Habang naglalakad ay sinunod niya ang sinabing hindi siya mangungulit. Tumingin ako sa kanya at nakita kong napakalapad ng ngiti niya.
Nanggagago ba ‘to?
“Oh? Naga-gwapuhan ka sa akin ‘no?” saad niya, hindi ako sumagot at pinagpatuloy nalang ang paglalakad ko
Totoong gwapo siya, maganda ang hubog ng pangangatawan niya, matangkad at malakas ang dating.
“Anre?” nagulat ako sa sinabi niya, tumigil ako sa paglalakad at humarap sa kanya.
“Anrena” pagtatama ko sa sinabi niya
Tulala ako habang patuloy na naglalakad, wala kasing ibang tao ang tumatawag saking Anre, si Vincent. Si Vincent ang bestfriend ko nung bata pa ako. Grade 4 ako at Grade 5 naman siya nang maging magkaibigan kami sa San Jose, Batangas pero umalis ako nung Grade 6 na ako. Hanggang ngayon ay hindi pa din kami nagkikita, pagkagraduate ko ng High School ay pinuntahan ko ang bahay nila, hinanap ko siya pero hindi ko siya nakita.
“Maganda kase kapag Anre, parang Luna Sangre” saad niya “Napanood mo ba yon noong bat aka pa? Favorite ko yon e” patuloy niya sabay tawa
Muli akong natulala, parehas naming paborito ni Vincent ang Laluna Sangre, parehas raw ‘re’ nag huling bigkas ng sangre at anre. Nasaan na kaya siya ngayon? Kamusta na kaya siya?
“O? ayos ka lang ba?” tanong nya habang nakatitig sa aking mga mata
“Ah oo ayos lang ako, may naalala lang akong kaibigan ko” sagot ko
“Sinong kaibigan? Si Fatima?” tanong n'ya
“Ah hindi, ibang kaibigan” sagot ko sabay tingin sa kanya “Matalik kong kaibigan nung bata pa ako na maliban sa kapatid ko” patuloy ko, napansin kong umiwas siya ng tingin.
Napukaw ang mga ko sa isang napakahabang tulay, tumakbo ako papunta rito.
“Grabe ang ganda, ang haba ng tulay na’to” maligayang sambit ko
Ang daming bulaklak sa gilid ng hagdan, medyo malawak ang hagdan kaya maaaring taniman ng mga bulaklak.
“Grabe ang ganda talaga” naiiyak na patuloy ko, lumakad kami ni Vince papunta sa gitna.
“Sikat ba ito?” tanong ko
“Hindi, pribado ang lugar na ito at bawal makapasok ang kung sino sino” tugon niya
“Ha? E bakit tayo pumunta dito? Baka makulong ako?” saad ko
“Bakit ikaw lang? E parehas tayong nandito?” kunot-noong tanong niya
“E kase wala namang tayo” natatawang tugon ko
BOOOOM!! Nakabawi ako
“Tara na” patuloy ko, inaaya ko na siya umuwi kase pribado pala ito. Kahit nagustuhan ko ang lugar na ito ay bawal kaming magtagal dito’t baka may makahuli sa amin.
“Kilala ko ang may ari nito, kilala mo rin siguro siya kaya wag kang mag-alala” seryosong saad niya habang nakatingin sa malinis na ilog sa ilalim ng tulay.
Nang makarating kami sa gitna ng tunay ay naiiyak ako sa tuwa, dahil sa ganda ng lugar na ito.“Ang sarap pala sa feeling na makapunta ka sa lugar na ganto? Lagi nalang kase buildings ng paaralan ang nakikita ko” saad ko
“Hindi ka pa ba nakakapasyal sa ibang lugar na gaya nito?” tanong nya, umiling ako’t tumingin siya sa akin.
“Noong bata pa ako, kasama kong pumasyal ang kapatid ko. Hilig ko ang mamitas ng mga bulaklak pero nagkalayo kaming dalawa. Pero nung nag-grade6 ako, puro paaralan lang ang napupuntahan ko” kwento ko
“Nasan ba ang kapatid mo?" tanong niya
“Ah, nasa maynila siya kasama ang mama at papa ko. Tara don sa, ang ganda ng bulaklak na yon” pag-iiba ko ng usapan "alam mo, mahili ako sa mga bulaklak" patuloy ko
Ramdam ko ang mga titig nya sa akin kaya tumingin ako sa kaniya. Pinipigilan ko ang nagbabagyang luha sa mga mata ko kaya pumitas ako ng bulaklak. Kinuha niya ang bulaklak sa mga kamay ko at inilagay ito sa tainga ko habang nakatitig sa mga mata ko.
“Alam ko. Ang ganda ng mga mata kahit na natatabunan ito ng lungkot na mga nadarama mo” seryosong saad niya
Ha? Pano niya naman nalaman na gusto ko ang mga bulaklak?
Dumiretso kami sa apartment pagkatapos ng klase, hindi na niya ako parating inaasar.
“Magbibihis muna ako” saad ko sa kaniya pagkapasok naming
Dalawang buwan na ang nakalipas, hindi na ako masyadong nakakapunta sa bahay ni lola. Sabi niya kase ay okay lang dawn a dito muna ako para di ako mapagod dahil sa part time job na ginagawa ko. Isa pa, sobrang layo kase ng San Francisco, nakakapagod sa byahe.
Hindi mahirap turuan si Vince, naiintindihan niya agad kapag pinapaliwanag ko. Pinaki-usapan ko siyang huwag muna mang-asar dahil nakaka-distract yon. Buti nalang at nakisabay siya sa mood ko.
“Haaaaayyyyyyy” hikab niya “Madali lang pala ito, buti nalang magaling ka mag paliwanag. Pwede kana maging teacher” patuloy niya, umiling nalang ako.
“Bata palang ako, ako na nagtuturo sa kapatid ko. Pero hindi iyon ang pangarap ko” tugon ko
“Ha, bakit naman? Sayang naman ang talino mo? Ano bang gusto mo?” tanong niya
“Gusto ko kase maging singer” saad ko, nainis ako nang tumawa siya
“Kumakanta ka?” natatawang aniya
“Umuwi kana nga, bukas na ulit” inis na saad ko
Pagkatapos kung kumain ay naligo na ako at nagpahinga. Hindi ko na kailangang mag-aral dahil nareview ko na yung lessons habang nagtututor kanina. Ang galing ‘no? nakakapag-aral ka, may kita ka pa.
Limang araw na akong natuturo sa kanya, hindi ko nga alam kung bakit nagpapaturo siya e alam na naman niya.
“Sigurado ka bang hindi mo alam ang lessons?” tanong ko “Mukha naming alam mo na yung lessons, nagsasayang ka lang ng pera” patuloy ko
“Hindi ko talaga maintindiham” tugon niya sabay iwas ng tingin
Hindi e, alam kong alam at intindi niya ang lessons.
“Huwag mo nalang ako bayadan, alam ko namang alam mo yung lessons. Nagsasayang ka lang ng pera” saad ko
“Paturo ka nalang sa akin kapag may hindi ka maintindihan” patuloy koKahit na naiinis ako sa mga asar niya, inaalala ko parin yung pera niya. Hindi basta basta kinikita ang pera na ibabayad niya sa akin e alam na naman niya ang lessons.
“Talaga ba?” tanong niya, tumango ako.
Tumayo ako para magtimpla ng juice para ipainom sa kaniya. Pagkaabot ko sa kaniya ng baso ay iniligpit ko na ang mga libro ko.
“Anrena?” mahinang tawag niya, lumingon ako sa kaniya “Ano? Mang-iinis ka na naman?” tugon ko
“Nagmahal ka na ba?” seryosong tanong niya “Na-inlove o crush ganon” patuloy niya
“Ah hindi pa, sagabal lang sa pag-aaral” tugon ko “Bakit mo natanong?” dagdag ko
“Wala lang, may nanligaw na ba sayo?” tanong niya, kibit-balikat nalang ang isinagot ko
Hindi ko pa nararanasang magka-boyfriend, wala naman akong mapapala doon. May mga nagrerequest message na gustong manligaw sa akin pero sinasabi ko nalang na ‘tol tomboy ako, hindi tayo talo’ kaya tinitigilan nila ako.
“Pwede ba kita………..”
BINABASA MO ANG
I'm Blind With You
Teen Fiction'Love is Blind' Nakakabulag ba talaga ang pagmamahal? Do I believe that 'Love is Blind'? Yes. No. Maybe Yes? Kase kapag nagmamahal, ginagamit ay puso't hindi ang mga mata. Love came from our heart, heart which has no eyes. No? Because I don't under...