“Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa” sigaw ko nang tumalsik ang tubig sa mukha ko
“Anong nangyare?” natatarantang tanong ni Vince pagkabukas niya ng pinto. Dahil sa kanyang pag-aalala ay binuksan na niya ang pinto ng walang paalam.
“Yung gripo, nasira” ani ko habang pinupunasan ang tubig sa mukha ko, umiwas s’ya ng tingin at ibinaling niya ang tingin sa gripo. Humarap ako sa salamin at napagtanto kong hubo’t hubad pala ako.
“Aaaaaa, labas! Tsupeeee!!!” sigaw ko sabay tulak palabas kay Vince mula sa banyo
Napaka-tanga mo self!! Liligo ka na nga lang, hindi mo pa inilock ang pinto ng banyo.
“Grrrrrrrrrr” inis na sigaw ko
“Ayos ka ba lang?” tanong ni Vince mula sa labas ng pinto
“Oo doon kana sa baba, hindi ka pa ba uuwi?” inis na napapahiyang tanong ko
Pagkatapos kong maligo ay dumiretso na ako sa kama ko, hindi ko yata s’ya kayang harapin ‘no. Humiga ako sa kama at inisip kung gaano ako katangang tao.
“Is it for real?” tanong ko sa sarili ko bago sinampal ang pisnge ko
“Nakita niya ba akong hubo’t hubad kanina?” tanong kong muli sa sarili ko
“Virgin pa ba ako?” isa pang tanong ko
Grrrrrrr! Mababliw na ata ako.
Nakatulugan ko na ang pag-iisip ko, tiningnan ko kung anong oras na. Ala-singko na ng hapon, tumayo ako sa kama at bahagyang sumilip sa pinto ko kung nasa baba pa ba siya. Bumaba na ako nang napagtantong wala na siya
“Siguro umuwi na siya dahil sa naturn-off sa nakita kanina?” saad ko sa sarili “Napaka-bobo ko talaga, bayae na nga! Nangyare na, makakalimutan din n’ya siguro iyon” patuloy ko. Pumasok na ako sa kwarto para humiga, tinabihan ko si Meymey na nakahiga sa kama ko.
“Hi Meymey, Happy New Year” ani ko habang hinahaplos ito “Buti nalang dumating kayo ni Vince sa buhay ko, kung hindi siguro malungkot ako” patuloy ko bago tuluyang makatulog.
“Meoowwww…meoowwww”
Nagising ako nang biglang tumalon ang puso sa may bintana, narinig kong may bumubukas sa pinto ko kaya napatayo bigla ako. Kinuha ko ang walis tampo bago bumaba at silipin kung sinong bumubukas ang pinto.
“Meoww…meowww”
“Baby, shhhh wag ka maingay, may magnanakaw” bulong ko sa pusa
Pagbukas ng pinto ay pumikit ako at inihampas ang walis tambo sa lalaking nasa harap ko.
“Araaaaay” sigaw ng isang pamilyar na boses, boses ni Vince
“Vince? Bakit ka nandito?” tanong ko “Bakit nasa iyo ang susi?” patuloy ko
“Hindi ba’t ibinigay mo sa akin ang dublicate noong nagtututor ka sa akin?” tugon niya “Pwede ba akong makitulog?” patanong na sagot niya sa tanong ko
BINABASA MO ANG
I'm Blind With You
Teen Fiction'Love is Blind' Nakakabulag ba talaga ang pagmamahal? Do I believe that 'Love is Blind'? Yes. No. Maybe Yes? Kase kapag nagmamahal, ginagamit ay puso't hindi ang mga mata. Love came from our heart, heart which has no eyes. No? Because I don't under...