“Ah, Sir……..” panimula niya
“Oo na, sasabay na ako sayo” bulong na saad ko, napatingin siya sa akin at ngumisi
“Yes? Mr Baustista? Is there anything problem with you?” tanong ni Mr Noble
“Uhm, Can I go out sir?” tugon ng katabi ko
Yessss! Ligtas….
Limang araw na kami magkakaklase pero hindi ko pa sila kilala. Pagtapos ng klase ay tumakbo agad ako palabas ng classroom, tumago ako sa likod ng building para di ako maabutan ng lalaking ‘yon. Napunta ako sa likod na napakaraming puno ng mahogany.
“Ang payapa naman dito, mahangin, malilom, malaya ako” bulong ko sabay upo sa isang bato
Ipinikit ko ang mga mata ko at dinamdam ang sariwang hangin. Hindi ko namamalayan ang unti-unting pagtulo ng mga luha sa mata ko. Parating tumatatak sa akin na mag-isa lang ako, hindi ko sana mararamdaman ‘to kung kasama ko ang pamilya ko.
Nagulat ako nang biglang my pumunas sa mga luha ko, nagulat ako nang nakita ko ang lalaking kinaiinisan at sumisira sa buhay ko.
Kalian mo ba ako tatantanan?
“Bakit ka nandito? Pwede bang umalis kana, ah?” inis na sambit ko
“Bakit mo ako tinakbuhan?” panimula niya “Hindi ba may usapan tayo?” patuloy n’ya
“Hindi mo ba alam ang salitang privacy?” inis na sambit ko
“Public school ‘to, imposibleng walang makakita sayo dito” aniya sabay abot ng panyo “Bakit ka umiiyak? Umiiyak kaba, pumapangit ka lalo” dagdag niya
Pumunta lang ba siya dito para mang-asar?
“Ako umiiyak? Hindi ‘no” tugon ko
“Ano yang tumutulo sa mata mo? Pawis?” biro niya, pinigilan ko ang sarili ko na matawa “Tumawa kana, nahiya ka pa” dagdag niya
“Pagod lang siguro ang mga mata ko kaya pinapawis na” patawang saad ko
Ang luha’t pawis ay iisa, parehas tumutulo kapag pagod kana.
“Hatid na kita sa inyo, san ba bahay n’yo?” sambit niya
Ginawa ko ang napagkasunduan naming kanina, sumabay ako sa kanya pauwi. Hindi na ako umimik habang magkasabay kaming maglakad hanggang sa makarating kami sa apartment ko.
“Ikaw lang ba ang nakatira diyan?” panimula niya sabay tingin sa apartment na tinutuluyan ko, tumango ako.
“Salamat nga pala hindi mo pinaalala yung assignment, papasok na ako ah” saad ko, hindi ko na inintay pa kung tutugon sya kaya’t pumasok nalang ako sa loob.
SABADO
Nandito ako ngayon San Francisco, Tiaong, sa bahay ni Lola para tulungan siya sa pagdidilig ng mga hardin niya. Hilig naming ni Lola ang pagtatanim ng mga bulaklak, ang ganda kase sa paligid kapag nakikita mo sila.
BINABASA MO ANG
I'm Blind With You
Teen Fiction'Love is Blind' Nakakabulag ba talaga ang pagmamahal? Do I believe that 'Love is Blind'? Yes. No. Maybe Yes? Kase kapag nagmamahal, ginagamit ay puso't hindi ang mga mata. Love came from our heart, heart which has no eyes. No? Because I don't under...