Gumising ako ng maaga upang makapaghanda, November 29 ngayon at magkikita kami mamaya ni Vince sa basketball court.
Pagkatapos ko maligo ay naglagay ako ng make-up at liptint, itinali ko na rin ang aking buhok para malinis tingnan.
Ano kayang susuotin ko? Hindi ako magshoshort dahil ayaw niya, ayoko naman mag leggings dahil hapit ito.
SIguro itong dress nalang ang susuotin ko. Pagkatapos magbihis ay humarap ako sa salamin ngunit nagulat ako ng biglang may kumatok.
Akala ko ba sa court kami magkikita?
Bakit nandito siya?
“Akala ko bas a cou—“ naputol ang sinasabi ko nang makitang hindi si Vince yung nakita ko pagkabukas ko ng pinto “Elena?” naiiyak na patuloy ko
“Ako nga” sarkastikong aniya
“Bakit ka nandito?” tanong ko
“Bakit? Ayaw mo bang nandito ako?” walang emosyong tanog niya ngunit bakas ang galit sa boses niya
“Hindi naman, akala ko kase next year kapa uuwi. Miss na kita” tugon ko sabay yakap sa kaniya ngunit itinulak niya ako
“Huwag mo nga akong lapitan” pagtataray niya
“Galit ka pa rin ba sa akin?” naiiyak na tanong ko
“So, dito ka pala nakatira? Pinilit lang ako ni lola na puntahan ka” pag-iiba niya ng usapan “Anyways, mags-stay ako rito” patuloy niya
“Talaga?” maligayang tugon ko
“Not here, don sa bahay ni lola ako mag-stay” pagtataray parin niya
“Buti nalang umuwi kana” saad ko sabay yapak muli sa kaniya ngunit patuloy niya akong tinulak
“Layuan mo nga ako” pagtataray niya ngunit batid na sa mga mata niya ang luha niya kaya umiwas siya. Pumasok siya sa loob ng bahay at nilibot niya ang apartment ko.
Nagluto ako ng adobo habang nagpapahinga si Elena, parehas naming hilig ang adobo kaya ito ang niluto ko.
Pumasok ako sa kwarto upang gisingin siya ngunit pinigilan ko ang sarili nang making ang himbing ng pagkakatulog niya. Habang iniintay si Elena na magising ay nakaidlip ako at nagising ako nang biglang may nabasag na baso.
“Ayos ka lang ba Elena? May sugat ba?” saad ko habang naglalakad papalapit sa kaniya. Hinawakan ako ang kamay niya ngunit tinulak niya ako
“Kaya ko na ito” sambit niya habang hinuhugasan ang kamay niya
“Bakit mo ba ako tinataboy Elena?” tanong ko, humarap siya sa akin
“E ikaw? Bakit mo ako itinaboy?” galit na saad niya, bumuhos ang namamdyang luha sa mga mata ko nang nakita kong umiiyak na siya
Si Elena ang kapatid na bestfriend ko, ngunit nagkahiwalay kaming dalawa kaya galit siya. Umiiyak ako kapag nakikita kong umiiyak siya.
“Anong pakiramdam kapag tinataboy?” saad niya habang patuloy ang pag-iyak , tumungo ako at hindi sumagot “Bakit hindi ka makasagot? Guilty ka ba dahil sa ginawa mo noon?” patuloy niya
“Hindi ko naman ginusto na itaboy ka noon” nakayukong sambit ko
“Hindi mo gusto? E bakit ginawa mo?” sigaw niya
“Hindi ko ginusto ‘yon, sana naman maintindihan mo yung nararamdaman ko” tugon ko
“Bakit? Ano bang nararamdaman mo?” anas niya “Yung nararamdaman ko ba? Inintindi mo? Sana inisip mo muna kung anong mararamdaman ko bago mo ginawa yon” patuloy niya ngunit patuloy lang ang pag-iyak ko
BINABASA MO ANG
I'm Blind With You
Teen Fiction'Love is Blind' Nakakabulag ba talaga ang pagmamahal? Do I believe that 'Love is Blind'? Yes. No. Maybe Yes? Kase kapag nagmamahal, ginagamit ay puso't hindi ang mga mata. Love came from our heart, heart which has no eyes. No? Because I don't under...