“Text mo’ko, bibigyan kita ng time” nakangising tugon ko
BOOM! Nakabawi ako, natahimik si Vince na tila nag-iisip ng pambawe sa akin
“Woaaaaaahhh, panes” kantyaw ni Fatima “Yan ba ang natututunan mo sa pag-sama mo sa kanya? O sadyang may pinaghuhugutan ka?” bulong sakin ni Fatima
“Ano ka ba? Gumaganti lang ako sa kaniya” pabulong na sagot ko sa kaniya
Hanggang sa umuwi si Vince, napansin kong tahimik siya. Pagkatapos mag-linis ng pinagkainan ay nanligo na ako para makapag-aral. Habang nag-aaral ay biglang tumunog at bumukas ang ilaw ng cellphone ko senyales na may nag-text dito .
UNKNOWN NUMBER
;H3L70 p0e!
Natawa bigla ako sa nabasa ko, ang hehemon naman ng taong ito ngunit hindi ako nag-reply.
UNKNOWN NUMBER
;Magreply ka naman;(
ME
;Sino ka ba?
UNKNOWN’S CALLING
“Hindi ako sino ka, inire ako” bungad mula sa kabilang linya
“Saan mo ba nakuha ang number ko?” tanong ko
“Aydi sayo! Magbibigay ka na nga lang ng oras, number mo pa talaga ang ibinigay mo” tugon niya
Inalala ko ang sinabi kong number kanina, napagtanto kong number ko nga iyon.
“Huwag mo na gagawin yon ah” seryosong saad niya kaya napangiti ako
Next week na ang Midterm Examinations kaya’t tutok kami sa pag-rereview ngayon. Araw-araw nasa apartment si Vince para sumabay sa akin sa pag-aaral.
“Alam ko na! Pataasan tayo ng score sa bawat subject tapos pagsasamahin natin lahat ng nakuhang score, kung sino ang may pinakamababang score ay siyang manlilibre” suhesyon ko
“Ang daya mo naman, aydi syempre ikaw na panalo” tugon niya habang nakatitig sa mga mata ko
“E kaya nga nag-aaral tayo diba?” sumbat ko
Pinilit ko siya at sa huli’y pumayag din siya.
"Bakit ba wala kang ibang ginagawa kundi aral?" tanong habang nagsusulat ako
"Eto kase ang gusto ni mama, siya ang nagpapa-aral sa akin kaya wala akong choice kundi sundin ang gusto niya" tugon ko habang patuloy ang pag-susulat ko. Ramdam ko ang mga titig niya kaya tumingin ako sa kaniya "Bakit? May problema ba?" tanong ko
"Bakit hindi mo sundin ang gusto mo?" seryosong tanong niya
"Ha? Gusto ko namn ang ABM ah" sagot ko
"Ibig kong sabihin ay ang pag-kanta mo" umiwas ako ng tingin at pinagpatuloy ang pag-susulat "Mag-review kana, ang daldal mo naman. Gusto mo pauwiin kita, wag mo akong dadalin dahil ayokong mapunta sa Canada?" biro ko
BINABASA MO ANG
I'm Blind With You
Teen Fiction'Love is Blind' Nakakabulag ba talaga ang pagmamahal? Do I believe that 'Love is Blind'? Yes. No. Maybe Yes? Kase kapag nagmamahal, ginagamit ay puso't hindi ang mga mata. Love came from our heart, heart which has no eyes. No? Because I don't under...