Chapter 1

41 10 1
                                    


Hayaaaaaahaaaaaay, malayaaaaa na ako” sigaw ko habang umiikot sa loob ng apartment na nilipatan ko. Medyo maliit pero okay na'to,  ako ang kokontrol sa buhay ko” patuloy ko

I was graduated high school in Tiaong National High School, valedictorian. Sempre, study first ako at wala akong inatupag kundi ang pag-aaral ko. Nung high school ako, nakatira ako sa bahay ng lola ko. Lola’s girl kase ako kaya love na love ko s’ya. Isa pa, lumaki na ako kasama s'ya pero yung height ko hindi nakikisama.

Yes po, opo, hindi ako katangkaran. Atleast, cute size ako hehe.

Nasa Maynila kase ang kapatid ko kasama si mama at papa. Lagi silang magkakasama habang ako ay naiiwan sa bahay kasama si lola.

February 25, 2007(sabado) ako tumira sa Tiaong, G6 ako noon. Petsa at araw na tumatak sa puso’t isip ko. Buti nalang tinanggap ako sa Tiaong, Elementary School kahit kahit isang buwan nalang ay graduation na. Naki-usap sa Principal ang lola ko na kung maaari ay bigyan nalang ako ng special exam para makahabol at makasali ako sa graduation. Nabigla pa ang mga estudyante dahil naka-perfect score ako sa special exam.

Paano nalang kaya kung hindi kami lumipat?

Paano nalang kaya kung magkasama pa kami ng kapatid ko? Siguro hindi ako hahantong sa gantong sitwasyon

Hindi siguro ako hahantong sa sitwasyong magiging mag-isa lang ako.

Nakatira kami noon sa Sa Jose, Batangas pero sa ibinenta ni mama ang bahay namin kaya napunta ako kay lola.

Anreeeeenaaaaaaaaaaaa!! Di’mo man lang ako tinawagan na lilipat ka, edi sana natulunga kita” sigaw ni Fatima sa labas

Isa si Fatima sa namangha nang ma-perfect ko ang special examinations para makagraduate. Nanlalaki pa mga mata nya noon, kase dinaya ko daw yata iyon.

Ako? Mandadaya sa exam? Never. Iisipin ko palang ay nakokonsensya na ako. Isa pa, yakang-yaka kong sagutan lahat ng tanong sa exam, charot! Ito naman, baka maniwala ka ah hehe.

Simula nang tumira ako sa Tiaong, s’ya lang ang tinuring kong kaibigan bukod sa kapatid ko syempre. Makatira-tira na sa bahay ni lola si Fatima, araw-araw syang nagpapaturo sa akin ng assignments n’ya. Gusto daw nya matulad sa akin na matataaas ang grades, naiinggit daw kase siya. Masyadong competitive si Fatima, ang kagandahan nyan ay hindi n'ya minamadaling makuha ang gusto nya kase alam nyang kailangang paghirapan muna.

“Okay lang, nasan na si Krong?” sambit ko pagkapasok n’ya

Si Krong/Ron ang boyfriend n’ya. Hindi naman sa hinuhusgahan ko si Krong, medyo malambot kase ang galawan niya pero gwapo naman siya kaso nga lang laging hapit na damit ang suot-suot niya. Hindi ko alam kung nahahalata ba ni Fatima? O sadyang pakilamera lang akong talaga.

Nasa School na, sunod nalang daw tayo sa kanya sagot nya

“Oke, tara na? ABM tayo ah, ABM” nakangising sambit ko

Bakit? Ikaw ba ako? Ikaw ba magdedesisyon sa buhay ko?” biro n'ya Sige basta pagagayahin mo ako sa assignments, projects, reports!” sambit nya habang nagbibilang gamit ang daliri n’ya

I'm Blind With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon