“Anrena?” bungad ni Badeth pagkapasok ko sa classroom, naka-upo siya sa upuan ni Vince “Dito muna ako ah, nakipagpalit muna ako kay Vince ng seat para makapagpaturo ako sayo” patuloy niya, tumango akoInilibot ko ang mata ko sa loob ng classroom, nakita ko si Vince na masayang nakikipag-usap sa mga kabarkada niya.
Kung nakapunta ako kahapon ng maaga, sana nandito s'ya katabi ko ngayon.
Kinuha ko ang libro sa bag ko’t para makalimutan si Vince sa isip ko. Maya-maya pa’y dumating na si Mrs Hernandez. Ang tawag ko sa kaniya ay Ma’am Acctg, sa lahat ng teacher ang itinatawag ko sa kanila ay ang subject na tinuturo nila. Isa siya sa kinatatakutan ng mga estudyante dahil sa baba magbigay ng grade nito.
“Ow, Where is the sun, Ms Gonzales?” pagtataray niya pagkapasok ng classroom, napaka-linaw ng mata niya kaya kahit konting bagay o ibo lang ay nakikita niya. “Can you please take your fucking sunglasses off?” pagtataray habang pinagtataasan ako ng kilay nito
Hindi halod makatingin sa akin ang mga kaklase ko dahil alam naming madadamay sila sa pagtataray ng teacher naming ito. Pinaninindigan ni Ma'am Acctg kung ano ang gusto niya, 'Hernandez wants, hernandez gets' pa ang laging wika niya.
“Sorry Ma’am” saad ko bago tuluyang tinanggal ang salamin sa mata ko. Minabuti kong mag-suot ng salamin sa pamumukto ng mga mata ko.
“Bakit ganan ang mga mata mo? Magdamag ka bang naglusa dahil sa grades mo?” patuloy s apagtataray niya
“Napuyat po kasi ako sa pag-aaral ko kagabi” pagsisinungaling ko, iginila ko ang mata ko hanggang sa napatingin ako kay Vince. Nakatingin siya sa akin ngunit nang tumingin ako sa kaniya ay umias siya.
“Good. Ganan dapat ang inaatupag niyo, ang pag-aaral ninyo” saad nito “At kung may problema kayo ay iwanan ninyo sa bahay n’yo dahil ang poproblemahin n’yo sa akin ay ang grado n’yo” patuloy nito
Pagkatapos ng klase ay nagmamadaling umalis si Vince, siguro iniiwasan n’ya ako dahil sa nangyari.
Isang linggo na niya akong iniiwasan kaya’t napagpasiyahan kong puntahan siya sa kaniyang apartmet upang makausap siya. Buong linggo ay siya parin ang nasa–isip ko, sana mapatawad na niya ako. Nung una ay hinayaan kong iwasan n'ya ako dahil alam kong may kasalanan ako. Ngunit mababaliw na ang buong pagkatao ko dahil sa sobrang pag-iisip tungkol sa lalaking ito.
“Hello po?” bati ko sa isang babaeng nagwawalis sa kalsada “Dito po ba nakatira si Vince?” patuloy ko
“Beans ba kamo?” tanong niya
“Pasensya kana ineng, medyo mahina ang pandinig ko. Maaari mo bang laksan?” patuloy niya kaya tumango ako
“Dito po ba nakatira si Vince?” medyo malakas na tanong ko
“Sinong Vince ineng?” tanong niya
BINABASA MO ANG
I'm Blind With You
Teen Fiction'Love is Blind' Nakakabulag ba talaga ang pagmamahal? Do I believe that 'Love is Blind'? Yes. No. Maybe Yes? Kase kapag nagmamahal, ginagamit ay puso't hindi ang mga mata. Love came from our heart, heart which has no eyes. No? Because I don't under...