Pagkatapos akong sorpresahin ay lumabas muna sa kwarto si Edward para makapag-usap kami ng lola ko
“L-lola” humihikbing panimula ko “Ang sakit-sakit na, pakiramdam ko ako nalang mag-isa” umiiyak na patuloy ko, hindi umimik si lola at pinakinggan ang sinasabi ko
“Mahirap po ba akong mahalin?” umiiyak na tanong ko, hindi ko na inantala kung anong itsura ko
“Mahal kita apo” tugon ni lola habang hinahaplos ang likod ko
“Bakit po sina mama iniwan ako? Iniwan nila akog mag-isa dito, nangako sila na babalikan nila ako pero hanggang ngayon hindi pa rin nila ako binabalikan. Umuwi nga sila, umalis agad sila nang nahirapang huminga si Elena. Hindi na nga nila ako kinamusta, umalis agad sila” patuloy kong sumbat habang patuloy ang pag-buhos ng mga luha sa mata ko
“Mahal ka ng mga magulang mo apo” tugon ni lola, umiling ako
“Hindi nila ako pababayaan mag-isa dito kung mahal nila ako” sagot ko, niyakap ako ni lola
“Huwag kang mag-alala, nandito lang ako para sa iyo” aniya habang pinapatahan ako “Iyan lang ba ang dahilan kung bakit dito ka narito?” pag-uusisa ni lola, umiling ako
“Lola? Ganto po pala kapag nagmamahal?” panimula ko “Laging masakit dito” patuloy ko sabay turo sa puso ko, ikinwento ko lahat kay lola.
“Apo, dapat hindi ka nagpadalos-dalos sa desisyon mo” saad ni lola
“Ayoko pong masaktan lola, ayoko na po. Malinaw po sa mga mata ko kung anong nakita ko. Ayoko pong makita siyang may kasamang iba” tugon ko
“Apo sadyang masakit kapag nagmamahal, nasa iyo ang desisyon kung ipagpapatuloy mo ang pagmamahal mo sa kaniya o isusuko mo nalang” sambit ni Lola
Kailangan ko pa ba lumaban gayung alam kong may iba na siya?
Mahal kaya niya ako? Kase ako parang mahal ko na siya
Pero paano ko malalaman kung kami’y nagmamahalan kung bigla nalang akong susuko biglaan?
Nakakabobo pala ang umibig? Lasang nakakatanga!
“Salamat sa paghatid Edward” sambit ko kay Edward bago bumaba sa kotse
“Susunduin agad kita mamaya” tugon niya, tumango ako. Pumasok na ako sa gate ng classroom para hanapin si Fatima at Kraine, sinabi ko na sa kanila na kay Lola muna ako titira.
“Hindi ka ba mahihirapan sa byahe?” tanong ni Fatima habang nag-lalakad kami
“Hinahatid naman ako ni Edward e” tugon ko
“Mga sis iwan ko na kayo, may kikitain lang ako” singit ni Kraine
“Manlalalaki ka na naman ano?” nakangising ani Fatima “Pasama ako” patuloy niya kaya hinampas ko ang braso niya. Umalis na si Kraine kaya kami nalang ni Fatima ang magkasama, habang naglalakad ay kinuwento ko sa kaniya ang lahat.
“Hindi naman natin masisisi si Vince mare, pogi siya, matalino, mayaman” sambit niya
“Mayaman ba siya?” nagtatakang tanong ko “Ang alam ko lang ay gwapo siya, aminado ako” patuloy ko
BINABASA MO ANG
I'm Blind With You
Teen Fiction'Love is Blind' Nakakabulag ba talaga ang pagmamahal? Do I believe that 'Love is Blind'? Yes. No. Maybe Yes? Kase kapag nagmamahal, ginagamit ay puso't hindi ang mga mata. Love came from our heart, heart which has no eyes. No? Because I don't under...