“Congratulations Anrena” sigaw ng mga kaklase ko pagkapasok ko sa classroom. Napakunot ang noo at bahagyang napataas ang kaliwang kilay ko na tila nagtatanong kung anong meron.
Lahat sila ay may hawak na lobo, hindi ko naman birthday pero bakit sila may paganito? Iginala ko ang paningin ko hanggang sa magkasalubong kami ng tingin ni Vince habang siya ay may hawak na lobo. Nakangiti siyang naglakad papalapit sa akin bago inabot sa akin ang pinakamalaking lobo na hawak nito.
“Anong meron? Bakit may lobo?” nagtatakang tanong ko, nakangiti siya sa harap ko bago inabot ang kanang kamay ko.
Last day of schooling ngayon, late ako pumasok dahil wala lang sa akin ang araw na ito. Sa totoo lang, wala akong balak na pumasok ngayon pero pinilit ako ni Vince na pumasok kahit na ma-late ako. Ngayon ko malalaman kung ano ang general average ko, aminado akong mababa lang ang result of general average ko at hindi na ako aasa na maging rank one ako ngayong taon. Sa tingin ko ay ako lamang ang walang gana ngayon araw na ito dahil sobrang tamlay ko.
Nagka-usap na si mama at lola na papupuntahin ako sa Canada, kahit na hindi ko gusto ay wala akong magagawa kundi ang sundin ito. Ramdam ko ang galit ni mama nang malaman niya na bumababa ang grado ko, kung siguro magkaharap kami ay nasampal na niya ako. Hindi siya nakatapos sa pag-aaral niya dahil mas pinili niya ang maging manganganta at pakasalan si papa. Gusto niya siguro ako pinatigil sa pagkanta ay dahil sa naging karanasan niya.
“Ikaw ang star student ng buong Accountancy, Business and Management, masaya ako para sayo” maligaya niyang tugon ngunit lungkot ang akin naging reaksyon. Halu-halong emosyon ang nararamdaman ko, ma parte sa akin na maging masaya, may parte na magkaroon pag-asa ngunit nangingibabaw parin ang lungkot na aking nadarama.
Alam kong bumaba ang written outputs ko, minsan ay lutang ako sa klase dahil hindi ako makapag-pokus sa pag-aaral ko. Hindi gaya noon na walang oras na hindi nakatuon ang aking atensyon sa libro dahil ngayon ay puro si Vince lang ang nasa isip ko. Noong wala pa si Vince sa buhay ko, umiikot lang ang mundo ko sa libro at wala akong pakealam kung anong nangyayari sa paligid ko. Ngunit simula nang dumating si Vince sa buhay ko ay naging masaya ako.
Posible bang si Vince ang sisisra sa pag-aaral ko?
O sadyang ako lang ang nagpapaapekto dahil napapasaya niya ako?
“Ano kaba, alam ko naman na bumaba ang grades ko” pilit ngiti kong sagot bago tuluang pumunta sa upuan at ibaba ang bag ko. Mabigat ang nararamdaman ko dahil ayokong umalis at iwan si Vince dito. Ayoko siyang iwan dahil baka palitan niya ako ng bago.
Pumasok na si Mrs Cortez sa classroom bitbit ang forty-five brown envelopes na pinaglalagyan ng cards namin. Announced na online at posted na sa bulletin board kahapon ang ranking and results ngunit hindi na ako nag-abalang alamin o silipin ito. Sinuot ni Mrs Cortez ang eyeglasses dahil malabo ang mga mata nito bago nito inumpisahan ang kaniyang pamimigay ng envelopes. Yumuko ako nang maramdaman malapit na sa akin ito dahil pilit kong pinipigilang ang nagbabadyang luha sa mga mata ko.
“Congratulations Ms Gonzales, you’re the star student of the year” nakangiting bati nito habang inaabot sa akin ang envelop na may nakalagay na ‘star’. Napatunghay ako at ang ilang butil ng luha na iniida ko ay biglang pumatak mula sa mga mata ko.
“Po? Bakit po? Paano po?” nagtatakang tanong ko habang pinupunasan ang luha ko, ngiti at pagtungo lang ang tugon nito
Nakatulala ako habang pinagmamasdan ang envelop na hawak ko, hindi ako makapaniwala na ako pa rin ang magiging rank one ngayong taon. Ramdam ko ang saya at titig ni Vince na nasa tabi ko ngunit hindi ko nalang pinansin ito. Habang nakatulala ako sa envelop na hawak ko ay bigla nalang tumulong muli ang luha ko. Biglang hinuli ni Vince ang kamay na ipinampupunas ko sa luha ko ngunit agad ko ding binawi ito.
Karapat-dapat ba sa akin ang maging ‘star student’ kahit alam kong hindi para sa akin ito?
Pagkatapos mamaalam sa bawat isa ay agad akong dumiretso sa likod na puno ng mahogany dahil alam kong payapa ang lugar na ito. Umupo ako sa bato na inupuan ko nang unang pagpunta ko rito, hawak ko pa rin ang envelop at nakatitig lang ako sa general average ko.
94.5? Akin ba talaga ang grade na ito? Mataas ang grade ko nung unang semester at nung second semester lang nagkaloko-loko. Last week palang ay nag estimate na ako ng grade ko at ang na-compute ko’y 90.7 lamang kaya ipinagpaalaman ko agad it okay lola. Sinabi niyang pakiki-usapan niya si mama na huwag na akong papuntahin sa Canada ngunit nagalit lamang si mama.
Star student ang tawag sa sino man ang maging rank one ngunit bago ka pangaralan nito ay kailangan maging 95 pataas ang general average mo. Kung sakali mang dalawa kayong makakamit ng 95 ay parehas kayong kukuha ng special exam upang mapili kung sino talaga ang nararapat para sa parangal na ito.
Ramdam ko ang yapak mula sa likod ko at alam ko kung sino iyon. Bahagya niya akong niyakap mula sa likod ko ngunit agad ko ring tinanggal ang kamay nito sa bewang ko.
“Paano nangyare yon?” naiiyak na tanong ko habang si Vince ay nasa likod ko “Mababa ang written works ko, hindi ako makapaniwala sa grades ko” umiiling na patuloy ko, pumunta siya harapan ko para punasan ang luha ko gamit ang likod ng palad nito
“Ay hindi lang naman written works ang pagbabasehan eh” tugon nito, napangiti ako dahil sa tono ng pag-sasalita nito kaya’t kumunot ang noo niya
“Alam ko kase na napabayaan ang ko ang pag-aaral ko dahil..” sambit ko ngunit pinutol ko rin bago yumuko dahil nahiya ako sa nasabi ko
“Dahil ano o dahil kanino?” seryosong tanong nito “Dahil ba sa akin kung bakit bumaba ang gra—“ patuloy niya, agad kong tinakpan ang bibig niya
“Wala kang kasalanan” mabilis na ani ko habang umiiling at bago tanggalin ang kamay sa bibig nito “Wala kang kasalanan dahil gusto ko lahat ng ginagawa mo” patuloy ko habang nakatingin sa mata nito, agad niya akong niyakap kaya’t niyakap ko rin ito.
“Sobrang saya ko….. hindi ka pupunta sa Canada…… hindi kana aalis pa” bulong nito sa tainga ko bago isinubsob ang mukha sa balikat ko
“Hindi ako aalis dahil ayaw kitang iwan” sambit ko bago ko kalasin ang pagkakayap ko
“Hindi ko hahayaan na iwan mo ako, dahil sa oras na iwan mo ako---“ agad kong putol sa kaniya
“Ano?” angil ko “Sa oras na iwan kita anong gagawin mo?” patuloy ko
“Maghahabol ako” mahinang tugon niya habang nakatitig sa mata ko, para akong naiihi habang kinukuryente ang katawan ko nang marinig ang kaniyang sinabi…….
Maging ako, maghahabol ako kapag iniwan mo rin ako……….
BINABASA MO ANG
I'm Blind With You
Teen Fiction'Love is Blind' Nakakabulag ba talaga ang pagmamahal? Do I believe that 'Love is Blind'? Yes. No. Maybe Yes? Kase kapag nagmamahal, ginagamit ay puso't hindi ang mga mata. Love came from our heart, heart which has no eyes. No? Because I don't under...