Chapter 10

6 4 1
                                    

**FLASHBACK PO ITOOO**

“Anrena! nandito na si mama, patayin mo na ang radio baka mapalo tayo” saad ni Elena habang nakadungaw sa bintana

Si Elena ang kapatid ko, bestfriends ang turingan naming dalawa. Lahat ng hilig naming ay iisa, damit, pagkain atpb.

Parehas naming hilig ang musika, hilig ko ang kumanta samantalang hilig naman ni Elena ang pag-sasayaw niya. Ngunit ayaw kaming suportahan ni mama, mag-aral nalang daw kaming dalawa.

“Ang galing mo talaga kumanta” bulong sa akin ni Elena

“Ang galing mo sumayaw Elena” bulong ko rin sa kaniya, pagkalabas ni mama ng bahay ay ipinakita ko kay Elena ang isang poster.

“Gusto mo sumali dito Anrena? San Jose Amateur Singing contest?” maligayang tanong ni Elena “Pwede tayong humingi ng tulong kay Lola Amarita para mapapayag si mama” patuloy niya

“Huwag nalang, magagalit lang sa atin si mama” saad ko

“Bakit kaya hindi tayo sinusuportahan ni mama? Hindi ba’t singer din siya?” tanong niya

“Hindi ko nga din maintindihan pero sumunod nalang tayo sa kaniya kase mama natin siya” tugon ko

Sa San Jose, Batangas kami nakatira nasa Tiaong naman ang aming lola Amarita kaya lumuluwas kami kapag gusto namin siyang makita.

“Lola? Alam n’yo po ba? Ang galing kumanta ni Anrena, magaling po ako sumayaw lola hehe” bungad ni Elena habang nasa salas kami ni Lola

“Sample nga mga apo?” maligayang suhesyon ni lola

Pinagbigyan namin si Lola, kumanta ako habang sumasayaw si Elena.

“Ang galing naman ng mga apo ko, sige ipagluluto kayo ni Lola ng meryenda” saad ni lola

Parehas kaming sweet sa isa’t-isa. Lagi kaming magkasama kahit saan pumunta, hindi kami nag-hihiwalay dalawa. Ako ang tumatayong ate sa kaniya dahil palaging wala si mama at papa. Palagi silang wala dahil naghahanap sila ng trabaho para ipagamot ang kapatid ko. Ako na ang nagtuturo kay Elena dahil may hika s’ya kaya't pinatigil ito ni mama sa pag-aaral nito. Pinatigil siya sa pag-sasayaw ni mama dahil bawal sa kaniya ang mapagod ng sobra.

“Hindi ka ba napapagod sa akin? Lagi nalang ako ang iniintindi mo? Ni hindi ka na nakakapaglaro kasama ang ibang kaibigan mo” malungkot na saad ni Elena habang nag-tuturo ako sa kaniya. Mahina ang katawan ni Elena kaya pinatigil si Elena sa pag-aaral “Natatakot ako, baka pagsawaan mo n ako” patuloy niya

“Kailan man ay hindi ako mapapagod at magsasawa sayo” tugon ko “Isa pa, ikaw lang ang kaibigan ko” patuloy ko bago ko siya niyakap

Hapon na nang matapos kaming mag-aral, kinantahan ko si Elena para makatulog siya. Pagkatulog ni Elena ay iniligpit ko ang mga libro naming dalawa ngunit narinig kong nag-aaway sa labas si mama at papa. Bumaba ako para pakinggan kung anong pinag-aawayan nila, nagtago ako sa likod ng pinto.


“Ano ka ba Emelia, anong tingin mo sa anak mo? Tuta na basta basta mo nalang ipamimigay?” pabulong na ani ni papa

“Hindi na natin kaya Antonio, wala na tayong pera” sigaw ni mama

“Ano ba! Hinaan mo ang boses mo, baka magising ang mga bata” bulong ni papa

“Mama, papa nag-aaway po ba kayo?” tanong ko pagkalabas ko ng pinto

“Ah hindi anak, tara na sa loob para makatulog kana. Tulog na ba si Elena?” ani ni papa, sinamahan niya ako sa kwarto, tumango ako

“Papa ano pong pinag-uusapan niyo ni Mama? May narinig po kasi akong tuta, bibili po ba tayo ng tuta?” tanong ko bago humikab

I'm Blind With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon