng damit!" Hindi magkandaugaga si Fumi sa pagpunas sa buhok ni Ivan pati sa kanyang katawan.
"Yeah. Medyo natagalan dahil ang daming tumumbang puno, nasira iyong ibang crops." Paliwanag ni Ivan atsaka hinubad ang suot niyang t shirt at sunod ay ang kanyang cargo shorts.
Natigilan naman si Fumi sa pagpupunas kay Ivan nang makita ang magandang pangangatawan ni Ivan. Tila naging hot lalo ang katawan ni Ivan kapag naulanan.
BINABASA MO ANG
HRS3: Offered a Hot Romance to the Gentleman
Ficción GeneralWARNING: This story contains chapters that are not suitable for young minds. Reader discretion is advised. Meet, Fumiko Centeno, the bubbliest and loveliest video jockey in Asia. She is known for her very charming and heart-leaping smile. Kapag ngum...