“Lola? Nakita nyo po ba ang picture frame ko?” tanong ko kay lola pagkatapos ilagay ang mga gamit sa kotse ni Vince “Yung picture ko po kasama si Elena” patuloy ko
“Hindi ba’t dinala mo sa apartment mo?” sambit ni lola
“Wala po kase, hinanap ko po bago ako bumalik dito” tugon ko
“Oh sya, ako na ang maghahanap dito baka naligwin mo lamang apo” anas ni lola “Mag-ingat kayong dalawa” patuloy ni lola bago ako niyakap, lumapit din si Edward at niyakap ako. Kumaway ako sa kanila bago umalis ang kotseng sinasakyan ko, tumingin ako sa kasama ko at nakita kong nakakunot ang not nito.
“Antok kana ba?” tanong ko “May problema ba?” patuloy ko, inihino niya ang sasakyan at hinarap ako
“Nagseselos ako” seryoso niyang tugon bago niyakap ako “Hindi pa kita nyayakap pero nayakap ka na ng iba” patuloy niya habang nakatingin sa aking mata. Napangiti ako at ginantihan siya ng yakap, kumalas siya sa pagkakayakap at bahagyang hinalikan ako sa aking mata.
Pagkarating naming sa apartment ko ay tinulungan niya akong mag-ayos ng gamit ko. Pinapauwi ko na siya kase gabi na pero nagpupumilit siyang dumito muna.
“Ako nalang nga ang mag-aayos ng gamit ko” pangungulit ko
“Ako na, baka malate ka bukas, matulog kana” tugon niya
“E paano ka?” ani ko
“Anong paano ako e dito ako tutulog sa sofa” sagot niya bago umupo sa sofa “May uniform akong dala sa kotse ko” patuloy niya. Tinulungan ko siya sa pagtutupi ng damit ko, alas-onse na nang makatapos kami. Umupo siya sa sahig at isinandal ang ulo sa sofa, lumapit ako at inabot ko ang isang unan sa kaniya.
“Pwede ba akong humiga sayo?” tanong niya na ikinagulat ko, kinuha ko ang unan at inihampas ko sa kaniya ito.
“Manyak ka, hindi pa tayo pero hihigaan mo na ako?” angil ko habang patuloy ang pag-hampas ng unan
“Teka! Uy” sambit niya habang iniilagan ang unan na hinahampas ko “Ano bang iniisip mo?” natatwang aniya
“Yung ano… yung ginagawa ng mag-asawa” tugon ko “Bakit ano bang iniisip mo? Ano bang ibig mong sabihin” inis na tanong ko dahil tumatawa siya
“Ang sabi ko kase ay kung pwede bang ihiga ko ang ulo ko sa kandungan mo” tugon niya, itinigil ko na ang paghampas dahil napakagod ako “Okay ka lang?” tanong niya
“Pinagod mo ako” tugon ko, umupo siya sa sofa at inilagay ang una sa kandungan niya
“Dito tayo sa sofa matulog, pero kadungan ko ang gawin mong unan mo” sambit niya bago pinagpagan ang unan na nasa kadungan niya
BINABASA MO ANG
I'm Blind With You
Teen Fiction'Love is Blind' Nakakabulag ba talaga ang pagmamahal? Do I believe that 'Love is Blind'? Yes. No. Maybe Yes? Kase kapag nagmamahal, ginagamit ay puso't hindi ang mga mata. Love came from our heart, heart which has no eyes. No? Because I don't under...