12

3.6K 142 33
                                    

12

Malapad ang pagkakangiti ni Fumi sa mga taong bahagyang nakatingala sa kanya.

"Hi!"

Kumurap-kurap lang ang kanilang mga inosenteng mata. "Oops, I forgot." Tumikhim siya, "Kablaaw!"

Doon ay unti-unting sumilay ang mga mumunting ngiti ng mga batang nasa harapan niya, "Kablaaw!" Sabay-sabay nilang wika.

Tila kinilig naman si Fumi dahil sa sobrang cute ng kani-kanilang mga boses. Napalingon siya kay Lyka na siyang kasama niya sa isang open nipa hut. "Gandang-ganda po sila sa inyo, Ma'am Fumi."

Hinaplos lang niya sa balikat si Lyka atsaka hinarap ang mga bata, "Ako si Ate Fumi." Pakilala niya.

"Kablaaw, Manang!"

Nagtaka naman si Fumi sa itinawag ng mga bata kaya napalingon siya kay Lyka na napapangiti sa kanyang reaksyon, "Iyon po kasi ang tawag nila sa Ate, Manang po."

"Oh I see." Nilingon niya ang mga bata, "Nakakaintindi kayo ng Tagalog?"

Mararahang tumango ang mga bata, "Sa lugar namin, ang Manang ay Ate."

"A-te." Ulit naman ng mga bata.

"Tama! Ako si Ate Fumi."

"A-te Fu-mi."

Pumalakpak si Fumi at ganun din ang ginawa ng mga bata. "Okay! Magsisimula na tayo. Habang ang mga tatang at nanang ninyo ay nasa kabilang kubo ay dito muna tayo."

"Opo!" Mahabang sagot ng mga bata.

Kinuha nila pareho ni Lyka ang dalawang maliit na batya na may lamang tubig. "Tuturuan namin kayo ni Ate Lyka ng tamang paraan nang paghuhugas ng kamay." Paliwanag ni Fumi at sinimulan ang pagtuturo sa mga bata, na matamang nakikinig at nanonood sa kanila.

"Dapat ay lagi tayong gumamit ng sabon kapag tayo ay maghuhugas ng kamay." Kinuha niya ang isang puting sabon atsaka iyon kiniskis sa dalawang palad upang mamuo ang bula. "Ayan." Sinimulan niyang ipaikot-ikot ang mga kamay tapos ay kiskisin ang bawat pagitan ng kanyang mga daliri.

Natuwa naman silang dalawa ni Lyka dahil ginagaya sila ng mga bata kahit pa wala naman silang sabon o tubig.

"Yey!"

Ginaya naman siya ng mga bata atsaka pumalakpak dahil sa pinuri sila ni Fumi na magaling sumunod sa mga instruction. "Kayo ay matatalinong mga bata. Ngayon, pumila tayo nang maayos."

Si Lyka naman ay inalalayan muna ang mga bata na pumila ng dalawang linya, para iyon sa pamimigay nila ng mga hygiene kit sa mga bata na galing mismo kay Ivan.

"Sige, bago ko ibigay itong regalo dapat ay ..." sinundot ni Fumi ang kanang pisngi, "may matatanggap akong kiss."

Humagikgik naman ang mga bata at tumango-tango.

"Pipila din ako."

Napalingon naman silang dalawa ni Lyka sa bagong dating. Nakita niya ang kinikilig na ngiti ni Lyka atsaka tinignan si Fumi, "Napakalambing po ng asawa ninyo, Ma'am Fumi."

Ngumiti lang siya atsaka hinintay na makalapit sa tabi niya si Ivan. "Hi!" Masiglang bati ni Fumi. "Tapos ka na sa mga oldies?"

Lumitaw ang makalaglag-pangang ngiti ni Ivan, "Not yet. Nagmeryenda muna." Sa harapan ng mga bata at ni Lyka ay niyakap siya ni Ivan. "I've been watching you earlier, you're such a good teacher."

"Kanina ka pa?"

"Yeah, nung nagpapakilala ka tapos umalis din tapos bumalik lang ako ngayon."

HRS3: Offered a Hot Romance to the GentlemanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon