Chapter 4

13 7 6
                                    

Naghanap ako ng part time job na hindi makaka-apekto sa pag-aaral ko. Isang buwan na ako dito sa bahay na inuupahan ko. Sabi ni Lola ay s’ya na daw ang mag-babayad ng renta ko sa apartment at ipunin ko nalang ang pera na kikitain ko sa pagpapart-time job ko.

Online selling ang pinagkakaabalahan ko, pinost ko sa social media accounts ko ang mga products na ipinagbebenta ko. Supplier ang mama ni Fatima kaya sa kanya ako kumukuha ng products.

Vince Bautista sent you a friend request

Wala akong interest sa kanya kaya dinelete ko ang request nya. Patuloy ako sa pagpopost ng mga products sa facebook nang mag-send ulit siya ng friend request. Gaya kanina ay dinelete ko ito, ngunit sadya yatang walang ginagawa ang taong ‘to at pinagti-tripan na naman ako.
Nag-request message siya kaya tiningnan ko ito.

Vince Bautista (Active now)
V: Accept mo naman ako, oorder ako.
Siguraduhin mo lang talaga na bibili ka.

A: Ano bang bibilhin mo?

V: Pwede ko bang bilhin ang oras ng oras mo?

Ang yaman naman

Lahat ng bagay ay mabibili ng pera mo pero ibahin mo ako.

A: Sasayangin mo lang ang oras ko.

V: Kaya nga bibilhin ko, lumabas ka sa apartment mo dahil nandito ako

Pagbukas ko ng pinto, tumambad si Vince sa harap ko..

Pwede ba lumayas ka na? Busy akong tao pero ginugulo mo ako” inis na saad ko

“VC? Sige, kunin mo ang cellphone mo magvi-video call tayo” nakangising tugon nya

Agad ko siyang tinulak sa labas at sinara ang pinto. Pagkasara ko ay tumunog ang cellphone ko.

Vince Bautista is requesting a video call. Agad kong pinatay ang tawag niya.

Aaaaaaaaaaaaa, panira ka sa buhay ko” sigaw ko

Pinatay ko muna ang cellphone ko para hindi na niya ako magulo pa. Sinimulan ko ang concept paper naming kay Mrs Lobrica. Kapartner ko ang lintek na Vince, hindi ko kayang makasama siya kaya ako nalang ang gagawa nito mag-isa.

Hapon na nang matapos ko ang concept paper, naligo muna ako para kumain at makapagpahinga.

•••TOK•••TOK•••TOK•••

Pwede bang makahiram ng plato? Kakain lang ako” bungad ni Vince pagkabukas o ng pinto.

Kumuha ako ng plato at padabog na ibinigay ito.

“Iyo na yan basta huwag kanang bumalik dito inis na sambit ko

Pwedeng pati baso, kutsara at tinidor na din?” saad niya

Bakit ba hindi mo na lahatin? Baka gusto mo ng kanin. Dito kana lang kaya kumain, lahat na ay wala ka” inis na ani ko

I'm Blind With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon