“Pwede ba kita………..” naputol ang sinasabi niya ng nasamid ako
Pwede ba kita? Ligawan? Maging girlfriend? Ano?
Teka, assuming naman ng babaeng ‘to.
“Ayos ka ba lang?” tanong niya “Pwede ba kita maging kaibigan?” dagdag niya
Sa totoo lang, ayoko magkaroon ng maraming kaibigan. Okay na ako sa konti atleast totoo, hindi yung madami ka ngang kaibigan hindi naman totoo sayo.
“Kaibiganin mo lang ako, di ako mangungulit sayo” saad niya
May choice pa ba ako? Hindi naman ako tatantanan ng lalaking ito.
“Oo na” simpleng saad ko “No choice e” patuloy ko sabay irap
Sabado ng hapon ngayon, kauuwi ko lang galing sa bahay ni lola. Kinuha ko ang mga damit na lalabahan ko, nagulat ako ng nakita ko ang panyo ni Vince.
Hindi ko pa pala naiibalik ‘to, lalabahan ko nalang muna bago ko ibalik.
•••Tok•••Tok•••tok•••
Nagulat ako nang nakita ko si Fatima na humahagulhol na akala mo’y nagluluksa.
“Anreeeeenaaaaa, bakla sya bakla” iyak na salubong niya kaya niyakap ko siya
“Ang pangit mo umiyak, pumasok ka muna, nakakahiya sa mga tao” pabiro ko
Maganda si Fatima, medyo matangkad siya sa akin, maikli ang buhok niya. Matapang siya loob niya sa lahat ng bagay kaya binibiro ko lang siya dahil alam kong magiging okay din siya. Nabuking na niya siguro si Krong na bakla kaya siguro nagdadrama ‘to. Hindi ko nga alam kung paano sila naging mag boyfriend/girlfriend pero ang sagot niya lang sa akin ay ‘dare’. Lagi kasing go with the flow ang babaeng ‘to, ayan tuloy.
“Anrenaaaa, huhuhu bakla siya” patuloy na pagdadrama niya
“Ngayon mo lang ba nahalata? Kung ano-ano kase ang inaatupag mo” biro ko “Magpahinga ka muna bago natin pag-usapan ‘yan. Nandito lang ako” patuloy ko
Habang natutulog si Fatima sa kwarto ko ay tinawagan ko si Krong.
“Yes, hello?” panimula niya
“Pumunta ka dito” saad ko
“Ano gagawin ko diyan?” tanong
“Yung isa dito, nagdadrama” tugon ko, maya-maya pa’y dumating na ito.
Pina-upo ko muna si Krong habang nagtitimpla ako ng juice.
“Bes, sorry na. Hindi ko na talaga kase kaya” panmula niya
“Alam kong bakla ka nung una palang, sadyang magaling kalang magpanggap bakla ka” biro ko
BINABASA MO ANG
I'm Blind With You
Teen Fiction'Love is Blind' Nakakabulag ba talaga ang pagmamahal? Do I believe that 'Love is Blind'? Yes. No. Maybe Yes? Kase kapag nagmamahal, ginagamit ay puso't hindi ang mga mata. Love came from our heart, heart which has no eyes. No? Because I don't under...